Chapter 42 NAKAHARAP sa hapagkainan sina Madison, Jhauztine at Manang Maribel habang nag-aalmusal. Hindi siya mapakali sa nararamdaman dahil gusto na niyang ipagsigawan sa buong mundo ang tungkol sa kanila ni Enzo. She couldn’t help it, but she smiled. “Ate, ano’ng nangyari sa inyo ni Sir Enzo noong ma-stranded kayo sa sila ng Emerald Cove?” nakangiting tanong ni Jhauztine habang nakatitig sa kaniya at naghihintay ng sagot. “H-Huh? O-Okay naman… mabait si Enzo…” “Enzo? Enzo na lang ang tawag mo sa kaniya?” “Pst! Magtigil ka nga, Jhauztine! Nakahihiya kay Madi, eh!” “Wala, ‘Nay! Okay lang ‘yan. Ala eh, mukha naman kasi blooming si Ate Madison noong makauwi rine.” Muntikan na maibuga ni Madison ang iniinom na kape dahil sumagi sa isipan niya ang makamundong pina

