Chapter 51 Nagtago ako sa kuwarto kahit na dapat ay kasama ako nila mommy para isurpresa si Auntie. Siguradong hahanapin ako ng mga 'yon kapag nalaman nila na wala ako. Paano ba ako makakalabas kung ganito kapula ang mukha ko? Para akong nagblush-on nang wala sa oras! Tapos paano ko papatunguhan si Wave? Bakit ko ba kasi siya hinalikan? Nababaliw na siguro ako! At saka bakit niya ba ako hinalikan in the first place? Hindi ba dapat si Tanya iyon? O baka naman napagkamalan niya ako na ako si Tanya kaya hinalikan niya ako? Pero walangya naman oh! Mas maganda naman si Tanya kesa sa'kin! Mukha kaya akong patatas! Ugh! I can't believe this. Ngayon ay wala akong alam kung paano ko siya papatunguhan na hindi kumakabog ang dibdib o hindi man lang namumula! Ang nakakainis pa, eh mukhang nagus

