Chapter 01: Graduation

1356 Words
[Karen’s Pov] 6:00 AM in the morning. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata dahil naramdaman kong ginigising ako ng aking ina. Antok na antok pa ako dahil sa pagpupuyat ko kagabi. Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa excited akong aakyat sa stage ng highschool graduation namin. Sa wakas ay magkokolehiyo na rin ako sa susunod na mga buwan. “Anak, Karen? Gumising ka na at mag-almusal ka na,” sambit ni Mama habang tinatapik ako sa kaliwang binti ko. “Bumangon ka na at mag-asikaso na,” dugtong pa ni Mama. Kinuha niya ang aking kumot at saka ito tiniklop. Papungas-pungas pa ako ng aking mga mata. Bumangon na rin ako para pumunta sa banyo. “Wooah! Kaantok!” humihikab kong sabi. Umupo ako sa bowl at umihi. Nag-mumog muna ako at naghilamos bago lumabas sa banyo. Tinungo ko ang lamesa at umupo sa silya. “Wow! Ang sarap naman ng almusal. Favorite ko! Sunny side up egg!” natutuwa kong sabi. Napangiti si Mama sa tinuran ko. “Naku, pasensya ka na at ‘yan lang ang nakayanan ko. Alam mo naman,” seryosong sabi ni Mama. “Pero... masaya ako, Hija. Dahil sa wakas ay aakyat ka na sa stage ulit at nakatoga pa!” excited at gigil na sambit ni Mama habang kumakain. Ellie Santos ang pangalan ng aking ina at siya ay nasa apatnapung taong gulang na. “Naku, Ate Karen huwag ka munang mag-boyfriend ha? Pag-aaralin mo pa ako,” dugtong naman ng bunso kong kapatid na si Rose Santos. Siya naman ay nasa labingtatlong taong gulang na. Pailing-iling na lang akong ngumiti sa kaniya. Ngunit napawi ang ngiti sa mukha ko dahil nakaramdam ako ng kalungkutan. Marahil kung nandito sana si Papa ay mas masaya kami. Makikita niyang aakyat akong nakatoga at sana dalawa sila ni Mama parati ang umaakyat sa stage. Bigla na lang naglaho na parang bula si Papa noong bata pa lang ako. Ang alam ko ay nagtatrabaho siya sa malayo. Isang araw ay hindi na siya umuwi. Ang sabi pa ni mama ay ayaw na raw umuwi ni Papa dito sa amin. Niloko raw siya ni Papa at may iba na itong kinakasama. Ilang gabi ang nagdaan noon na nag-iiyak lang si Mama. Ako man din ay nasasaktan para kay Mama. Akala ko ba ay mahal kami ni Papa. Iyan ang palagi kong tanong kay Mama noon. Siyempre bata pa ako noon kaya wala pa akong muwang sa mga gan'yang bagay. Pero lumaki ako at namulat na sa reyalidad na wala na ang papa ko. Ang lalaking minamahal ni Mama—na sana'y bumubuhay sa amin ngayon at nag-aalaga. Natapos na akong magbihis. Si Mama lang ang nag-makeup sa akin. Hindi magarbong ayos dahil simple lang. Kaunting guhit ng lapis sa aking kilay, liquid foundation, press powder, at light eyeshadow lang sa talukap ng aking mga mata. Kaunting blend lang ni Mama na magkahalong kulay ng pink at brown. Pagkatapos ay kaunting blush on sa aking pisngi at pink lipstick naman sa aking manipis na labi. “Ayan, Anak ang ganda mo!” natutuwang puri ni Mama sa akin. “Naku, si Mama... nambola na naman,” nahihiya kong sabi. Hindi ako sanay na masabihan ng maganda. Kung may magsasabi man ay di ko pinapansin. “Ate, congrats ha! Tara na at baka ma-late pa tayo.” Hinila ako ni Rose sa aking kanang kamay. Tumayo ako sa kinauupuan ko. I'm ready at excited na ako para mamaya. “Kukuhanan kita ng maraming picture mamaya. Always smile, okay?" nakangiting sabi naman ni Rose habang hawak ang cellphone ni Mama. Nang makarating kami sa school ko ay kaagad kaming pumasok sa loob at hinanap ng aking mga mata ang kaibigan ko. “Karen!” tawag sa akin ni Jenny. Ang aking highschool bestfriend. Todo kaway ito sa akin nang nakangiti. Nagpaalam ako kay Mama na pupuntahan ko muna si Jenny. “Mama, sandali lang po.” Nilingon ako ni Mama at tinanong. “Bakit, anak?” “Saglit lang po, Ma. Pupuntahan ko si Jenny.” Mabilis kong tinungo ang kinatatayuan ng kaibigan ko. Matagal na rin nilang kilala si Jenny dahil madalas itong dumalaw sa bahay namin. Niyakap ako ni Jenny nang marating ko ang pwesto niya. “Karen, congrats! Sa wakas ay magka-college na tayo!” nagagalak niyang sabi at nag-shake hands kami sa isa’t isa. Namamasa nang luha ang mga mata nito habang nakatitig siya sa akin. “Bakit ka naiiyak?” tanong ko. “Ang saya ko lang. Kaso, ‘di na tayo magkikita palagi. Saka ikaw na! Hinakot mo na lahat ng best sa subjects at ikaw pa ang valedictorian!” naiiyak niyang sagot sa akin. Ginawaran ko siya ng isang matamis na ngiti. Nagpipigil lang din ako ng luha ko dahil ayaw ko masira at mabura ang makeup ko sa mukha. Ayaw ko naman umakyat sa stage na mukhang haggardo versosa. Pinagsalikop ko ang mga kamay naming dalawa. “Ano ka ba? Puwede ka naman dumalaw sa amin or magkita tayo? O, ‘di kaya, ako ang dadalaw sa inyo,” sabi ko sa kan'ya at niyakap ko siya. ‘Di kalaunan ay tinawag na ang mga candidate for graduate student. Pinapila na rin ang mga magulang namin. Ako ang nasa ika-unang linya dahil sa valedictorian ako. Kabado pa nga ako dahil mag-speech ako mamaya. Sana ay maging maayos ang takbo ng mga sasabihin ko. Marami akong nakuhang best subject bukod sa ako ang nangunguna sa klase. Aktibo ako sa school. Lahat na yata ng club ay sinasalihan ko kaya naman walang event na ‘di ako makikita sa stage. Hanggang sa nagsimula na patugtugin ang kanta para sa graduation song namin ang ‘A Smile’ by Eraserheads. Lift your head, baby don't be scared.. Of the things that could go wrong along the way... You'll get by, with a smile... Halos lahat kaming magkaklase ay naiyak sa kinakanta namin. Ang bawat stansa ay nagdulot ng saya. Isang pasasalamat sa aming mga magulang. Pagkatapos ng speech ko at speaker ng school ay nagsimula na ang pagtatawag sa aming mga estudyante. Kasabay kong umakyat si Mama sa stage. Magkahalong saya at tuwa ang naramdaman ko. Naluluha pa si Mama habang nakatingin sa akin. Tears of joy ika nga kung tawagin. Pagkatapos maisabit ang lahat ng medal sa akin ay hawak ko na rin ang aking ang diploma. Isang katibayan na nakapagtapos na ako ng highschool. Niyakap ako ni mama at binati. “Congratulation, anak!” “Ate Karen, Mama! Ngumiti na kayo!” hiyaw ni Rose sa amin na nasa baba ng stage sa harapan. Ngumiti kami ni Mama. Halos ‘di na magkamayaw sa palakpakan ang mga kaklase ko dahil lahat naman sila ay ka-close ko. Paano kasi ay ako ang takbuhan nila kapag mayroon silang ‘di maintindihan sa isang subject. Hindi na nag-atubili pa na kuhanan kami ni Rose ng maraming picture. Bumaba na kaming dalawa ni Mama sa stage. Biglang napawi ang ngiti ko dahil nakita ko ang iba kong kaklase na kasama pa nila ang Papa nila. Kaagad naman iyong napansin ni Mama. “Bakit, anak?” tanong niya. Hinawakan ni Mama ang mukha ko na may halong pag-aalala. “Wala po, Ma... okay lang po ako. May naalala lang po,” sabi ko at hilaw akong ngumiti sa kan'ya. “Tara na, Ma. Umupo na tayo.” Inihatid ko si Mama sa kaniyang upuan habang ako naman ay pumunta na rin sa aking upuan. Hinagis namin lahat ang aming mga sombrero at nagtatawanan kaming magkaklase. Sobrang saya at lahat kami ay nagkakamayan at nagbabatian. May mga yumakap pa sa akin na mga kaklase ko at ang ibang mga lalaki naman ay nagpasalamat sa akin. Nagawa pa nilang magbiro na kung p'wede nila akong lapitan kahit college na kami. Kung mayroon bagay na ‘di nila maiintindihan sa isang subject. Nagtawanan na lamang kami at walang humpay na asaran. At magsisimula na ang aming panibagong buhay sa sandaling matapos ang event na ito. Haharap na kami sa tunay na School World ika nga dahil ang pagka-college ay hindi isang Biro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD