Chapter 03: Punishment

1235 Words
[Karen's Pov] Maaga kaming gumising ni Ate Loring at Manang Siony. Kaming tatlo ang gagawa ng lahat sa mansyon na ito. Paglalaba, paglilinis at pagluluto. May isa rin pala silang hardinero. “Bago ka lang dito?” nakangiting tanong ng hardinero sa akin. Gumanti ako ng ngiti sa kaniya. “Ah, hindi. Matagak na ako rito,” pilosopo kong sagot ngunit tumawa lang siya. Napakamot ito sa kaniyang ulo. “Hahaha! Mapagbiro ka rin pala, ako si James. Haridnero ako rito,” sabi niya. Nagpakilala siya sa akin habang nakangiti. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. Nandoon kami sa may hardin. Nagwawalis kami ni Manang Siony at nagdidilig ng mga halaman. Habang si James ay nagka- cut ng mga bulaklak na kulay pulang rosas. Ang gaganda nila, ilalagay daw ‘yun sa kiwarto ni Mrs. Sandoval at request nito. ‘Di ko pa sila nakikita at tanging ang bunsong anak lang nila ang nakaharap ko. “Hija, bukas ay marami tayong gagawin. Uuwi na mamayang gabi ang mag- asawa. Galing sila ng states, bumisita sa dalawa pa nilang anak doon,” sambit ni Manang siony. Napkunot ang noo ko sa narinig. “M-may anak pa po sila? Akala ko po nag- iisang anak lang si Sir Ethan? " Tanong ko sa kaniya. Ngumiti si Manang Siony sa akin. “Hindi, bunso si Sir Ethan. Tapos ang panganay ay si Ma'am Angelica. Nakapag- asawa na siya at doon namalagi. Ang pangalawa naman ay si Sir Raymond nasa States din. Doon niya piniling mag- aral kasama ang kaniyang ate,” paliwanag ni Manang Siony. “Mag- isa lang pala si Sir Ethan. Hindi ako magatataka kung bakit ganu’n siya. Siguro ay malungkot siya,” malungkot kong sabi na ikinatawa ni Manang Siony. “Hindi, ganu’n lang talaga ‘yun, masungit… Paano ay spoiled kasi hanggang ngayon, Hahaha,” natatawa niyang sabi. Napaigtad kami ni Manang Siony sa biglaang pagsalita ni Sir Ethan. “Ang aga- aga, ang daldal niyo Manang Siony,” inis na sabi ni Sir Ethan. “Ay Hijo, nariyan ka pala. Gusto mo na bang kumain?” nakangiting tanong ni Manang Siony. Humalukipkip ang mga braso ni Sir Ethan. “Opo Manang Siony, p’wede po ba?” utos niya kay Manang Siony. Kaagad na nagpaalam si Manang Siony sa amin at umalis. Naiwan naman ako doon sa hardin at tuloy ang pagdidilig ko ng mga halaman. Sumulyap ako kay Sir Ethan ngunit nakatingin pala ito sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. My God! bakit nakatitig sa akin ang lalaking ‘to. Malulusaw ako sa mga tingin niya. Di ako makakilos nang maayos. Natuwid ako sa pagkakatayo ng magsalita ulit si Sir Ethan. “At ikaw, bagong katulong. ‘Wag kang nakikipagdaldalan. Kabago- bago mo lang dito. Trabaho ang pinunta mo dito at hindi daldalan. Katulad ka lang ng ibang maid walang pinagkaiba!” bulalas niya sa’kin. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng malamig. “Sorry po Sir, pero ‘di po ako nakikipag daldalan. Naikuwento lang naman po ni Manang Siony sa’kin ang mga kapatid mo, s-saka ikaw,” Sagot ko ng walang pag- aatubili. Ano ka ba Karen? Bakit sumasagot ka?! Mamaya ay matanggal ka sa trabaho. He smirked at me dahil sa pagkairita. “Tsk! Ang lakas ng loob mong sumagot ha?” pagbabanta niya sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kaniya. Sa halip ay lalabanan ko siya. “Sir, Maid po ako dito at trabaho po ang pinunta ko. Hindi po ako pinalaking tsismosa ng mama ko,” giit ko. Ewan ko ba at naiirita na ako sa presensya niya. “Aba! Aba! Sumasagot ka pa talaga ha? Sige, tignan natin kung gaano ka katibay, tsk!” galit niyang sabi at umalis na ito sa harapan ko. Napabuntonghininga na lang ako sa pagkadismaya. Nakaraang araw Ay na-love at first sight ako sa kaniya. Subalit ngayon ay napalitan na ito ng pagkairita at inis ko sa kaniy. Oo, gwapo ka nga pero kung ubod naman ng sama sa pag-uugali mo wala rin. Spoiled pala ah kaya pala ganu’n ang ugali nitong amo ko. Kung ano’ng gusto sabihin ay sasabihin niya kahit makasakit pa. Sumimangot na lang ako sa sobrang inis ko. Alas-8 ng gabi ay ipinatawag daw ako ni Sir Ethan sa kaniyang kuwarto sabi ni Ate Loring. “Naku, ano ba kasi ang ginawa mo kanina Karen? Baka mamaya nagalit sa’yo ‘yun, lagot ka,” tanong ni Ate Loring sa kin. Nakaramdam ako ng kaba dahil paano nga kung nagalit ito sa’kin at ipatanggal ako. Nagmadali akong umalis at tumungo sa kuwarto ng bastardong si Ethan. Humugot muna ako ng isang malalim na paghinga. Tok! Tok! Tok! Kumatok ako ngunit walang sumasagot. Kaya naman pinihit ko ang door knob ng pinto at sumilip ako loob. “Para naman walang tao,” sabi ko. Pumasok na ako sa loob. “S-sir Ethan? Pinapatawag niyo raw po ako?” tanong ko. Iginala ko ang tingin sa loob ng kuwarto niya. Nagulat ako ng biglang lumabas sa banyo si Sir Ethan ng nakatuwalya lang ito sa ibabang bahagi ng knaiyang katawan. Basa ang katawan nito at katatapos lang maligo. Kumunot ang noo niyang nakatingin sa akin. “Knock the door first,” sambit niya. Napalunok ako ng laway ko dahil sa kaba. “ ‘Di ka ba marunong kumatok at diretso kang pumapasok sa kuwarto ng may kuwarto?” inis niyang tanong. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napaatras ako sa pintuan kaya sumara ito. Nakipagtitigan siya sa ‘kin ngunit hindi ako nagpatinag. Nagkatitigan kami ng matagal. Hindi ko kailangan na matakot ako sa kaniya. “K-kumatok na po ako, kaso hindi ko po alam na nasa banyo po pala kayo,” paliwanag ko. Yumuko ako at napapikit. My gosh! Sir Ethan nananadya ka ba talaga? Kung galit ka sa pagsagot ko kanina ay hindi ito sapat na ganituhin mo ako. Sabi ko sa aking isipan. Lalo lang akong kinakabahan pero hindi ako nagpapahalata. “Hmmm… You sure? Or baka alam mong nasa banyo ako kaya pumasok ka,” sabi niya. Nakangiti na parang demonyo ang loko at tila nang aasar pa. Inilapit pa nito ang mukha sa akin kaya naman mabilis kong iniwas ang aking mukha. Hinawakan niya ang Baba ko at iniangat ang mukha ko. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. “I will make sure that you are just like any other maid. Madaling mauto at magpaloko. I'll punish you dahil sa pagsagot sagot mo sa’kin kanina,” matigas niyang sabi. Lumapit siya lalo para halikan ako ngunit umiwas ako. Ang masaklap pa ay naitulak ko siya at sa mukha ko siya nahawakan. Laking gulat niya kaya natumba siya at sumalampak sa sahig. “What the f*ck?!” bulyaw niya. Dahan-dahan siyang tumayo at napasuklay sa kaniyang buhok. Namilog ang mata ko sa nagawa ko. “S-Sorry Sir! Sorry po,” natatakot kong sabi. Sa takot ko ay mabili akong tumakbo palabas ng kuwarto. Tinungo ko ang kuwarto naming mga katulong. “Diyos ko po! Ganu’n ba siya kabastos!” matigas kong bulong. Ang bilis sa pagtibok ang puso ko. Wala pang gumagawa sa’kin ng ganu’ng bagay. Kung nagkataon ay magiging first kiss ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD