Chapter 20 "Nandito ka lang pala, Miss Serafina." wika ni Ma'am Bea nang makita niya ako. Akala ko nang una ay hindi ako ang sadya niya rito. Lahat tuloy ng mga estudyante rito ay nagtinginan sa akin. Hindi naging dahil ang pagiging busy nila para itigil ang mga ginagawa nila. Ang sa kanila ay pasimpleng lumalapit at ang iba naman kahit nasa malayo ay tutok na tutok at halatang walang papalagpasin na chismis mula kay Ma'am. "Our soon to be Juliet." Dagdag pa ni Ma'am nang narito na siya sa harapan ko. Halos ay lahat ay nanlaki ang mga mata dahil sa narinig. Unti-unti akong tumingin kay Gail. Napangiwi na lang ako nang makita ko ang reaksiyon niya. Her eyes are wide open. Parang kasya na ata 'tong kamao ko sa laki. Nakatapal rin ang palad niya sa nakakanganga niyang bunganga. "Best!"

