Grey POV "Ano?"- gulat na saad ni Ice nang sabihin ko sa kanila na mukhang alam ko na kung sino ang pangalawang payaso na si Yuri. Bumuntonghininga naman ako. "Palagi akong nasa konstraksyon sa ibaba kaya naman minsan lang ako nakakaapak sa DIA, pero di ko akalain na kahit ganun ay may malalaman akong isang napakahalagang impormasyon na makakatulong sating lahat."- saad ko. Nagsalita naman si Ylana. "Ipaliwanag mo kung anong sinasabi mo, paanong mukhang alam mo na kung sino si Yuri?"- tanong sakin ni Ylana. Inalis ko naman ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa. "Actually hindi lang mukhang, dahil sa tingin ko alam ko na talaga kung sino si Yuri."- saad ko. "Nung nakaraang-nakaraang araw kasi, inutusan ako ni Alex na bumili ng pagkain sa cafeteria. Habang naglalakad ako sa h

