Chapter 1
Sapp's POV
Jeju Island...
Tumingin ako sa huling pagkakataon sa salamin para ayusin ang ilang hibla ng bangs ko. Inayos ko rin ang pagkalalagay ng eyeglasses ko. Tumabingi kasi ito. Pilit akong ngumiti sabay buga ng hangin. Humawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. Ready to go to school na ako.
"Good morning, self!" masayang bati ko sa sarili. "Lolo Jung! Aalis na po ako!" malakas kong sigaw para marinig niya.
Mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Agad kong itinayo ang bike ko saka ko ito inakay palabas ng gate.
"Sapphira!" Napalingon ako agad.
Si Lolo Jung pala.
"Itong baon mo, nakalimutan mo." Itinaas niya ang baon ko na nakalagay sa lunch box at nababalot ng manipis na tela.
Kumaripas ako ng takbo palapit sa kaniya sabay abot ng baon ko.
"Salamat, Lolo. Mabuti na lang napansin mo." Ngumiti ako nang malapad.
"Mag-iingat ka roon, apo, ha? Galingan mo! Mag-iingat ka sa daan. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka." Maingat niyang hinaplos ang ulo ko.
"Kayo rin, Lolo. Huwag kayong magpapagod. Huwag din kayong magtatagal sa manukan n'yo. Sige na, aalis na po ako baka ma-late pa ako." Nagmano ako sabay takbo nang mabilis.
Nang makalabas na ako ng gate ay mabilis akong sumakay sa bike ko. Napangiti ako dahil sa hanging dumadampi sa aking balat. Ang fresh sa feeling.
Nasisilayan ko ngayon ang mga ligaw na damo at mga bulaklak. Sobrang gaganda! Nasa paanan lang ng isla ang bahay namin ni Lolo. Nagba-bike ako palabas ng isla pero maaari din namang sumakay ng bangka. Maaga akong gumayak kaya mas pinili kong mag-bike.
Isang buwan na ako rito sa Jeju Island. Medyo nasanay na ako sa buhay rito dahil sobrang tahimik at malayo sa gulo. Medyo malapit lang ang school na papasukan ko mula rito. Isang kilometro lang kapag sumakay ng bangka at one and a half kilometers kapag nagba-bike ako.
Riverdale Aquinox Academy...
Maaga akong gumising para makapaghanda ngayong araw. Ito na ang araw na pinakahihintay ko. God, please, guide me! Ang pagkaaalam ko, first day of school ngayon. Sobrang nakakakaba! Ito ang first time na papasok ako sa school na walang ni isang kakilala.
"Sad!"
Nandito na ako sa tapat ng Academy. Nasa harapan ko lang ang main gate. Napakalaki nito sobra. Tumingala ako para mapagmasdan ko ang kabuuan ng front part ng school. Humigpit ang pagkahahawak ko sa manibela ng bike ko.
Sobrang ganda!
Inakay ko ang bike ko papasok ng gate. Whoa! Parang sa isang iglap ay nagbago ang simoy ng hangin. Napakaraming estudyante ang naglalakad. Kaniya-kaniyang lugar sila. Bawat grupo ay may kaniya-kaniya silang pinag-uusapan. Napayuko na lang ako sa sobrang hiya. Paano ko ba sisimulan ang buhay ko rito?
"Bahala na!" Huminga ako nang malalim para pagaanin 'tong nararamdaman kong kaba.
Nakasasampong hakbang pa lang ako nang parang nag-freeze ang paligid. Tumahimik bigla ang mga tao. Napansin kong ang mga mata ay tila nakatuon lang sa iisang direksiyon.
Naiilang ako dahil pakiramdam ko sa direksiyon ko sila nakatingin. Bakit kaya? Alam ba nilang bago lang ako rito? Natigagal ako nang mapansin kong parang may mga taong paparating mula sa likuran ko.
"Nandiyan na ang mga 6K," ang naririnig kong bulung-bulungan sa paligid.
"Si Ylan talaga! Napakaguwapo!"
"Hi, Calvin!"
"Aw! Pumayat si Kairo!"
"Nagpagupit si baby Calix!"
6K? Tama ba ang narinig ko?
"Tabi," mahina ngunit maowtoridad na utos nang baritonong tinig ng lalaki.
Teka, ako ba ang kausap niya?
Nakaharap pa rin ako. Kusang umikot ang aking mga mata sa gilid ko. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Seryoso at walang kaemo-emotion ang mukha niya.
Galit ba siya?
"Ang sabi ko, tabi, deaf," ulit niya. Umiling siya sabay irap sa akin.
Mabilis akong tumabi para makadaan siya. Napakagat-labi na lang ako nang mapansin kong hindi lang pala siya nag-iisa. Apat sila. Ang masungit na lalaking ito ang sa tingin ko'y leader nila dahil siya ang nasa gitna.
"Ylan, look," ang sambit ng lalaki sa tabi niya.
Gulat na gulat siyang nakatitig sa akin. Bakit nga kaya? Ang dalawa pa nilang kasama ay taimtim ding nakatunghay sa akin. Naiilang tuloy ako.
"Looks like Yna," sambit ulit nito.
Napukaw naman ang atensiyon ng lalaki sa gitna. Ngayon ay nakatitig na siya sa mukha ko ngunit wala pa ring nagbabago sa emosyon ng mukha niya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko rin maiwasang pagmasdan ang kabuuan niya. Sobrang tangkad niya. Nakataas ang mga buhok niya na tila si Sangoku. Katamtaman lang ang hubog ng katawan niya, hindi mataba at hindi rin mapayat. Ang kaniyang mga mata'y parang laging galit kung makatingin. May mga mapupula siyang mga labi. Nakaiinggit! Sana all! Higit sa lahat, nakadagdag sa angas niya ang napakatangos niyang ilong. Sana all ulit!
Nalipat ang atensiyon ko sa tainga niyang may hikaw, bilog ito at kulay itim. Sobrang astig ng awra niya. Dumagdag pa sa angas niya ang suot nitong long sleeve na pinatungan ng napakahabang black and white coat, ragged jeans at sneakers. Mukha siyang model sa holly wood. Bad boy ang dating. Madaya man pero bagay sa kaniya.
"Slight, pero malayong-malayo siya kay Yna." Inirapan niya ako. "Stop mentioning her name again!" ang matigas nitong sambit saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nakalayo na 'yong lalaking mataray pero 'yong tatlo niyang kasama ay narito pa rin sa harapan ko. And look what? Amaze na amaze sila sa akin. Titig na titig kasi sila sa mukha ko. 'Di ba sila naaasiwa sa mga tao sa paligid namin?
"If you just remove her eyeglasses and the bangs, siya na si Yna," the other guy said while grinning.
"F*cking right, bro!" pagsang-ayon naman ng katabi niya.
Yna? Sino kaya siya?
Lumipat ang mga mata ko sa isa pa nilang kasama. Tahimik lang din siyang nakatitig sa mukha ko. Cute siya. Actually, cute silang lahat maliban sa lalaking mataray kanina. Nakapagtataka lang na hindi nagsasalita 'tong isa.
"What do you think, Kairo?" Tumingin silang pareho sa kasama nilang walang imik.
"Yes. I guess..." mahina naman nitong ani. "Hi, Miss... Are you new here?" Ngumiti siya sabay kindat sa akin.
Friendly naman ang pagkakabati niya sa akin kaya wala naman sigurong malisya 'yon. I just nodded. Ayaw kong magsalita. Mahirap nang makisalamuha sa mga 'di ko pa kilala.
Ngumiti ulit siya. "Nice... See you around." Tumingin ulit siya sa mga kasama niya. "Let's go! Ylan is waiting."
"Whoa! First time mo ulit pumansin ng babae, ah! Nagbibinata ka na talaga, Kai!" tumatawang tukso ng isang kasama niya.
Ngumisi lang siya at sinabing, "I said Ylan is waiting."
Nagising naman ang dalawa at sabay na tumingin sa lalaking mataray na ngayon ay nakalayo na mula rito sa kinatatayuan namin. Mabilis silang sumunod sa paglalakad.
"But that's weird. Hawig talaga niya si Yna," ang huling narinig ko bago nila ako lagpasan.
Napansin ko na lang ang mga tao sa paligid na nagbubulung-bulungan.
"Sino ba ang babaeng 'to?"
"Hindi naman niya kamukha si Yna, eh! Ang layo kaya!"
"Sa ayos pa lang, malayo na."
"First day, ang babaeng ito ang napansin nila. What a day!"
Napayuko na lang ako. Bakit ba big deal 'yon sa kanila? Normal lang naman na may kahawig ang isang tao
Nagpatuloy ako sa paghakbang habang akay-akay ko 'tong bike ko. Muling umingay ang paligid na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad. May sumulpot na babae sa harapan ni Mr. Mataray. Napansin ko agad 'yong hawak-hawak niyang papel.
Love letter? Tch.
Halatang-halata sa itsura niya na hiyang-hiya siya. Yumuko siya sabay abot ng card sa kaniya.
"Para sa 'yo, Ylan Achlys! Sana mabasa mo..." Nanginginig ang mga kamay at boses na sabi niya.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid at nagbubulung-bulungan.
"Ang taas ng lipad mo, girl!"
"Isang Ylan pa talaga ang nais mo!"
"Gising, girl!"
Gusto kong magsalita. Gusto ko silang sigawan. Ano ba ang masama sa ginawa niya? Masama ba ang magkagusto sa tao?
"Ang aga-aga may manliligaw ka na naman, Ylan," tumatawang wika ng lalaki sa tabi niya.
"Last year, flowers ang ibinigay sa 'yo. Ngayon, letter and food naman. Wow! Level up ka na talaga, Ylan!" kantiyaw ng barkada niya.
"Mukhang balak kang patabahin!" dagdag na sabi pa ng isa sabay tawa.
Ngumiti lang sabay iling si Kairo. Siya ang tahimik sa kanila. Hindi rin siya mapang-asar 'di katulad ng dalawa.
Hindi pa rin inaabot ni Sangoku 'yong card.
Nag-angat muli ng mukha 'yong babae. "Cookies nga pa..."
Nagulat ang lahat nang tanggapin niya 'to. Ngumisi siya sabay hagis sa supot ng cookies saka niya dinurog gamit ang sapatos niya.
Napakabastos!
"Sorry, Miss, pero hindi kita type. Get out of my way before you'll regret it," mas matalim pa sa kutsilyong utos niya.
Napansin kong naiiyak na 'yong babae. Sino naman ang hindi? Ang sakit kaya ng ginagawa niya!
"Si Sofia ang nagpapabigay ng mga 'to at hindi ako," umiiyak na paliwanag naman nito.
"So, balak mo pa akong ipahiya ngayon? Just because I dumped you?" pasinghal niyang tanong.
"Nagsasabi ako nang totoo!" pagpupumilit na sabi naman nito.
"Bro, calm down," awat sa kaniya ni Kairo.
"Stop it, Kai!" singhal niya pabalik. Muli siyang tumingin sa babae. "Ikaw babae! Never ever put shame on my name. You're not even beautiful!" masakit niyang bitaw.
"Pero..." Humikbi siya.
"Get off!" pinal niyang sabi saka nagpatuloy sa paglalakad.
Nakalimang hakbang siya nang muli siyang lumingon sa babae. Naglakad ulit siya pabalik. Napasinghap ang lahat nang may itim na card siyang idinikit sa noo nito.
"I forgot," mahinang sambit niya.
Mas lalo pang lumakas ang iyak ng babae.
Para saan 'yon?
"Mild lang ang nangyari, Ylan, para mabigyan siya ng black card," apela ng isang kasama niya.
Tumitig naman siya nang nakamamatay rito. "She deserved it!"
"Ylan, it's too early for that."
"Do I care, Calix?"
"Mahirap nang ma-bad shot ka kay granny, bro!"
"Isa ka pa, Calvin! She's not here!" ani niya saka ngumisi nang nakaloloko.
Nakaiinis dahil wala man lang maglakas-loob na ipagtanggol ang kawawang babae. Para sa 'kin, pantay-pantay lang kami rito sa school na 'to.
Naikuyom ko ang mga kamay ko. Sumosobra na siya! Hindi na tama ang nangyayari! Binitiwan ko nang marahas 'tong bike ko. Lumikha ito ng ingay kaya napatingin silang lahat sa 'kin. Hindi ko lang sila pinansin. Naglakad ako palapit kay Sangoku.
"Hindi mo matanggap na hindi lahat ng babae ay magkakagusto sa 'yo?" Itinuro ko siya sa mukha. "Paanong hindi, eh, ang pangit-pangit ng ugali mo!" inis kong bulalas. "Sinabi naman niyang hindi galing sa kaniya at ipinapabigay lang, 'di ba? Hindi mo alam kung gaano kahirap magsabi ng nararamdaman sa taong gusto mo pero hindi mo sigurado kung magugustuhan ka rin pabalik!"
Nahimasmasan ako sa mga sinabi ko nang matuon na sa akin ang masamang titig niya. Matagal siyang nakatitig sa akin. Tila pinagsasapak na niya ako sa isipan niya.
"Why? Do you really believe na wala siyang gusto sa 'kin?" Itinuro ni ang mukha niya sabay ngisi. "Naranasan mo na ba'ng ma-reject?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Babae kayo, kaming mga lalaki ang kusang lalapit kapag gusto namin kayo. But both of you can't relate." Sumulyap siya sa babae. "Because you are both ugly." Humalakhak siya nang sobrang lakas pagkatapos.
Ngumisi lang ako sa kaniya. "Sorry pero napakapangit mo sa paningin ko."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Napalitan ng galit at inis.
"I'm thankful dahil pangit ako... At least, walang halimaw na katulad mo ang makalalapit sa akin," matatag kong ani at sinabayan ng pagtaas ng noo.
"What did you said?" Nag-anyong toro na siya. Parang may usok na lumalabas sa mga butas ng ilong niya.
Nag-super saiyan na si Sangoku.
"I said, you are not my type!" ulit ko sa mas malakas na tinig.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid. Inirapan silang lahat ni Sangoku kaya tumahimik din sila agad.
Umigting ang panga niya. "Ang lakas ng loob mong banggain ako! Hindi mo ba kilala ang kaharap mo?"
"Tumahimik ka na bago ka pa mabigyan ng black card."
Napasulyap ako sa babaeng ipinahiya ni Goku. Bumalik din agad ang atensiyon ko kay Ylan. Napapikit ako nang makita kong itinaas niya ang kamao niya at akmang sasaktan ako.
"Tama na, Ylan!"
Napamulat ako ng mga mata. Pumagitna sa amin si Kairo kaya hindi dumapo ang kamao niya sa mukha ko. Nakahinga ako nang maluwag.
Thanks to him!
"Kai!" malakas niyang sigaw. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa kaibigan. "How dare you?"
"I did not save her." Napatingin siya sa building sa hindi kalayuan. "Your great grandma is watching you from afar. I think you should go now..."
Unti-unti niyang ibinaba ang kamao niya. Sumulyap siya sa may veranda ng pinakamataas na palapag ng building sa hindi kalayuan. Mayroon ngang matandang babae ang nakatayo roon. Nakita kong napapikit nang mariin si Sangoku.
"Sh*t! Akala ko ba umuwi na sa Pilipinas si tanda?" Napangiwi siya sa inis.
"Ako na ang bahala." Tumingin si Kairo sa akin pagkatapos ay ibinangon niya ang bike ko. "Tara na, Miss..."
Wala na akong nagawa nang hawakan niya ang kamay ko at hinila.
"Let's go," aya niya sa 'kin.
"We're not done yet! See you in the next hell day of your life..." Ngumisi siya sabay titig nang masama sa akin.
"Don't worry, paghahandaan ko ang araw na 'yon, sangoku." Ngumiti ako nang nakaloloko sa kaniya kahit sa loob-loob ko'y kinakain na ako ng kaba.
End of Sapp's POV
Ylan's POV
"Nakaaasar na babae!" Ibinalibag ko 'tong bag ko sa table. "He called me what? Sangoku?"
Napasulyap ako sa malaking salamin sa malapit. Kunot-noong napaisip ako. Pinagtatawanan ba niya ang looks ko? Ito ang uso ngayon. 'Di ba siya updated? Ang mahal ng ibinayad ko sa hairstylist ko rito para lang gawin niyang katawa-tawa!
Kumusta naman sana ang itsura niya? Ang layo niya sa mga babaeng elites na na-meet ko na. In short, pangit siya!
"Malamang dahil sa buhok mo!" Napabungisngis silang dalawa ni Calvin.
"Magpalit ka na kasi ng hairstyle!"
"Puwede ba, Calix? Shut your mouth! You too!" Sabay turo kay Calvin.
Tumawa lang ulit sila.
Mga pashnea!
Nandito kami ngayon sa rest house. Simpleng bahay at tambayan naming apat dito sa school. Ako ang nag-request kay tanda para ipatayo 'to. Libangan namin ang pumunta rito kapag vacant namin o 'di kaya'y trip lang naming mag-chill.
"Chill ka lang, bro!" Tinapik-tapik ni Calvin ang balikat ko.
"How? That girl really made me a crazy bull!" singhal ko. "Isa pa 'tong Kairo na 'to! Kailan pa siya naging superhero ng mga kalaban ko?"
"He just saved you from granny! Magpasalamat ka dahil hindi dumapo ang kamao mo sa mukha ni Yna-" Natigilan si Calix. "I mean, Ate Girl." Napasapo siya sa noo niya. "Hawig niya talaga si Yna."
Umikot ang mga mata ko. "Isang banggit mo pa sa pangalan na 'yan, mapapatay na talaga kita!"
"I can't stop myself." Tumawa pa! Loko talaga.
"Cell phone mo, Ylan, nagri-ring!" Ibinato sa akin ni Calvin ang phone ko. Mabilis ko naman 'tong nasalo.
Napapikit ako nang malaman ko kung sino ang tumatawag. Si Jack, ang kanang-kamay ni tanda.
"Hello. Why?" inis kong tanong.
"Ipinapatawag po kayo ng great grandma n'yo, señorito," magalang niyang parating.
"Pakisabi, hindi ko naman nasapak!" Napatayo na ako nang 'di oras.
"Alam namin, señorito. Na-reviewed na ang CCTV. Ipinapatawag pa rin po kayo."
"Pakisabi may orientation pa kami! I have no time to meet her," kaswal kong balik.
"Masusunod po, señorito." Nawala siya saglit sa linya. "Ika-cut daw po niya lahat ng mga cards n'yo kapag hindi raw po kayo pumunta sa office niya." At walang paalam na niyang pinatay ang tawag.
Bad trip lang! Tanda, please lang, 'wag ngayon!
Nanggagalaiti kong ibinagsak ang cell phone ko sa table sabay bagsak ng katawan ko sa sofa.
"Kasalanan ng babaeng 'yon kaya nagkandamalas-malas ang araw ko! Tch! She will pay for this!"
"Ano ang sabi?" curious na tanong ni Calix sa akin.
Umiling-iling si Calvin. "Hearing na naman with granny. How come you don't know that she's here?"
"Ewan ko sa mga mukha n'yo!" inis kong sagot. "Two months na wala si tanda sa mansion. Hindi naman nagsasabi 'yon sa 'kin."
Napilitan akong tumayo. Kailangan ko siyang makausap or else, I'm dead.
"I'll go now!" paalam ko.
"Goodluck, bro!" sabay naman nilang sabi.
"Pakisabi na lang na pinapakumustahan namin siya!"
"Yes, bro! Tell her that!"
Magkasunod nilang pahabol.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad palabas.
Nandito na ako sa tapat ng office ni tanda. Kakatok na sana ako nang bumukas 'to bigla.
"Pasok kayo, señorito." Inalalayan akong makapasok ni Jack. "Lalabas na mamaya ang grandma mo."
"Achlys! You're here." Sumulpot bigla si tanda. "Long time no see..." Sinusuri ako ng mga mata niya mula ulo hanggang paa.
Tandang sungit!
Napabuntong-hininga na lang ako. Kaharap ko na ngayon ang Lola kong nagmamay-ari ng Riverdale Aquinox Academy.
Napilitan akong lumapit para magmano sa kaniya. Napasigaw ako nang pilipitin niya ang braso ko.
"Tanda! Ang sakit!" impit kong sigaw.
"That's not enough! Muntik ka na namang makasakit kanina! Napakasalbahe mo talaga!" Mas lalo pa niyang pinilipit ang braso ko.
"Ouch! Ouch!"
"Ano magtatanda ka na niyan? Sumagot ka!"
"Oo na! Oo na!" pagsuko ko.
Mabilis niya akong binitiwan. Napahawak na lang ako sa braso ko. Nadurog na yata ang buto ko. Hindi ko alam kung tao pa ba ang tandang 'to?
"Akala mo naman 'di pa menopause kung makapilipit!" inis kong bulong sa sarili.
Matalim siyang tumingin sa 'kin. "May sinasabi ka?"
"Wala!"
Humalukipkip siya. "Nawala lang ako, gumawa ka na naman ng gulo. Stupid! You're not a kid anymore! Para kang batang naglalaro! Hindi ka na nagtanda, Achlys! College ka na! This is your last year in college. Is that the face of Saki group you wished us to see in the near future? How disappointing!"
End of Ylan's POV