Chapter 55 PAGKATAPOS nilang kumain ay nagpaalam na sina Madison at Enzo na aalis na upang maghanda sa nasabing party. Mamimili pa sila ng damit na susuotin ni Madison para sa party. Hindi na kailangan magsuot ni Madison ng Gown dahil casual or cocktail dress lang ay sapat na. Lahat naman ay bagay kay Madison dahil sa magandang pangangatawan niya. Sa isang department store ay isa-isa sinukat ni Madison ang mga damit na nakahanda na para sa kaniyang susuotin. Naroon ang isang staff na nakabantay at nakangiti dahil hindi nito mapigilan ang mapangiti. “Ang ganda ninyo po, Ma’am,” magiliw na sabi nito sa kaniya. Napangiti siya, “Maraming salamat. Bagay ba sa ‘kin ito?” Humarap siya sa salamin at sinuri ang kaniyang kabuuan. Nakasuot siya ng dark red na off shoulder long d

