Chapter 47 HINDI KAMI NAGTAGAL DOON SA STORAGE ROOM dahil binuksan iyon ng taga city complex. Naabutan pa niya na nakatulala ako kay Wave dahil sa huling sinabi nito sa akin habang namumula ang mukha. Napalayo tuloy ako kay Wave nang wala sa oras! Idagdag pa na kasama si Tanya noong tagabukas dahil tila nabuking ang ginawang kalokohan ni Sir Drew at ng kaibigan kong si Carla sa amin dalawa. Mabilis niyang nilapitan si Wave at kinausap. Umiwas ako ng tingin at nauna nang maglakad kasi ano pa ba ang gagawin ko roon eh nagkakaroon na sila ng moment. Alangan naman na manood pa ako? “Reene.” Hindi ako nagdalawang isip na lumingon kay Wave pagkatawag niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo ng bahagya na tila nagtataka sa ginawa kong paglayo sa kanya habang si Tanya naman ay may sasabihin p

