chapter 4
Veronica**
"Alex".Laking gulat ko ng makita ang nagmamaneho sa kotse,wala talaga akong idea na siya pala ang taong magliligtas sakin sa kapahamakan.Gusto ko ng maiyak sa sobrang galak ,or sobrang tuwa na nararamdaman ngayon.
"Why did the two guys follow you? and you looked pale kanina ,anong nangyari ?". Napalunok ako sa mga tanong nito,hindi ako tumingin sa kanya nanatili ang mga mata ko sa labas ng bintana.i can't tell her the truth , Napahilamos ako sa mukha dahil sa problemang to di pa nga tapos yung kay Vincent ito na naman.
Masisira lahat kapag sasabihin ko ang nangyari kanina pwede akong baliktarin ni matteo ,may movie pa kaming dalawa.
"Hey are you alright? ano ba talagang nangyari?".muling tanong ni alex sakin palipat lipat ang tingin nito sakin at sa kalsada .
"Wa-wala alex ahm may inasikaso lang ako para sa kaso ng kapatid ko".Pagsisinungaling ko sa kanya hindi naman ito nagtanong pa sakin. "What about you pano ka napunta sa restong yun?". Lumingon ito sakin dahil sa tanong ko,pinilit kong inayos ang sarili ko baka mahalata niyang nagsinungaling ako sa kanya .
"Well i have a meeting with an important clients in that resto today ,when i saw you i feel that you need my help kasi tingin ko sa dalawang lalaki ikaw ang hinabol nila because they knew you are Veronica the actress actually nagulat pa nga ako nong nakita kita dapat di mo enexpose yung sarili mo in public lalo nat mainit kapa sa media ngayon".
Napalunok ako sa mahaba nitong sagot,sobrang thankful talaga ako na dumating siya kanina baka nasa kamay na naman ako ngayon ni matteo.
"Thank you for saving my life today".sabi ko habang nakatingin sa kanya,nagtama ang mga mata namin ng lumingon siya sakin.Eksakto kasing naka stop light . "I mean for saving me sa dalawang lalaki baka may masamang balak pala ang dalawang yun sakin". Pag iwas ko ng tingin sa kanya pero ramdam kong nakatitig pa rin siya sakin ewan something have strange on me ng makatingin ako sa mga mata niya.Parang may mga paro paro sa dib dib ko ng magkatitigan kami ni alex. Napailing nalang din ako ng bumalik saking ala ala yung pag uusap nila ng babae dun sa tagaytay,at yung kiss nilang dalawa, narinig ko din ang pag aaway nila.She's a lesbian pala dati ayoko talaga sa mga katulad nila but nong nakilala ko si mama abby at jera nagbago yung pananaw ko sa kanilang lahat .
And then here she is Alexandria Ramos saving me from hell.Anong meron sa mga baklang to ? bakit ang bait ng tadhana para mameet ko tong mga to sa buhay ko.
"Ahm saan ba yung exact address nyo ihahatid na kita dun ".sabi niya ng muling pinatakbo ang kotse.
"Ahm just drop me sa AB malapit nalang yun baka naabala na kita may meeting ka pa pala-
"Its ok ,i can cancel the meeting are you sure sa ab station baka pagkakaguluhan ka na naman ng media doon?".Napaisip naman ako sa sinabi niya malamang nandun pa din ang mga media sa labas ng AB.Nakakahiya man wala na akong nagawa kundi magpahatid sa kanya sa bahay.
"Pasok ka muna ,matutuwa si jera kapag makita ka nun".Aya ko sa kanya ng makarating sa bahay namin.Mabuti naman at wlaa na ang mga media dito.
"Gusto ko din sana kaso may important pa akong gagawin eh ,next time nalang siguro".
Pagtanggi nito sakin , tuluyan na rin akong lumabas sa kotse.Nagbigay lang ako ng isang wave bago ako pumasok sa bahay.
"WTF! veronica where have you been kanina pa ako tawag ng tawag sayo di mo ko sinasagot".Bungad sakin ni jera,kasama nito si lola sa sala habang nakaupo.
"Im sorry ahm -nagpahangin lang ako sa tabi tabi , don't worry wala namang nangyaring masama sakin". Pagsisinungaling ko ,umupo ito ulit sa sofa . "Is dad home?".Tanong ko sa kanila.
"Hindi pa nasa company pa ang dady mo iha ". Tinanguan ko lang si lola .
"Amh nica can we talk for a while?".takang tiningnan ko si jera,alams na hindi siya naniwala sa sinabi ko kanina.
Tumayo ako saka lumapit sa kanya ,hinila ako nito palayo ng konti kay lola kung saan nakaupo parin ito .
"I called you kanina ,and matteo answered it now tell me the truth Veronica ,may nangyari ba kanina? sabihin mo sakin yung totoo magkasama ba kayo ni matteo?".
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya alam kong kahit na anong pagsinungaling ko di pa rin ako nito paniwalaan.
"Alright im with him he-he was just helping me to feel some ease ,alam mo na diba sobrang stress na ako and im ahm im thankful that matteo was there for-for me".Halos mabulunan ako sa mga pinag sasabi ko ,para akong masuka sa mga papuri ko sa matteong yun! That bastard!rapist! Hayop pa sa lahat ng hayop!
"Sure? bakit si alex ang naghatid sayo kanina,i saw you came out from her car".
Napalunok ulit ako s**t! wala na akong maisip na e dahilan. "I ask you one more time bakit si alex ang kasama mo at hindi si matteo ,at bakit iniwan mo ang cellphone mo kay matteo".Nag iwas ulit ako ng tingin kay jera , hindi niya dapat malaman ang nangyari ,masisira lahat ng pinaghirapan ko sa movie namin ni matteo. "Don't you dare lie to me nica! kilala kita , imposibleng iiwan mo yung phone mo kay matteo, that's unbelievable ,you didn't do such thing!so please tell me the truth".
Na speechless na ako wla na akong masabing kasinungalingan .Kilala ko rin si jera hindi ito titigil hanggat di niya malaman ang totoo lalo nat may duda talaga siya.Daig pa niya ang pagiging isang ina sakin.
"She forget it!". Nagulat ako ng marinig ang boses na iyon.Gulat na nilingon namin si matteo.How dare him para magpakita pa sakin! Masama ko itong tiningnan pero tuloy lang sa paglalakad ang loko na parang walang nangyari doon sa resto nila.
"Matteo? ahm ganun ba hindi kasi basta bastang nag iiwan ng cellphone si veronica that's why i asked her".rinig kong sabi ni jera ,
"Well,as i said kanina na nakalimutan niya ito nagmamadali kasi siya kaninang umalis ni hindi ko na mahabol dahil may mga inasikaso pa ako after niyang umalis".
Gustong kong sampalin ang lalaking to ngayon ang galing niyang magsinungaling kung sa bagay ako rin naman pero swear! hindi ako titigil hanggat di nakukulong ang rapist nato kung sino man ang mga naging biktima pa niya sana lumantad sila.
"Here is your phone nica".Masama ko pa rin itong tiningnan but when jera turn around to see me mas mabilis pa sa alas kwatrong ngumiti ako ng peke kay matteo.
"Thanks".tipid kong sabi sabay kuha sa phone ko.
"ah di na rin ako magtatagal may photoshoot pa akong gagawin today and see you tomorrow nica para sa photoshoot natin".Nakangiti ito ng nakakaloko sakin kung wala lang si jera ngayon malamang napatay ko na ang rapist nato.
Nang makaalis si matteo ay bumalik na ako sa sofa kung saan nagbabasa ng dyaryo si lola at saka umupo sa tabi niya. Kinuha ko ito para basahin nanlaki ang dalawang mata ko ng makita ang nasa headlines.
