Episode 5

1064 Words
SUNOD-SUNOD ang araw ng kaniyang night shift. Naaging normal kay Ken, maging sa kaniyang mga kasama ang madaling araw na kanilang iisang customer. Sa tuwing mawawalan ng tao sa loob ng coffee shop ay sakto namang papasok ang dalaga, oorder ng kapeng paborito nito at tahimik na mauupo sa isang gilid na paborito nitong spot, suot ang kaniyang iba’t ibang kulay na hoodie jacket at skinny jeans. Isang linggo na rin siyang counter at ayon sa kanilang schedule ay sa susunod na linggo pa siya maililipat sa kitchen area. Ayos lamang ito sa kaniya, masaya siya sa kaniyang trabaho kaya naman ayos lamang sa kaniya kung saan o kung ano pa man ang ibigay na schedule. Walang security guard ang nakalaan para sa shop, isa sa dahilan kung bakit lalaki ang normal na isinasalang ng kanilang manager sa pagnggabing schedule. Hindi ganoon kalaki ang kita nito upang magdagdag ng trabahador, datapwat nababayaran ng tama ang oras at pagod nila Ken sa pagtatrabaho roon. “Black coffee out,” wika ni Jerico na siyang tao muli sa kusina. Inilabas nito sa hugis kahon na butas sa dulo ng counter ang kapeng ginawa. Kinuha naman ito ni Ken matapos ay inilagay sa tray. “Good morning, Ma’am.” Iniabot ni Ken ang kape sa isang customer na siyang um-order nito. Ngumiti  naman ang may edad nang babae at kinuha ang order, matapos ay naupo ito kung saan. Walang katao-tao sa umaga kaya naman bakante ang lahat ng lamesa at upuan. Kinuha ni Ken ang kaniyang baunan ng tubig na inilagay sa ilalim ng kaha, tumalikod siya upang uminom ng tubig. “Hi, Ken.” Naduwal niya ang laman ng bibig nang marinig ang boses ng dalaga na tinawag pa ang kaniyang pangalan. Hindi na bago sa kaniyang pandinig ang magandang boses nito, tila musika ang kaniyang pangalan sa tuwing binabanggit ng babae. Dali-dali niyang isinara ang kaniyang tumbler at pinunasan ang kaniyang labi gamit ang hinatak na tissue sa gilid. Nang masigurong maayos an ang kaniyang itsura ay humarap si Ken sa babae. “Good morning, Ma’am Barbie.” Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa loob ng shop, tumingin siya sa bell na nakasabit sa taas ng pintuan hinangin ito sa taas kaya naman hindi ito tumunog nang pumasok ang babae. Nawala siya sa pag-iisip nang humalakhak ang dalaga. Maang lamang siyang nakatingin dito at pinapanood ito sa pagtawa. “You already know my order, right?” tanong nito nang huminto sa pagtawa ngunit ang ngiti sa labi ay hindi naalis. Tumango siya at tumalikod upang itawag kay Jerico ang order, bahagya muna siyang umubp upang ayusin ang kaniyang boses. He started to get conscious about his voice when he felt her staring from his back. Pagharap niya sa babae ay titig na titig lang ito sa kaniya. Napalunok siya ng sariling laway dahil sa mga mata nitong sigurado siyang nagmamasid. Lumabas si Jerico mula sa kusina at ito mismo ang naglabas ng produktong ginawa. Lumapit ito sa counter at bahagya siyang tinabig. “Double expresso, binibini.” Malapad itong ngumiti at iniabot ang kape sa babaeng nagpakilalang Barbie noong isang umaga. Napangiwi si Ken sa ginawa ng kaniyang kaibigan at umiling-iling. Tumawa ang babae at kaagad ding naglaho ang ngiti, kinuha nito ang order, tinikman muna bago nagbayad. Napakamot si Ken sa kaniyang batong nang maging ang pagsusukli rito ay si Jerico na ang gumawa. “Ako na lamang sa kitchen,” wika niya sa kaibigan nang umalis sa harapan ang babae upang maupo sa paborito nitong pwesto. “Hindi na, binibigyan ko lang siya ng magandang serbisyo para naman hindi siya magsawa pumunta sa shop.” Malapad itong ngumiti. “Luma na ‘yang kalokohan mo, Jerico.” Hinampas niya ito sa balikat ng dyaryong nahawakan. “Siraulo!” Tuwang-tuwa si Jerico na bumalik sa kusina. Samantalang nagkibit balikat na lamang si Ken at napatingin sa gawi kung saan nakaupo ang dalaga, kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang makitang nakatitig ito sa kaniya at seryoso ang mukha. Nagpanggap siyang may ginagawa at lubos na inabala ang sarili upang hindi mapalingon sa dalaga. Maya-maya lang ay nagbilang na siya ng pera sa kaha at naglinis sa kaniyang area. Hihintayin niya na lamang na dumating ang kung sinong empleyado ng shop na naka-assign para pumalit sa kaniya. Nang dumating ito ay kaagad siyang umalis sa counter upang magbihis, kailangan pa niyang ihatid ang kapatid na si Kulot sa eskwelahan pagkauwi. Naglakad siya palabas ng shop ngunit nang tumapat siya sa pintuan ay kaagad siyang napahinto, nagkasabay kasi sila ng babae sa ikalawang pagkakataon. Hindi siya nagsalita, hinintay lamang itong lumabas. Bumuntong hininga siya bago sumunod sa labas, nagtungo siya sa kaniyang motor upang ilabas ito sa parking, hindi pa man siya nakasasakay roon nang patakbong lumapit sa kaniya ang babaeng ‘morning customer’ nila na si Barbie. Hinawakan ito ang magkabila niyang kwelyo at tila namumutlang humarap sa kaniya. “M-Ma’am? Ayos lang po ba kayo?” Hinawakan niya ang nanlalamig nitong kamay upang alisin sa maigpit na pagkakahawak sa kaniyang kwelyo.   “Please don’t move,” mariing wika nito, “Don’t look anywhere,” sunod na utos nito nang binalak niyang tumingin kung saan. Nagtataka man si Ken ay sinunod niya ito.   “May problema po ba?”   “Just don’t move please.” Nakatalikod ang babae sa kalsada samantalang siya naman ay nakatalikod sa shop, nakita niya sa peripheral vision ang tatlong lalaking nakamotor siklo sa tapat ng shop, tila may hinahanap ang mga it. “Gusto nyo po bang pumasok sa loob?” Ito lamang ang tanging suhesyong naisip niya para rito. He can easily detect danger, and he felt her asking for a help.   Umiling ito at bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang kwelyo. “Pwede mob a akong ihatid sad ulo ng kanto?” tanong nito. Sandaling napaisip si Ken at tumango, kinuha ng babae ang helmet na kaniyang hawak at dali-dali itong isinuot. Nagkibit balikat na lamang siya at hinayaan ito, sumakay siya sa motorsiklo at hinintay itong maupo sa kaniyang likuran. Napahinto siya nang iyakap nito ang mga palad sa kaniyang baywang. Napalunok siya at tila napaso, datapawat makapal ang suot niyang leather jacket.   “Please let’s go.”   Napakurap siya at kaagad na tumango upang ihatid ito sa pinakadulo ng kalsada.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD