Chapter 1 – Section A, Section B

286 Words
“Ridgewood High School… new year, new stress,” bulong ni Jara habang papasok sa main gate. First day of class, and the school looked the same — noisy, busy, and full of excited (or sleepy) students. “Girl, Section B tayo!” sigaw ni Kate Dela Vega, ang energetic niyang best friend. “Sana cute ang seatmate ko this year. Please lang, Lord!” Si Jara, chill lang. Hindi siya yung type ng girl na naghahanap ng "campus crush". Books, grades, peace — yun lang ang goals niya. Pero biglang—napatigil siya. May dumaan sa harap niya. Isang lalaking nakaayos ang uniform, may backpack sa isang balikat, earphones sa leeg, and that half-smile na parang pang-commercial. Jaxter Monteverde. Hindi niya kilala personally. Naririnig lang niya sa ibang students — “Basketball varsity ‘yan,” “Sikat ‘yan sa Grade 10,” “Gwapo pero hindi mayabang.” At ngayong nakita niya nang malapitan... may something talaga. Nagtagpo ang mata nila. Mabilis lang. Sandali lang. Pero sapat na para bumilis ang t***k ng puso ni Jara. “Uy, Jara…” tulak ni Kate sa braso niya. “Nakatulala ka.” “Ha? Wala... may naalala lang ako,” palusot niya sabay lakad ulit papunta sa room. Meanwhile... “Tol, mukhang bagong salta 'yung girl na 'yon ha,” sabi ni Reniel Manalo kay Jaxter habang naglalakad sila sa kabilang hallway. “Nakatingin sa’yo kanina.” “Wala 'yon,” sagot ni Jaxter, pero lihim siyang ngumiti. Yung mata nun ah… parang tahimik pero may sinasabi. Pag-check nila sa class list: Section A si Jaxter. Pag-check ni Jara: Section B. Magkaibang mundo. Magkaibang silid-aralan. Pero pareho silang may naramdaman… sa isang tingin pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD