DIA2: Chapter 28

2857 Words

Ice POV Nandito kami ngayon ng DCR sa dating torture room kasama sila Mommy, Daddy, Prof.China, Tala at Vince. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nila Ashlie, Bryan, Grey at Alex. Hindi ako galit sa kanila dahil sa ginawa nilang hindi pagsunod sa orihinal na plano. Sa totoo lang, natutuwa pa ko sa kanila. "Sinasabi ko na nga ba at malaki ang maitutulong satin nung mga secret cam. Alam niyo na ba kung saan nagpunta yung nakatakas?"- mahina kong tanong kila Grey. Tumango naman si Grey. "Nasa dorm niya, simula nung pumasok siya dun hindi pa siya lumalabas."- mahina ring saad ni Grey. "Mukhang wala siyang balak na tumakas. Siya kaya si Shion o baka naman si Bella? pero kahit sino man siya sa dalawa, halatang napakalakas ng loob niya para hindi umalis sa lugar na 'to.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD