Prepare a tissue for this chapter. Naiyak ako eh. Baka maiyak din kayo. Chapter 59 Natanggap si Tanya sa isang modeling agency sa Metropolis at nagtuloy-tuloy iyon. Masayang-masaya siya dahil tuloy-tuloy na sa wakas ang career niya. Sinabi niya iyon kay Wave nang magkita sila nito. Pero sa kabila ng mga natatamasa niyang tagumpay sa career niya ay hindi niya maiwasan na hindi kabahan lalo na at pursigido ang kanyang ama na paghiwalayin sila ni Wave. Kahit na sinabi niya sa papa niya na si Wave ang isa sa mga taong nagpapasaya sa kanya ay ipinipilit pa rin ito sa anak ng Del Marcel na minsan ng tumulong sa negosyo nila. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nito na mapalapit sa panganay na anak ng Del Marcel na si Silver. Kung tutuusin nga ay mas higit na may i

