Chapter 61 Halos matawa ako sa reaksyon ni Silver nang sabihin ko ang mga salitang 'yon sa kanya. Kitang-kita ko kung paano namula ang buong mukha niya hanggang sa tenga at kung paano niya itinikom ang bibig niya mula sa pagkakaawang. Pilit niyang tinatago ang pagkahiya sa sagot ko habang nakatitig sa akin. "S-Should I pick you up later?" Umiling ako. "Hindi ako pwede ngayon but we can try on upcoming Saturday," nakangiting saad ko sa kanya. Hindi na naman siya nakasagot. Lalong namula ang buong mukha niya kaya mas lalo akong natawa. Nakuha pa niya umiwas ng tingin sa akin at saka uminom ng tubig. Pagkatapos namin kumain sa pares ay saka niya ako hinatid pabalik sa office. Pinuntahan ko si Wave sa office pero wala siya roon kaya nagtanong ako kay Carla kung nasaan si Wave. Nagpunta raw