ACTRESS VERONICA ALPARO'S BROTHER IS A DRUG USER?
POSSIBLE NGA RIN KAYA NA ISANG DRUG USER ANG ACTRESS?
MOVIE NG ACTRESS NA KASAMA SI MATTEO GUANZON POSIBLENG HINDI NA MATULOY ?
Hindi ko na binasa ang laman ng balita dahil hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon.Sirang sira na nga ako?Bakit ba nangyari sakin to? wala na akong mukhang ihaharap sa lahat .Hindi ko alam kung anong gagawin ko .Di ko na namalayan ang mga luha sa pisngi ko nakakaiyak , Naramdaman ko ang mga braso ng lola ko sakin mas lalo akong naiyak ng yakapin niya ako.
"Don't stress yourself nica malalagpasan mo rin to hindi lahat ng nasa headlines naniwala silang lahat lalo na ang mga supporters mo i know nandyan pa rin sila".
Sabi ni jera sakin hinimas din nito ang likod ko.Actually wala naman akong pakialam sa mga bashers eh ,ang iniisip ko lang ay ang pinag hirapan ko pano kong babagsak ako dahil sa issue ?
Nagpahid ako ng luha bago Nginitian si jera tama naman siya dapat di ako magpapaapekto ang importante lalabas yung totoo na hindi drug user si Vincent.
Sabay sabay kaming napatayo ng dumating si daddy .At hindi ko rin inaasahang kasama niya si Vincent sa pag uwi kasama rin nito ang kanyang abogado.
"Dad ,anong nangyari? Vincent?".Tanong ko sa kanila niyakap ko muna ang mga ito bago ulit sila hinarap.
"Vincent is innocent ,yan ang patutunayan natin sa court nakapag bail naman kami.Although napaka tibay ng evidence nila laban kay Vincent pero glad to say that we also have a strong evidence na magpapatunay na inosente ang kapatid mo".sabi ni attorney ,im happy dahil sa news na narinig.Hindi ko akalain na wala pa nga akong ginagawa para linisin ang pangalan namin ni Vincent may solusyon na agad ,god is good talaga.
"Wow that's great news sana mag tuloy tuloy na yan".sabi ko naman.
"well they are requesting a drug test for Vincent at game naman dun ang kapatid mo kaya kapag negative ang result mas maging madali na para sa kaso ni Vincent ang lahat ".
"Thank you attorney , i hope so na sana matapos rin to at kung sino man ang nag set up sa kapatid ko sana makilala natin siya".
nagkatinginan sina daddy at si attorney gomez ,batid kong may alam na sila sa taong tinutukoy ko.
"For now all we have to do is keep silent until matapos ang drug test ni Vincent at kapag napatunayan natin at negative ang result then that's the time to resbak".
Nakangiting niyakap ko so Vincent.
"Im sorry ate ,nadadamay ka sa mga kalokohan ko , kaya kong patunayan na hindi ako drug user mabalik lang ang tiwala at pagmamahal mo sakin -
"Kahit kailan Vincent hindi nawala ang pagmamahal ko sayo ,at sana lesson learned mo na to para makapag bago ka i promise that i will still be here with you ,kami ni daddy ni lola,we always love you ".
Niyakap rin ni lola si Vincent ,nagpaalam na rin si attorney sobrang sarap sa pakiramdam na makitang hindi kami pinabayaan ng diyos kahit na may worst na nangyari sa akin ngayon ,pero si god di pa rin niya ako pinabayaan and i know everyday ko siyang kasama.
+++
"What's wrong with you nica? nakailang take na tayo anong nangyari sayo bakit parang hindi kita maramdaman ngayon".Sermon sakin ni mama abby,ewan hindi ko kayang titigan ang mukha ni matteo! kumukulo talaga ang dugo ko.
Habang ang lalaking yun enjoy na enjoy sa paghawak sakin ,parang hindi ko matanggap na nagagawa niya iyon sakin.Ayokong dumampi man lang ang hintuturo nito sa balat ko.
