AFTER THE CALL WITH THE CEO OF THE MODELING AGENCY, Kate immediately took all her stuff and went to her car. Nagcheck out siya sa hotel na tinuluyan niya. She left Ilocos Sur and traveled back to Manila, an exhausting eight hours drive.
Pagkarating niya sa building ng kanyang condo unit ay inihanda niya ang sarili. She wore a hoodie and sunglasses to hide her identity. Tiyak na dudumogin siya ng mga paparazzi, reporters at iba pang mga tsismosang gustong kunin ang panig niya.
Mag-aalas otso na ng umaga sa mga oras na ito. Hindi siya nagkamali, pagkaibis niya sa kanyang kotse at pagpasok niya sa building kung saan siya nakatira ay naroon nga sa lobby ang mga reporters na naghihintay sa kanya.
She acted normal, she walked directly to the elevator. Nakalusot naman siya at nakaakyat sa palapag kung nasaan ang kanyang condo. Iniwan muna niya ang kanyang mga gamit sa unit niya, naligo’t nagbihis siya. She’s now ready to go to her boss as he requested to see her this morning regarding this matter. Kahit walang tulog, masakit ang ulo at stress sa mga pangyayaring ito. Kate will always face whatever sh*t life throws at her.
Derek is slowly ruining her life. Ang kanyang damdamin ay nag-aalab sa galit kay Sapphire ngayon, kung hindi dahil sa babaeng iyon ay sila sana ng binatang bilyonaryo ang magkakatuluyuan. That d*mn b*tch stole Derek from her!
She’s now wearing a black dress and black stilettos, a Gucci scarf wrapped around her face and she matched it with a pair of Fendi sunglasses. She walked past the reporters one more time, she exited the building without any hassle, she just played disguise.
She hopped into her red car again then drove to the modeling agency. Surely, CEO Clarence is already waiting for her.
Just as she expected,Clarence has been waiting for her arrival. Pinapasok kaagad siya ng secretary nito sa opisina nito. She was swaying her hips like a supermodel as she walked in. Dire-diretso siyang umupo sa visitor’s chair sa harap ng mesa ng binata.
“Good morning, Sir,” may ngiting mapang-akit niyang bati rito sabay hubad ng suot niyang sunglasses.
Blangko ang ekspresiyon nito habang nakatitig sa kanya. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang. Akala ba niya ay galit ito sa kanya?
“Why are you looking at me like that? I know you are angry at me,” saad niya. She leaned on the table. Itinukod niya ang isang siko sa mesa at ipinatong sa kamay niya ang kanyang mukha. Habang ang malaya niyang kamay ay inabot ang kamay ng CEO at hinaplos iyon.
Hindi man lang ito lumayo o kaya binulyawan siya. Like what he always does.
“Why are you doing this to your life?” he suddenly asked.
Napaawang ang kanyang mga labi, natigilan siya sa ginagawa at natulala sa mukha nito. Doon lamang niya napansin na malungkot ang mga mata nitong nakapukol sa kanya.
“You were a wonderful woman when I first met you. Noong nagsisimula ka pa lamang at noong nasa ibaba pa ang pwesto ko rito sa kompanya,” nagpatuloy ito sa mga sasabihin. Marahan nitong hinaplos ang kanyang pisngi. “Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagsumikap na maabot ang rangko ko ngayon, maging CEO dahil umasa ako na magugustuhan mo ako kapag mataas na ang aking posisyon. Because you love men with high positions, men who make a lot of money,” he professed – out of the blue moon?
Hindi pa rin niya magawang magsalita. Naging pipi siya sa mga binitawang salita ng binata.
“I’ve been loving you ever since you stepped in this company several years ago, Kate,” his confession shocked her.
Napamulagat siya at namilog ang mata. Mas lalo siyang nawalan ng kakayahang magsalita. She can’t utter words or even think of the right sentence to respond.
“It’s okay. Naiintindihan ko. Mas mahal mo si Derek. Mas gugustuhin mong malubog sa eskandalong ito kaysa ang pagbigyan ang nararamdaman ko para sa iyo,” malungkot ang tinig nitong hayag matapos ilang segundong wala itong nakuhang tugon mula sa kanya. Iiwas na sana ito at lalayo.
She did the most unexpected thing. Is this out of desperation or does she feel a slight liking with CEO Clarence? She grabbed him by his collar and kissed him. That shocked him too! Mas gulat pa ito kaysa sa kanya kanina. Hanggang sa unti unti nilang ninamnam ang paglalapat ng kanilang mga labi, magkasabay silang napapikit. That kiss she came forth of without thinking, deepens and arouses the lust sleeping between them.
DEREK BROUGHT SAPPHIRE AND DRAKE to his extravagant house in Makati, Forbes Park. He woke up early this morning to prepare their breakfast while the two are still sound asleep. Alam niyang sobrang pagod ang dalawa mula sa mga biyahe kahapon at sa late night interview nila kagabi sa talk show. He wants to spoil them while he can. Hindi niya kasi kontrolado ang sitwasyon at hindi rin magtatagal ay magiging hectic ulit ang schedule niya sa trabaho. Nasisiguro niyang natambakan na siya ngayon ng mga papeles sa kanyang opisina sa Japan.
He was preparing the veggies, slicing them accordingly when somebody’s arms wrapped around his waist. Naamoy niya ang pamilyar na natural na halimuyak ni Sapphire. He smiled widely.
“Good morning, baby. How’s your sleep?” malambing niyang bati at tanong dito.
He felt her lips giving a quick kiss on his bare back. Hilig niya talagang maghubad ng pang-itaas kapag nagluluto siya atsaka magsusuot ng apron. Naramdaman niya ring ihinilig nito ang ulo sa likod niya.
“Thank you for clarifying things to me. Ang gaan sa pakiramdam na sinasabi mo lahat sa akin at ganoon din naman ako sa iyo. Naninibago ako na ibang iba na ang pagtrato mo sa akin ngayon. Hindi na ikaw ang tulad ng dati, ang lalaking hinahabol ko ngunit pinagtatabuyan at pinapahiya ako noon. Things changed a lot. I don’t know if I should believe this or not. If I’m dreaming I hope I don’t wake up anymore,” litanya nito at ikiniskis ng bahagya ang ulo nito sa kanyang matipunong likod.
Ang kanyang ngiti ay napalis. Nais niyang huwag na itong mangamba sa mga pinapakita niyang panliligaw o mga kilos dito para ipadama na dalisay ang kanyang pagmamahal dito.
Tumigil siya sa ginagawa at hinarap ito. He cupped her face and granted a kiss on her forehead. “This is not a dream, Sapphire. I love you and I will forever regret everything I did when we were young. Kinamumuhian ko ang aking sarili na binully kita at nireject ko ang feelings mo. Nagpadala ako sa mga sasabihin ng mga tao na bukod sa tumitingin sila sa agwat ng panglabas nating mga anyo noon ay naging hadlang din sa isipan ko ang agwat ng antas ng ating buhay. I was also jealous with the boys surrounding you back then but my reaction to that affected you negatively. Isama pa ang pagkonsidera ko na mga bata pa tayo at immature. Lahat iyon ay pinagsisisihan ko. Mahal kita noon pa man at panghabang buhay. Papatunayan ko iyan,“ madamdamin at mahaba niyang litanya. Yumuko siya upang mapaglapit ang kanilang mukha at ginawaran niya ito ng marahang halik.
“I love you too, Derek. Ikaw ang tanging lalaking nagpapatibok sa puso ko. My first love and the father of my child,” she replied when their kiss broke. Muli nitong pinaglapat ang kanilang mga labi matapos ang tugon nito.