Ice POV "Saan ka pupunta."- saad ko kay Devin nang makita ko siyang lalabas ng bahay. Umayos naman siya ng tayo at hinarap ako. "Magtatrabaho."- seryoso niyang sagot. Ngumiwi naman ako at pagkatapos ay nilapitan ko siya at hinila papunta at paupo sa sofa. "Hindi, dito ka lang, hindi ka lalabas, hindi ka muna magtatrabaho. Dito ka lang, sasamahan ka rito nila Mommy and Daddy kaya hintayin mo sila."- saad ko. Agad naman siyang umangal na parang bata. "Ice naman! Wag mo kong ikulong! Hindi naman ako natatakot sa Joker na yun eh!"- angal niya. Inirapan ko naman siya. "Mukha ba kong may pake sa kawalan mo ng takot sa kanya? Tch. Kahit anong sabihin mo di masusunod yang gusto mo, dito ka lang! Tandaan mong ikaw ang kalaban ni Joker at ikaw lang ang pwedeng makalaban at makatalo sa kanya

