Episode 8

1277 Words
 “GOOD morning, Kuya Ken.” Yumakap si Kate sa kaniyang kuya at naglalambing na humalik sa pisngi nito. Maagang nagising ang bata datapwat sabado at wala itong klase, kararating lamang ni Ken sa kanilang bahay matapos ang walong oras ng duty, ngayong araw ay ang kaniyang rest day kaya naman mamayang gabi ay wala siyang ibang gagawin kung hindi magpahinga, ngunit hindi niya nais magpahinga mamaya, hahanap na lamang siya ng bagay na paggugugulan niya ng oras nang mayroong kikitaing pera pandagdag sa naitabing perang pambayad ng utang. “Good morning,” bati niya sa kapatid, niyakap niya rin ito at naupo sila sa kahoy nilang upuang nasa sala. “Nasaan si Nanang?” Napansin niyang hindi siya sinalubong ng kaniyang lola ngayong umaga, samantalang tuwing umaga naman ay nauuna itong magising sa kanilang lahat. “Nagtungo na ho sa palengke, ang sabi ni Nanang ay kailangan nating kumita ng pera nang sa ganoon ay makapagbayad ng bahay, ayokong umalis dito, Kuya.” Mapait itong ngumiti at yumuko “Narito ang mga kaibigan ko at mga kaklase. Talaga po bang palalayasin na tayo?” “Palalayasin? Kate, saan mo narinig ‘yan.” “Sabi ni Aling Rosa kahapon.” Tumayo ang kaniyang kapatid at pumasok sa mumunti nitong silid. Malalim ang kaniyang naging buntong hininga, napahilamos siya ng palad sa mukha. Nagtaka siya nang bumalik ang kapatid sa sala, bitbit na nito ang alkansya nitong baboy. “Ano ‘yan, Kate?” Nagtataka siyang tumingin dito. “Basagin na natin, Kuya, malaki-laki na rin po ang laman nito pero hindi sasakto sa anim na libo.” She sighed so deep. Napakabata pa ng kaniyang kapatid para mag-isip at para sa ganoong buntong hininga. “Pero makababawas po ito sa perang bubunuin mo.” Nasaktan siya sa nakikita, hindi ito dapat nararanasan ng kaniyang kapatid sa murang edad. Hindi ito dapat madamay sa kasalukuyang kahirapan na kanilang nararansan. Pakiramdam niya ay sampal ito sa kaniya, hindi niya man lang mabigyan ng marangyang buhay ang kapatid. Pinigilan niyang maluha sa harapan nito at umiling. “Hindi mo ‘yan bubuksan.” He sniffed, but didn’t want her to notice it. “Dahil mayro’n na tayong perang ipambabayad sa bahay. Hindi tayo palalayasin, don’t worry.” Hinawakan niya ang palad nito upang ayain sa kaniyang bisig. Niyakap niya nang mahigpit ang kapatid. “Totoo po ba, Kuya? Hindi ba ‘yan kasinungalingan para lang hindi ko ‘to buksan?” Napapikit siya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “H-hindi, hindi ako magsisinungaling sa ‘yo.” Lumayo sila sa isa’t isa at hinawakan niya ang magkabilang pisngi. “Ibili mo ng bagong uniporme at gamit ang perang ipon mo para sa darating na pasukan maliwanag ba?” Nagdadalawang isip na tumango si Kate. “Sige po, Kuya Ken, pero promise hindi ka po nagsisinungaling?” Itinaas nito ang kanang palad. Natawa siya sa ginawa nito, batid niya sa sariling nagsisinungaling siya sa kapatid ngunit hindi niya nais na mag-alala ito at galawin ang perang ipon. “Promise.” Itinaas niya ang kanang palad kasabay ng kirot sa dibdib dahil sa ginawang pagsisinungaling. “Magsasaing lang ako, Kuya.” Tumango siya at hindi na muling nakapagtanong sa kapatid nang tumunog ang kaniyang cellphone na higit tatlong taon niya na ring ginagamit at hindi mapalitan. Kulang na kulang ang kaniyang sahod para sa kahit na anong kaluhuan sa sarili, mas pipiliin niya na lamang bilhin ang pangangailangan ng kapatid sa paraan bago palitan ang telepono hanggat gumagana pa ito. Ang numero ng kaniyang kababatang si Lylia ang lumabas sa bahagyang may basag ng screen ng kaniyang cellphone. Hindi naman ito tumatawag sa kaniya at ito lamang ang unang pagkakataon na tumawag ito. Nakuha nila ang numero ng isa’t isa dahil sa church na pareho silang nagvo-voluntary sa ilang gawain tuwing sila ay walang trabaho. “Lylia? Bakit ka napatawag?” “Ken!” bahagyang may kung anong nais ang boses ni Lylia kung paano nito tinawag ang kaniyang pangalan. “Lylia, bakit?” Napatayo siya nang marinig ang paghikbi nito sa kabilang linya. “Ken, si Aling Mameng!” Napamura siya sa isip nang marinig ang pangalan ng kaniyang lola. “B-bakit? Anong nangyari?!” “Dinala siya sa hospital, bigla na lang hinimatay eh! Pumunta ka na please, nasa St. Lucas kami.” Kaagad namatay ang tawag, napasabunot si Ken sa kaniyang buhok. Mabilis na tumibok ang kaniyang puso. Hindi niya na nagawa pang magpalit ng damit, dali-dali siyang sumakay sa motorsiklo at byumahe papunta sa binanggit na hospital ng kaibigan. Labis ang kabang kaniyang nararamdaman, ang lahat ng santong maaring tawagin ay kaniya nang tinawag upang ipanalangin ang kaligtasan ng kaniyang Nanang Mameng. Hindi niya na rin nagawa pang idaing ang antok na nararamdaman, tila gising na gising siya sa pag-aalala. “Ken!” tinawag siya ni Lylia nang mag-abot sila sa tapat lobby ng hospital, naluluha ang mga mata nito at bahagya pang nanginginig ang magkahawak na palad. “S-si Aling Mameng.” Naglakad sila palapit sa ER. “Anong nangyari?” Tumingin siya sa pintuan ng emergency room kung saan sa kaniyang palagay ay naroon ang kaniyang nanang. “Anong nangyari, Lylia? Ang aga-aga.” He seems so frustrated and worried about his grandmother. Hindi ito ang unang beses na itinakbo sa hospital ang kaniyang nanang, may edad na ito at madali nang dapuan ng sakit, isang dahilan kung bakit ayaw niya nang pagtindahin ito. Wala lamang siyang magawa dahil ito ang gusto ng kanilang nanang, manghihina rin ang katawan nito lalo kung mananatili lamang sa bahay. “Hinimatay na lamang siya bigla, pasensiya na, Ken, hindi ko kaagad naalalayan si Aling Mameng, tumama ang uluhan niya sa semento.” Humagulgol ito ng iyak, napanood niya kung paano bumagsak ang matanda sa sahig. Sa bilis ng pangyayari ay hindi niya nahabol ang pagbagsak nito datapwat napakaiksi ng distansya sa pagitan nila. “Nagkaroon kasi ng kaguluhan sa palengke kanina, nag-aagawan sa pwesto ang maliliit na nagtitinda. Napaalis nanaman si Aling Mameng sa pwesto niya, nagbatuhan ang ilan, sa bilis ng mga pangyayari hindi ko na siya nasalo bago bumagsak sa sahig.” Ginamit nitong pamunas ng luha ang laylayan ng suot na damit. Naawa si Ken sa kalagayan ng babae at niyakap na lamang ito. “Pasensiya na talaga, Ken.” “Okay lang, Lylia, tama na. Maraming salamat sa pagdala kay Nanang sa hospital.” Malalim siyang bumuntong hininga. Kailangan niyang magpakatatag ngayon. Biglang pumasok sa kaniyang isip ang kaniyang kapatid na naiwan sa bahay, hindi niya nagawang magpaalam kay Kate kung saan siya magpupunta, wala itong kaalam-alam sa nangyari sa kanilang nanang. … Ilang minuto rin silang naghintay sa labas ng emergency room, nang tumatagal pa ito ay pinauna niya nang umuwi ang kababatang si Lylia, batid niyang marami pa itong dapat gawin kumpara sa samahan siyang maghintay sa paglabas ng doctor na siyang tumingin sa lola nila. Hindi siya natapos sa pagdarasal hanggang sa tuluyan ngang lumabas ang isang doctor at lumapit sa kaniya, siya lamang ang mag-isang tao na naghihintay sa tapat ng waiting area. “Kayo po ba ang kamag-anak ng pasyente? Maari ba kayong magpunta sa counter para sa ilang detalye?” Kaagad siyang tumayo at tumango. “Kamusta ang nanang ko, Doc?” “For now she’s okay, but I’ll tell you further about her conditions inside my office. Kailangan mong pumirma ng waiver that you agreed to admit the patient to this hospital.” Tinapik ng doctor ang kaniyang balikat at dali-daling umalis. Nanlulumo siyang napasandal sa pader sa narinig.  Oh, God!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD