Episode 18

1112 Words

“WALA yata ang mga kaibigan mo?” Inikot ni Thoie ang paningin sa loob ng coffee shop kung saan hindi nito nakita ang dalawang lalaking madalas na kasama ni Ken sa tuwing nagpupunta ang babae nang madaling araw. “O nakauwi na sila?” Humarap ito sa kaniya. Tumango siya bilang tugon. “Dahil iilan lang ang lalaking crew ng shop, sa gabi kami naka-duty, madalas ala singko na kami umuuwi.” Ipinaghatak niya ng upuan ang babae, hinintay niyang makaupo ito bago tuluyang naupo sa kaharap nitong upuan. Tumingin siya sa counter, hindi niya kilala ang kasalikuyang naroon, sa kaniyang palagay ay isa ito sa mga bagong crew mula sa ibang branch ng store. “What do you want to drink?” tanong ni Thoie na nagsimula nang tumingin sa menu ng dessert na maari nitong kainin at ipares sa paborito niyang kape.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD