Chapter 42 ANG GABING ‘YON AY NAGING MAHABA DAHIL KASAMA KO SI WAVE SA LOOB NG UNIT. Hindi ko akalain na magiging mahaba ang gabing ‘yon dahil nasanay ako na mabilis lang ang oras sa tuwing kasama ko siya. Namoroblema pa ako dahil balak niya pala manatili rito hanggang bukas ng hapon. Weekend naman daw kasi at wala rin siyang gagawin sa bahay. Ang sabi ko naman ay maglilinis ako kaya kinakailangan niya umuwi dahil hindi naman siya sanay makasinghot nang alikabok pero hind ito nagpatinag at ipinagpilitan ang gusto na manatili rito kasama ako. Maaga rin akong nagising dahil hindi madaling makatulog lalo na at pagbukas ko nang pinto galing kwarto ay tanaw ko na agad si Wave na nakahiga sa sofa. Talagang ipinagpilitan niya ang sarili niya roon sa maliit na sofa kahit hindi siya kasya. “

