Episode 11

2134 Words

ISINALAYSAY ni Ken ang kaniyang buhay sa matadang lalaking hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kilala. Hindi nawala ang masayang ngiti nito sa labi habang tinatanong siya at kinikilatis. Hindi niya malaman kung bakit tila napakagaan ng kaniyang pakiramdam datapwat hindi niya kilala ang matanda, nagawa niyang sumama sa malaking bahay nito nang walang pagdadalawang-isip. “Lolo, p’wede bang malaman kung sino kayo? Naikwento ko na ang buhay ko sa inyo pero hindi ko pa rin alam ang pangalan n’yo.” Sumeryoso ang mukha ni Ken habang nakatingin sa matandang lalaking nasa harapan. “Tawagin mo akong, Lolo Inigo.” Humarap ito sa isa sa mga kasambahay na nasa loob ng silid at pawang nakatayo lamang sa isang gilid. Lumapit ang babae, pinayuko ito ng matanda upang may ibulong, ilang segundo lamang ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD