Chapter 23

3013 Words

Fast forward: It's been what? A year and half? Sa palagay ko, ganoon na nga katagal simula ng pinakaunang pagtanong at pagdala ko kay Joahn sa isang date. Hmm... yeah. Mahigit isang taon na rin. Mabilis na lumipas ang panahon. Isang taon na ring kaming magkasintahan. Lahat ng bampira alam ang relasyon namin, pero walang nakakaalam na mate ko siya maliban sa mga anghel na tahimik lang. Nananatili silang tahimik dahil kung hindi, isa sa lahi nila ang mapapahamak. Walang magawa ang mga bampira lalo na si Ezekiel dahil nga ibang klaseng nilalang si Joahn kaya hindi nila pwede galawin. Hindi pa nila nakikilala si Joahn pero alam nila kung anong nilalang ito. Kaya nanahimik na lang sila at tumutok sa pagpaparami ng tauhan at pera nila, na kinukuha ko naman. Kaya doon sila sa pera ngayon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD