CHAPTER 3

1650 Words
HINDI magkanda-ugaga si Niah sa pagmamadali, ngayong araw ang first day of school niya. Excited man ay medyo kinakabahan din syempre expected na niya na ibang mundo na ang gagalawan niya, iba't-ibang tao na ang makakasalamuha niya hindi gaya noong nasa Italya pa siya na halos lahat ng nakakasalamuha niya ay mga galing sa mayayamang pamilya. Hindi katulad sa bansang ito na iba't-ibang tao at iba't-iba din ang estado sa buhay. Humanga siya sa mga ordinaryong tao na nakikita niyang nakukuha pa din tumawa at ngumiti kahit pa mahirap ang buhay nila. Iyon kasi ang hindi niya nakaranasan. Hindi niya naranasan na maging masaya kahit pa nakukuha niya lahat ng gusto niya. Nasa kaniya na ang lahat noon,pero pakiramdam niya ay may kulang pa din. May parte ng pagkatao niya na pakiramdam niya ay hindi buo para masabi niya sa sarili niya na totoong masaya siya. Marahan siyang naglakad patungo sa silid kung saan naroon ang iba niyang kaklase. Nang nasa pinto na siya ay saka siya huminto saglit at saka huminga ng malalim. 'This is it Niah, Just be yourself I know you can do it.' Paulit-ulit din iyan sinasabi ni Xhinia sa kaniya bago paman dumating ang araw na'to. Ilang buwan din niyang pinaghandaan at inaral ang magsalita ng tagalog. Dahil narin sa tulong ni Xhinia ay hindi siya nahirapan na gawin iyon. May ilang salita lang minsan na hindi niya maintindihan kung ano ang kahulugan niyon masyadong malalim para sa kaniya. Kaya minsan pinipilit nalang niyang intindihin. Kailangan niyang itago sa lahat ang totoo niyang pagkatao. Ayaw niyang may makaalam na isa siyang prinsesang tumakas sa bansang pinagmulan niya. Kasi para sa kaniya hindi kailangan ipaalam sa lahat kung sino at ano ka. Hayaan mong tanggapin ka nila base sa kung paano mo pinatutunguhan ang lahat. Ganiyan din ang sinabi niya kay Xhinia nang minsang mag-usap sila. Hindi pa rin alam ni Xhinia ang buo niyang pagkatao ayaw niya din biglain ito dahil baka isipin nitong hindi siya mapagkakatiwalaan kaya hindi niya nasabi agad. Ayaw niya iyong may masasabi ang tao sa kaniya na hindi maganda. Hindi kasi siya sanay sa ganoon. Muli niyang hinakbang ang mga paa papasok sa silid. Sa unang pagkakataon ay mararanasan niyang makapag-aral kasama ang mga ordinaryong tao na hindi niya kauri, hindi niya katulad ng estado sa buhay. Excited siyang umupo sa isang bakanteng upuan sa may likurang bahagi. Iyon lang kasi ang pwesto na tingin niya ay walang nagmamay-ari sa upuan. Tahimik lamang siya habang ang iba ay abala sa kung ano-anu. May mga nakita siyang mukhang matagal ng magkakilala dahil masaya ang mga itong nagkukwentuhan. May iba na katulad niyang nasa isang tabi lang, tahimik din at wari'y walang pakialam sa paligid. Ilang minuto rin niyang ginagawa ang pag-oobserba sa mga kaklase niya hanggang sa may apat na babae ang pumasok. Magaganda, mukhang mayaman base sa pananamit niyon gaya ni Xhinia manamit, maiksi at masyadong sexy para sa isang studyante. Sa unang tingin ay mapapaisip kang nasa mall lang ang mga ito at namamasyal. "You! alis pwesto ko iyan." napalingon sa gulat si Niah nang biglang sigawan ng babae ang katabi niyang babae sa bandang kaliwa niya. Hindi naman nagsalita ang babae at basta nalang tumayo at lumipat ng upuan. Kinurap-kurap niya ang mga mata sa gulat, wala siyang maintindihan sa mga oras na iyon. Nagtataka kung bakit pinaalis ng babae ang kaklase niya gayong wala namang nakapangalan sa bawat upuan para sabihing sa kaniya iyon. Maya maya ay may binulong ang isa nitong kasama saka naman siya nilingon ng babae napansin siguro nitong kanina pa siya nakatitig sa mga iyon. Tumayo ito saka humarap sa kaniya. "Bago ka dito?" tanong nito sa kaniya habang ang dalawang braso ay pinagkrus. Tumango siya bilang sagot. "Oh? classmates listen, this girl here is our classmates wala ba kayong pa-welcome sa kaniya diyan?" anunsyo nito sa buong klase. Agad naman nagsitayuan naman may kinuha ang mga ito sa bag nila hindi niya alam ano iyon, nagulat nalang siya bigla nang maya maya ay may mga kung ano-anu ng dinikit sa damit niya ang mga ito. "Ano ito?" kinuha niya ang isa sa mga papel na nakadikit sa damit niya Nang binasa niya, "Ako ang bagong yaya ni Shieka," kumunot ang noo niya nang basahin iyon. "You read it right, you're my new alalay from now on." Matapos niyang marinig iyon ay isa-isa niyang tinanggal ang mga nakadikit sa damit niya. Ayaw niya na makipag-away kanino man dahil hindi naman siya tinuruan ng ganoon ng mga magulang niya, pero hindi rin naman siya tinuruan para maging duwag at hindi ipaglaban ang sarili. "Excuse me? I paid my tuition here to study not to be anyone's slave. I'm sorry." ayon lang ang sinabi niya at itinuon muli ang atensiyon sa librong hawak niya kanina pa. "How dare you talk to me that way!" galit na ani nito sa kaniya sabay hampas sa mesa ng upuan niya. Magsasalita na sana siya ulit nang biglang pumasok ang guro nila. Aaminin niya ay kinabahan siya dahil kitang-kita niya sa mata ng babae paano ito nagalit sa sinabi niya e hindi naman talaga iyon ang intensyon niya. Sinabi niya lang naman kung ano ang totoo. Sa tanang buhay niya ay wala pang gumawa sa kaniya ng gan'on ang sigawan siya kahit kinakausap lang naman niya ito ng maayos. Nagpapasalamat siya at dumating ang guro nila at hindi naituloy ano man ang balak ng kaklase niya sa kaniya. Nakita niya kasi itong itinaas ang kamay nito, ayaw niya hulaan ano man ang gagawin niyon pero sa tingin niya ay may balak itong saktan siya. Natapos ang klase ay muli siyang nilapitan ng mga babaeng kaklase niya kanina. Inagaw nito ang bag niya sa kaniya kay hinila niya ito pabalik pero ang nangyare ay agad na binitawan ni Shieka ang bag kaya na-out balance siya at napahiga sa sahig. "Anong kaguluhan 'to?" boses ng lalaki ang narinig niya. "Vex, ikaw pala late kana pumasok ah," aniya ni Shieka sa tinawag nitong Vex. "Ano naman sayo? ikaw ba may-ari nitong school para magsabi sa'kin kung anong tamang oras ang pagpasok ko?!" pang-iinsulto ng lalaki kay Shieka. Dahan-dahan naman siya tumayo at tinulungan na lang ang sarili. "And you!" turo nito sa kaniya. "Me?" "May iba ba akong tinuro aside sayo?" umiling siya. "Follow me, and you Shieka. Ako lang ang may karapatan mang-bully dito." hindi nakasagot si Shieka kay Vex kaya napa-atras ito ng dumaan siya kasama iyong Vex. Nang makarating sila sa parking lot ng University ay doon lang niya ito kinausap. "Wait, bakit mo ako pinasunod sayo?" Inangat ni Vex ang ulo niya saka hinubad ang suot na itim na sombrero. "Ikaw!" doon lang niya ito nakilala. Ito iyong lalaking kaagaw niya ng libro sa bookstore. "Yes, Ako nga Ryzo Vex Delavegracia, Aryaniah right?" "How did you---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Basta na lang siya nitong hinila papunta sa sasakyan nito. "Hoy, Wait saan mo ako dadalhin?" Sa halip sa sagutin siya ay pinaharurot ni Ryzo ang sasakyan.Mabuti na lang at nakakapit pa siya sa hawakan. "Oh my god! can you please slow down. Mababangga tayo!" Hindi siya nito pinakinggan. "Please stop the car!." at doon lang hininto ni Ryzo ang sasakyan nang manginig na ang boses niya. Tumama ang noo niya sa harapan. "Aray!" napahawak siya sa ulo niya. "Ano ba! Marunong ka ba mag-drive o nagpapakamatay ka!" bulyaw niya mismong mukha nito. "Wala, trip ko lang gawin iyon ang galing ko ba?" "Seriously? Are you insane?" "Nah, by the way that's how I welcome new student." Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito, kung ganoon siya mag-welcome ng new student paano pa kaya sa ibang bagay. Parang ngayon pa lang ay gusto na niyang lumipat ng school. Pakiramdam niya ay hindi magiging maganda ang pagpasok niya sa University na iyon. Mula pa noong pumasok siya hanggang sa mahilo-hilong pagmamaneho ni Ryzo sa sasakyan nito. Gusto na niya agad sumuko sa pag-aaral. Wala man lang siyang ni isang ka-klase ang nakitaan niya na maaari niyang maging kaibigan.Talagang gusto niya maranasan ang gan'on. Maliban kay Xhinia na kaibigan niya na, gusto niya magkaroon ng kaibigan sa skwela. Kaso parang malabong magkaroon siya niyon. Hindi niya pa alam ang mga ugali din ng mga ito kaya kailangan niya mag-ingat lalo na may iniingatan siya na hindi pwedeng malaman ng iba. Pero hindi ibig sabihin niyon na magpapa-api na siya. "Can you send me back to school." "Sure but before that I have a big favor." "Favor?" "I want you to be may personal tuitor." "What?!" totoo ang gulat niyang reaksiyon sa sinabi nito. Iniisip niyang nasisiraan na ito ng pag-iisip, Kita naman siya sa porma ni Ryzo na mayaman ito bakit siya pa ang naisipan na gawing tuitor nito gayong kaya naman nitong magbayad ng mahal para sa mas magaling na tuitor. "Why me?" "Mukhang matalino ka kasi." "No I'm not," "Huwag ka na ngang chossy. Babayaran naman kita." "Ayaw." "Sabi ng huwag kang chossy e." "Still No, kung ayaw mo ako ihatid sa school babalik na lang ako ng mag-isa doon." Basta na lang niya tinalikuran at iniwan si Ryzo. Wala siyang pake sa alok nito sa kaniya kahit na may bayad pa. Para sa kaniya ay hindi niya kaya, at hindi siya gan'on ka-confident tingin niya sa sarili niya hindi siya matalino at ayaw niya tumanggap ng pera kapag alam niyang hindi niya gaanong kakilaa ang tao. Nahihirapan pa rin siyang magtiwala sa mga nakapaligid sa kaniya dahil bago lang siya sa bansa at kulang pa ang mga nalalaman niya sa mga bagay-bagay. Hindi pa siya gan'on kagaling sa lenggwahe sa bansa kaya medyo nangangapa pa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD