Ashlie POV From Ate Rei, I feel bad na wala ako ngayon diyan sa DIA upang tulungan kayo sa pakikipaglaban kaya naman nais ko na lamang kayong paalalahanan o balaan bilang tulong ko kahit na wala ako diyan. Guys, kailangan niyong bilisan ang pagdispatsa sa mga kalaban dahil kung hindi, baka ibalik nila yung pangyayari dati sa Prom na kung saan ay maraming namatay. Oras na mangyari yun, oras na ibalik nila ang pangyayaring yun at oras na maraming namatay na mga estudyante ngayon ay paniguradong katapusan na yun ng DIA. Maraming magpoprotesta laban sa DIA at isa pa ang Simbahan, sigurado akong hindi na nila palalampasin ang pagkakataon na maipasara na ang DIA oras na maraming mamatay ngayong taon sa paaralan. Ipinangako natin na isang normal na paaralan na ang DIA, kailangan niyong panatili