"Mama abby can we schedule it other day ,im not feeling well today ,im sorry".
Mabilis na kinapa nito ang noo ko at leeg.
"Are you alright? gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital".
"no no no mama,magpapahinga lang ako".
"ok let's take another shot".Sigaw ng photographer, Dismayadong tiningnan ako ni mama abby,bago lumapit sa photographer ,napansin ko rin ang pagsulyap nila sakin.Pati na rin si matteo,hindi ko masikmura ang pagmumukha ng lalaking yun ,ano bang dapat kong gawin? Gulong gulo na rin ako eh , mas mabuti kayang itago ko to ?
Nakaalis na ang grupo nila matteo pero hindi parin tapos ang pag uusap nila mama abby ,jera at ang photographer.Pasulyap sulyap ang mga ito sakin.
Ilang minuto lang din ay umalis na photographer at sabay na lumapit sakin sina jera at mama abby sakin.
"Tomorrow morning nica ,i hope matapos na to kasi ilang days nalang premier night nyo na ,you have to be ok hmm".Sabi sakin ni mama abby. "May problema ka ba?".
"Ahm no wala naman mama,masama lang talaga yung pakiramdam ko".
"Do you want us to take you somewhere na makakapag relax sayo?".Sabi pa nito sabay tingin kay jera na nagkibit balikat lang.
" good idea mama ?". Malapad ang pagngiti ko sa kanilang dalawa.Pag si mama abby na ang mag aya for sure sa unit na naman niya kami pupunta at doon mag relax .Lagi namin tong ginagawa everytime na gusto naming magpahinga.
Pagdating namin sa unit ng manager ko na parang mama ko na rin ay agad silang nagpadeliver ng pagkain .Naglabas na rin sila ng mga whine ,this is it! i badly need this ,i need to forget about matteo guanzon! gusto kong makalimutan ang ginawa niya.
"Ito lang pala ang magpapasigla sayo eh".Rinig kong sabi ni jera , Ngumiti lang ako saka ulit nag lagay ng whine sa baso ko.
Sabay sabay naming itinaas ang aming mga baso at pinagdikit ang mga ito.
"Cheersss!".Sabay sabay naming sabi.Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap ng may biglang nag doorbell.
"Hm ako na".Agad na tumayo si jera para pagbuksan ang nasa labas.Naramdam ko na rin yung epekto ng alak sa katawan ko.
"so how's working with matteo?".Habang hinintay namin si jera at ang bisita ay napatigil ako sa tanong ni mama abby.Imbes na gusto kong kalimutan muna ang lalaking yun ay heto naman siya starting the conversation with that rapist.
Sasagot na sana ako ng biglang nakita ko si alex ,so siya ang bisita kasunod nito si jera.I don't know pero kusa akong napatitig sa suot nito.Ang astig lang but sexy.
Simpleng maong jeans lang at white croptop sa taas which is kita ng konti ang tiyan.Damn!that tummy ang kinis lang at halatang nag wowork out.
"Hai na istorbo ko ba kayo?mukhang naparami na kayo ah".Doon ko lang narealize na nakatitig na pala ako sa katawan niya.Agad ako nag iwas ng tingin saka pasimpleng ininom ang whine sa baso.Well,im not attracted to her im just amazed by her presence at sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya knowing that iniligtas niya ako kahapon.
"Ano ka ba parang di ka naman namin pinsan , you're always welcome here alex".Sabi ni mama abby sa kanya,binigyan siya nito ng whine at kinuha niya naman iyon.
"So mabuti naman at naisipan mo ring pumunta rito sa manila nuh puro ka na lang trabaho sa tagaytay and look at you para kang batang nawawalan ng ina ".
Pabirong sabi ni mama abby kay alex,natawa lang ito sa narinig.
"Well may meeting ako kahapon with Eduardo Guanzon the business man ,may mga importanteng discussion lang kami about sa pag rent nila sa resort".
Napatingin ako kay alex dahil sa sinabi nito ang ama pala ni matteo ang ka meeting niya.Nag meet na kaya sila ni matteo? sana naman hindi pa baka mamaya ay gawin siyang biktima ng rapist na yun.Actually alam kong lesbian si alex but on her physical appearance maraming mabibighani sa kanya kasi maganda siya ,mataas ,maputi and i swear matteo also admire this kind of beauty.Hinding hindi ko makalimutan kung paano niya ako muntik ng gahasain it's so hard for me to forget but i need to be strong for now ,for my career ayokong masira ang movie ko with matteo ,ilang buwan akong walang tulog at pahinga dahil sa movie na yun .I will promise myself that after this movie ,i will get my justice .
Napailing nalang ako sa naiisip pano na lang kung mag ka encounter sila ng rapist na yun!
"hey".
Napakurap kurap ako ng kumaway si jera sa harap ko.Ngayon ko lang napansin na nakatingin na silang lahat sakin.
"Lalim ng iniisip mo nica ,may hindi ka ba sinasabi sa amin?".May pag alalang tanong ni mama abby sakin.Nginitian ko sila para mawala yung tension sakin.
"No mama i was just thinking about vincent ,ahm im happy of coarse tsaka wag nyo na akong alalahanin ok,im really really fine".
Salamat na lang at napatango ko sila maliban lang kay alex na nakatitig sakin.Ewan para kumabog bigla yung dib dib ko ng tumingin ako sa mga mata niya.
Nag salin pa ako ng whine sa baso para makaiwas sa kanya.
Buti na lang din at kinausap siya ni mama abby dahilan para maalis yung tingin niya sakin.
Ilang oras din ang lumipas medyo may epekto na yung alak sa amin dahil puro nalang kami tawanan at biruan.
Until jera's boyfriend came para sunduin siya tinukso pa namin ito dahil medyo clingy ang dalawa habang naglakad palabas ng unit.
"I need to go mama abby".Sabi ko naman tsaka tumayo na ,medyo nahilo ako bigla kaya napahawak ako sa aking ulo.
"Oh ok ka lang? ".Tanong ni mama sakin , ngumiti ako bilang sagot sa kanya.
"Im ok mama ,i know parating na rin yung boyfriend mo baka madistorbo pa namin kayo?".pabirong sabi ko ,Nakurot pa ako nito sa tagiliran .
"Ewan ko sayo you can sleep here naman eh it's already 6 pm nica dito ka na lang matulog ,hindi na rin kita maihatid eh kasi parang nahihilo na rin ako".
"I can drive for her".Nahihilo man ay automatikong napatingin ako kay alex na ngayoy nakatayo na ,siya lang ata ang hindi nahilo sa amin dahil late na siyang naki join mas nauna kaming uminom.
"Thank you alex please take care of nica ha ,i owe this to you ".
"Don't worry abby she's safe with me".
Parang tumigil ang dila ko sa sinabing iyon ni alex,i can't deny that i feel something in my heart you know it beat's fast when i heard her last words.Napailing ulit ako para mawala yung kilig na nararamdaman ko.
Hinalikan ko muna si mama abby bago tuluyang umalis pansin ko namang nakasunod lang sakin si alex .
Wala kaming imik habang naglalakad sa hallway.
" I can handle myself naman eh you don't need to do this alex".pagbasag ko sa katahimikan. "Baka kasi naabala na naman kita". Dugtong ko pa.
"It's ok wala na rin naman talaga akong gagawin ,pauwi na rin ako sa bahay ko".
Napalingon ako dito so uuwi pa siya ng tagaytay? "i mean my family's house dito sa manila".
Tumango tango lang ako sa kanya tsaka patuloy na naglalakad hanggang marating namin ang elevator.
Pagpasok namin sa loob ay mas lalo kung naramdaman ang hilo .Napahawak ulit ako sa ulo ko.
"Ok ka lang?".rinig kong tanong ni alex sakin , ngumiti ako sa kanya at tumango bilang sagot pero parang hindi talaga ako ok lalo na nong umandar na ang elevator pababa.nasa 4th floor lang naman kami ,mas ramdam ko yung hilo.kaya napahawak na ako sa braso ni alex.I don't have any choice buti na lang din at nandyan siya kundi baka natumba na ako sa sahig.
i feel her left hands around my waist , para na akong mahimatay pero yung puso ko sobrang bilis tumibok ng maramdaman ang palad nito sa aking beywang.
Mabuti at bumukas agad yung elevator .Hindi pa rin nito inalis ang kamay niya sakin ,habang naglalakad kami ay para akong maduduwal.
"Alex i think i need to go in comfort room".
"What? s**t! wait medyo malayo pa dito yung comfort room nila".sabi niyang nataranta,mas humigpit pa din ang paghawak niya sa beywang ko habang inalalayan ako sa paglalakad.
"Alex di ko na talaga kaya". napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang gustong lumabas.
"Hey hey do you have plastic ,can i have one ?".Rinig kong sabi ni alex doon sa babaeng dumaan.Mabuti na lang at nagbigay yung babae tsaka mabilis na lumapit sakin si alex.
"you can throw it here ".Kinuha ko agad yung plastic tsaka doon nasuka grabi sukang suka na talaga ako .Ramdam ko ang paghimas ni alex sa likod ko.Hindi rin nakaligtas sakin ang pag flash ng ilang cameras na nasa gilid ngayon ko lang napansin na may mga taong dumadaan at kumuha ang mga ito ng pictures sa amin ni alex.
"Come on we need to go veronica , bago ka pa pagkakaguluhan ".Bulong sakin ni alex ,hinila niya ako papuntang comfort room para itapon yung plastic ,at siya talaga ang nagtapon ng plastic sa loob habang ako ito nakasandal sa pader .God anong ginawa ko?.malamang nasa dyaryo na namn ako bukas at ang masaklap pa ay madamay pa si alex.
Lumapit ako sa sink para maghilamos ,inayos ko na rin ang sarili ko eksakto namang palabas na si alex mula sa cubicle.
"Are you alright now?".Tanong nito ,tumabi rin ito sakin para maghugas ng kamay.
"Yes thank you alex alam mo kung hindi kita kasama ngayon i can't imagine myself without you today,right now ,right here, what i did a while ago was so damn disgusting".
Sabi ko at sumandal ulit sa pader.
"It's ok veronica tao ka lang din naman just don't mind those peoplewho took pictures from you today".
"hindi ko talaga alam kung paano kita mababayaran sa lahat ng mga nagawa mo sakin".Narinig ko ang pagtawa nito bago ako hinarap ng matapos siyang mag punas ng kamay.
"You don't need to do something for me ,masaya akong nakasama kita at higit sa lahat ok na sa akin ang maging isang kaibigan ang nag nag iisang Veronica Alparo".
Muli na namang nagtama ang mga mata namin ,a familiar sounds from my heart is finally out na naman.Hindi ko maintindihan bakit nakaramdam ako ng ganito.Ibang iba e hindi ko to naramdaman sa mga naging leading man ko sa showbiz iyong pagbilis ng t***k ng puso ko tanging kay alex ko lang naramdaman something weird as in napaka weird dahil unang una hindi ako lesbian, pangalawa hindi ako attracted sa babae and i will never be attach to them never!
My dream is to find my leading man ,my prince charming by my own hindi sa kung sino man ang e partner sakin ng management.I want to meet him excited na rin akong makilala siya.
I had boyfriend's before pero matagal na yun college pa ako nun simula ng pumasok ako sa showbiz ay wala na akong naging boyfriend dahil busy palagi .
"Hey you didn't answer me ayaw mo ba akong maging kaibigan?".Muli akong nabalik sa realidad ng magsalita si alex sa harap ko .
"Of coarse not, ano pa bang ginagawa natin diba we're already friends alex , you're not just my friend but your are my angel ilang ulit mo na akong tinulungan diba".
"Thank you ".Pansin kong namumula ang buong mukha niya at pilit na pinigilan ang pag ngiti.So kinikilig rin siya sa sinabi ko. "Halikana medyo gabi na ihahatid na kita sa inyo".
Tumango tango lang ako sa kanya saka sumunod sa labas.Wala ng nagsalita sa amin hanggang makarating kami sa parking lot.
+++
"Oh my god!".Rinig naming sigaw ni mama abby habang nakatingin sa kanyang phone.
Nandito kami ngayon sa studio kung saan tatapusin namin ang photoshoot namin ni matteo.Wala pa ang grupo nila kaya nagkwentuhan muna kami ni jera.
"Mama bakit?".Tanong ko ng makalapit si mama sa amin, nagkatinginan rin kami ni jera ng nakatitig sakin si mama .
Tumayo na ako at tiningnan ang cellphone nito napatakip ako sa bibig ko sa gulat ng mabasa ang isang content sa f*******:.
ACTRESS VERONICA ALPARO LASING NA LASING KASAMA ANG SIKAT NA BUSINESS WOMAN SA BANSA SI ALEXANDRIA RAMOS! which is known to be a lesbian !
May relasyon ba kaya ang dalawa? makikita rin sa video kung paano alalayan si Veronica sa nasabing business woman!
Pinanuod ko rin ang laman ng video at yun nga yung nangyari kahapon habang kasama ko si alex.Binasa ko rin ang mga comments sa baba.
'lasinggera talaga yan ,mabisyo nagdruga din ata kasama kapatid niya'
'Grabi kawawa si papa matteo ko pag naging gf niya yan daming bisyo'
'Sayang nagjowa lang ng tomboy'
Napataas ang kilay ko sa mga nabasa lalo na yung nagjowa daw ako ng tomboy juice ko! ang lala ng mga bashers napagkamalan pa.kami ni alex.
Ipagpatuloy ko pa sana ang pagbabasa ng biglang inilayo ni mama abbby ang kanyang phone.
"wag munang basahin mga comments mag o overthink ka na naman mamaya".
Sabi nito sabay lapag ng cellphone sa mesa.
"Tama si abby ,nica focus ka muna sa photoshoot ninyo ni matteo ngayon tapos mamaya may live interview kayo sa "Katalk ni tito boy" ,wag ka munang mag social media ngayong araw focus ka sa ginagawa mo ngayon".
Mahabang sermon ni jera sakin,naupo na lang sa gilid habang hinintay ang team ni matteo.
Labag man sa kalooban ko ang photoshoot namin ni matteo ay kailangan ko munang sanayin ang sarili ko dahil mukhang matagal pa kaming magkasama ni matteo dahil sa movie namin.may mga shows kung saan magkasama kami lagi.
Inalis ko muna ang galit ko sa kanya pati na rin ang ginawa niya sakin ,pansamantala ko muna itong inalis sa aking isipan.
Natapos kami sa aming photoshoot at heto na naman abala sila sa paghahanda sa outfit ko para sa interview ni tito boy i feel a little bit nervous , because i know there's a lot of question that related to Vincent ,and about what happened yesterday with alex.I can do this sanay na ako sa ganitong issue.
"5 minutes".
bungad sa amin ng floor director,tinapos na nga nila ang paglalagay ng make up sa aking mukha, sakto namang pumasok si matteo ng tumayo ako.
"Give us a second please". Automatikong nagtaas ako ng kilay sa narinig mula kay matteo.Walang nagawa sina mama abby at jera kundi lumabas ng silid.
"At bakit ka nandito?". Sarcastic kong tanong sa kanya.Kaming dalawa nalang ang natira dito.
"I just want to remind you the consequences kapag magsalita ka mamaya , and by the way kailangan din nating maging extra sweet sa harap ng camera kasi buong mundo ang manunuod sa atin para sa ating mov-
"Shut up! ".Putol ko sa kanya matalim ko itong tinitigan. "May manunuod man sa movie o wala i will never be sweet especially to you matteo guanzon and don't worry i won't tell anything infront of tito boy ,just wait for it!". Nakatitig lang ito sakin ganun rin ako hindi ako nagpapatalo sa mga mata niyang demonyo.Sabay kaming napatingin sa nagbukas ng pinto it's mama abby.
"Guys lumabas na kayo magsimula na ang show".
Sabi nito Tinanguan ko lang si mama abby ,isinirado naman nito agad ang pinto kaya walang imik akong naglakad pero nahablot ng demonyo ang braso ko saka ako napalingon dito.
"You don't have to tell it,to anyone or else ill do the worst that might put you down !".
Ilang seconds kaming nagtitigan ni matteo bago ito naunang lumabas sakin.
Hindi ako natatakot sa pagbanta niya ,lalabanan ko siya kahit na anong mangyari.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang lumabas ng dressing room.
"Let's all welcome the newest loveteam na minahal nating lahat , makakasama natin ngayong araw the star of the movie If we fall inlove starring matteo guanzon and Veronica Alparo ,live na live dito sa -Katalk-".
Lumabas kaagad kami ni matteo sa backstage wala na akong nagawa nong hawakan niya ako sa beywang,nagsisigawan naman ang mga tao sa live audience.
Nakakabingi at masaya ako dahil mainit nila kaming tinanggap.Pagkatapos naming nakipagbeso kay tito boy ay naupo na kami ni matteo.
"Grabi sobrang dami nyo ng fans kahit na ngayon lang kayo nagtambal dalawa sobrang dami na ng nagmamahal sa inyo".Sabi ni tito boy kumaway kaway kami ni matteo sa lahat ng narito sa studio.Mas lalo tuloy na umingay ang paligid.
"Good afternoon sa ating lahat,matt , Veronica good afternoon".
"Good afternoon tito boy ".-- matteo
"Good afternoon tito boy ".--ako
"Alright sisimulan na natin , i have some questions for matteo,ah matt may chance ba na ligawan mo si veronica?". nagulat ako sa tanong ni tito boy mas dumoble rin ang ingay sa paligid.Ewan kinakabahan ako sa maging sagot ng demonyong to.
"Ahm tito boy sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang-".Hindi naituloy ni.matteo ang sasabihin niya ng magsigawan na naman ang mga tao na tilay kilig na kilig.
"Guys guys quite let's hear matteos answer ok".Sita ni tito boy sa audience. "go ahead matteo ,may chance ba na maiinlove ka kay veronica?".
"yes tito boy".Deretsong sagot ni matteo na.mas nagpapaingay sa lahat ng audience,mabibingi na talaga ako.Kung ako lang masusunod lumabas na ako dito.
"Anong nagustuhan mo sa kanya?".Follow up question ni tito boy kay matteo.
Ang demonyo naman ay nakatitig sakin ,kilig na kilig naman ang audience sa ginawa niya and wala akong magawa kundi bigyan ang camera ng fake smile.
"Ahm si veronica kasi tito boy sobrang sweet ,napakaganda niya gaya nga ng sabi ko walang taong hindi mahuhulog sa kanya,and i admit that i like her so much and i hope soon she will be my girlfriend".
Sabog na sabog ang buong studio dahil sa malalakas na tili ng mga babae.As usual naka fake smile pa rin ako sa camera .
'Well tanungin natin si veronica may chance ba?".Gulat ako sa dretsahang tanong ni tito boy hindi ako handa sa tanong niya .Sana nga may script akong binasa para sa mga tanong kaso wala e!
end