“Promise, girl, nakita ko talaga! Tumingin siya sa bintana, tapos sakto nakatingin ka rin!”
Habang nasa girl’s CR si Jara at Kate, hindi na tumigil ang best friend niya sa pangungulit.
“Kate, baka naman napatingin lang. Malay mo may tinitingnan siyang iba.”
“Hello? Walang iba sa bintana kundi ikaw at pader. So anong conclusion natin?”
Nag-cross arms si Kate, proud sa kanyang kilig theory.
Napailing si Jara, pero sa totoo lang...
ang hirap itago ng ngiti.
Pagkatapos ng klase, habang naglalakad si Jara pauwi, hindi niya maiwasang balikan sa isip ‘yung moment kanina. Bakit kaya siya tumingin? Alam kaya niya name ko?
Pag-uwi, bagsak ang bag sa kama. Diretso agad sa phone.
Bzzzz.
Instagram notification:
📌 1 new like from @justanother_classmate
Tumigil ang puso niya saglit.
It’s the same account that liked Kate’s story kahapon — now liking her story today.
Story niya: “Rainy days feel like poetry.”
Simple lang. Wala masyadong reaction. Pero itong mysterious account, consistent na nagla-like.
Walang profile. Private. Zero followers. Zero following.
Pero may isang story highlight lang:
📍RHS Halls
Meanwhile… sa Monteverde residence
“Tol, gumawa ka ng dummy account? Baka matunog 'yan ah,” sabi ni Reniel, habang naglalaro ng ML.
“Wala lang. Curious lang ako kung active siya sa IG,” sagot ni Jaxter, habang nakahiga at nagso-scroll. “At least may way para makita ko stories niya kahit hindi obvious.”
“Teka... anong caption niya kanina?”
“Rainy days feel like poetry,” sagot ni Jaxter habang nginingitian ang phone.
“At parang ako 'yung poem na gusto niyang itago.”
Later that night…
Habang nagre-review si Jara ng notes niya, biglang nag-pop up ang DM from @justanother_classmate:
> “Rainy days feel like poetry… but sometimes, poems are written for someone special.”
Napakagat-labi si Jara. Kinilig. Kinabahan.
“Sinong... someone special?” bulong niya.
Biglang nag-message ang isang kilalang pangalan sa inbox niya:
Lucas Dayrit.
> Lucas: “Nice story mo. Mahilig ka rin pala magsulat?”
Nag-freeze si Jara.
Wait.
Si Lucas ba ang anonymous liker?
Siya ba yung may gusto ipahiwatig?
Or… may isa pang nanonood sa kanya mula sa malayo?