Episode 29

1223 Words

HINDI MAPAKALI si Ken sa kaniyang natuklasan mula sa security room ng mansion. Masiyadong malaki ang bahay. Nakasalalay rin sa kuha ng mga CCTV ang ilang pangyayari na hindi niya makuhanan ng sagot, sa ngayon ay wala siyang nais na pagkatiwalaan sa loob kahit na ang mga kasamahan niya bilang bodyguard, at lalong-lalo na ang nagbabantay kay Don Inigo. Mukhang masiyadong naging maluwag si Don Inigo sa mga tauhan nito. Higit pa roon ay talagang naniniwala siyang konektado ang mga lalaking sumusunod kay Thoie sa loob ng mansion gaya ng ibinulong ni Elijah sa kaniya kanina, subalit kulang ang footage na kaniyang nakuha. Paano niya malalaman kung sino ang tumulong sa lalaking nahuli na pumasok sa mansion, gayong sa pagkakaalala niya ay mahigpit ang seguridad ng paligid, malabong maakyat ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD