CHAP 6

2248 Words
I don't know what trick he's up to; showing up early in the morning in front of my apartment doesn't make any sense at all. We're not friends, and definitely not fvcking lovers for him to do this s**t. Nakakain ba siya ng panis? O baka naman nalipasan na ng gutom kaya ganito? I felt his presence trailing after me, but I ignored him. I simply continued going until I got outside my gate. From the corner of my eye, I tried to catch a glimpse of him as I wait for a taxi. He was standing a few meters away from me, still keeping his hand in his pocket while not breaking his gaze in my direction. Even though I knew he could see it, I couldn't stop rolling my eyes at him. "Did you sleep well last night? Did anyone bother you?" seryoso niyang pang-uusisa. Awtomatiko namang kumunot ang noo ko at saka siya nilingon, pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ako nagsalita, sapat na ang ekspresyon ko para iparating sa kaniya ang pagtataka at pagkadisgusto ko sa ginagawa niya. Nanatili naman sa pagiging seryoso ang mukha niya na para bang ang sagot ko ang mahalaga sa kaniya. "Ano naman ang pakialam mo kung hindi ako nakatulog nang maayos o kung may gumulo man sa aki—" "So someone pestered you last night? Who was it?" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang agad siyang sumingit. Umiigting ang kaniyang panga at nagdidilim ang kaniyang ekspresyon habang nakaharap sa akin. Ang kamay niyang nakapamulsa kanina ay wala na roon. I smirked and rolled my eyes at him. "Are you shooting a movie now, Mayor?" "Answer me, Ysabel," nauubusan ng pasensyang usal niya. Nagpakawala ako ng sarkastikong tawa bago nilingon ang direksyon niya. "Wala pa tayo sa opisina, Shaunn. Hindi ako required sumagot sa mga tanong mo." Sakto namang may padaan na taxi kaya agad ko itong pinara at walang lingon na sumakay nang tumigil iyon sa harapan ko. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba o ipagtataka na hindi na siya humabol pa. For all I know, he came here for me. Well, it's not that I'm asking for it; maybe I'm just too consumed by internet shows where men chase women every time they get in a car. Tutal umaarte naman siya ngayon. Napailing na lamang ako at sinubukang sumilip sa side mirror ng taxi nang umandar iyon. Natagpuan ko ang kaniyang paningin na nakatuon pa rin sa direksyon ko—hindi kumikilos—hanggang sa tuluyan ko nang hindi nakita ang pigura niya. Wala sa sarili akong napabuntonghininga at isinandal nang maayos ang likod ko sa upuan. "Mukhang may away po kayo ng nobyo mo, Ma'am." Napatuon ang paningin ko sa driver nang sabihin niya iyon. May munting ngiti sa labi niya na tila ba nasisiyahan sa nakita. Napaismid na lang ako at tinanaw ang labas ng bintana. Hindi ko man gusto ay kusang pumapasok sa isip ko ang mga ginagawang pag-arte ni Shaunn. "Hindi po ba't si Mayor iyon?" muling imik ng driver. "Yeah," tamad kong sagot. Natawa naman siya. "Naku! Napakaswerte n'yo naman po. Mabait po 'yang si Sir." I almost rolled my eyes when I heard that. Mabait? Saang parte? Paano? Kailan? "You should see a doctor, kuya," aniko. "Kayo talaga, Ma'am." Nagpakalawa siya ng halaklak na para bang biro ang sinabi ko. "Mukhang malalim po talaga ang tampo niyo sa nobyo niyo, ah?" Alam kong common na talaga sa isang pilipino ang pagiging mabait sa pasahero, 'yong kauusapin ka at itatrato na para bang magkaibigan kayo . . . kaso sumobra naman 'ata ang pagiging ususyero nito. "He's not my boyfriend," paglilinaw ko. Sandali niya akong nilingon na may naniningkit na mga mata. "Talaga, Ma'am?" hindi makapaniwala niyang sambit nang ibalik niya sa daan ang paningin. "Ah, nanliligaw pa lang," dugtong niya pa. "He's not my manliligaw," muli kong pagtatama. He chuckled again. "Nako, mukhang alam ko na po. Mag-ex kayo ni Sir at nakikipagbalikan siya sa inyo." I stayed silent, even though what he said was not true. Yes, Shaunn is my ex-boyfriend, but he's not asking for reconciliation. And to hell with that if he did. "Wala na po bang pag-asa, Ma'am? Mukhang mahal pa kayo ni Sir, eh." Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa sa ginagawa niyang pagdaldal. Naa-appreciate ko ang pakikipag-usap niya sa akin pero sana naman hindi kamalasan ang topic umagang-umaga pa lang. Pakiramdam ko tuloy hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. "I take back what I said: don't go to the doctor to get checked; what you need is a faith healer." I shook my head and looked outside the car window again. Nagpatuloy siya sa pagdaldal buong byahe na hindi ko na inabala pang sagutin o pansinin man lang. Sandali rin akong nagpatigil sa isang boutique para bumili ng nail polish, napansin ko kasing halos sira na ang kulay ng mga kuko ko. Hindi naman ako maarte, madali lang talagang magkaroon ng dumi ang ilalim ng mga iyon kaya mas prefer ko na palaging may nail polish para kung sakaling humarap ako sa mga tao ay walang mapupuna sa akin. Imagine ang ganda-ganda ko tapos mapapagkamalang nag-iipon ng dead skin. "Salamat po," aniko nang makapagbayad ako sa driver at saka lumabas ng sasakyan. "Ma'am!" Napatigil ako sa asta kong pagsasara ng pinto ng taxi nang bigla niya akong tawagin. "Bakit po, kuya? Kulang po ba ang ibinayad ko?" tanong ko, bahagyang nakayuko para masilip siya nang maayos. "Kumpleto naman, Ma'am. Tinawag ko lang po kayo kasi napansin ko na mukhang may kailangan kayo kay Mayor kaya kahit nakikita ko ang galit sa mukha n'yo ay hinahayaan ninyong magkasama kayo," aniya na ikinakunot ng noo ko. "Kung ako po sa inyo, sa halip na itaboy n'yo siya, gagawa ako ng paraan para mas lalo kaming magkalapit upang makuha ang gusto ko." Hindi ko alam kung saan ako malilito: sa sinasabi niya ba o sa katotohanang tila may alam siya sa nangyayari. "Sige po, Ma'am. Have a nice day po!" paalam niya habang may ngiti sa mga labi. Walang imik ko namang isinara ang pinto ng taxi. Sa ilang minuto na nakasakay ako sa sasakyan, napagtanto ko na talagang madaldal siya. Gano'n pa man, hindi ko lubos inakala na sasabihin niya iyon sa akin. Something feels off. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at tuluyan nang pumasok sa munisipyo. Nakahanda na ang working space ko, sa kamalas-malasang pagkakataon ay nap'westo ako sa mismong loob ng opisina ni Shaunn kaya gustuhin ko man na mabakante sa gago niyang pagmumukha ay imposible. Lihim na lang akong nagngitngit at itinuon ang atensyon sa pag-aayos ng mga papeles na nakasalansan sa working desk ko. "Good morning, Mayor." Labag man sa loob ko ay tumayo ako nang maayos at bahagyang yumuko upang magbigay galang sa presensya ni Shaunn nang pumasok siya sa loob ng opisina. "Kumain ka na ba?" seryosong bungad niya sa akin imbes na ibalik ang bati ko. Tiim-bagang akong napatitig sa kaniya, nakipagsukatan naman siya ng tingin sa akin na para bang ipinararating na required akong sumagot ngayon kasi nasa opisina na kami. "Yes, Mayor," tipid kong sagot habang palihim na nakayukom ang kamao ko sa aking likod. "Are you sure, Ysabel?" paniniguro niya at naglakad patungo sa kaniyang p'westo. Hindi ko na napigilan at malakas akong napabuntonghininga. "My name is Shayna, Mayor Vallerio." Mabilis na umangat ang isa niyang kilay habang itinutupi ang manggas ng suot niyang loongsleeve polo. "Yeah, Shayna Ysabel Ruiz," banggit niya sa buong pangalan ko habang ine-emphasize ang itinawag niya sa akin. Hindi naman ako agad nakatutol dahil may nakaagaw ng atensyon ko. He has tats on his left arm. I'm surprised because I didn't expect him to get inked. Not that I care. I can only see half of it, so I don't know if it's a full-sleeve tattoo or not. It has a vibrant tapestry of intricate tribal designs and a flower, which I think is a camellia. I also did spot a menacing skull oozing with dripping blood, though I could only see half of it since his shirt was hiding it. Napansin niya sigurong nakatitig ako roon kaya tumikhim siya para maagaw ang atensyon ko. "Can you make me a coffee?" aniya bago tuluyang umupo sa kaniyang swivel chair. Umiwas ako ng tingin, kinakastigo ang sarili sa ilang minutong pagkamangha sa tintang nakaukit sa balat niya. "Give me a minute, Mayor," sagot ko bago tuluyang naglakad palabas ng opisina. Mabuti na lamang at may naka-schedule na meeting ngayong umaga kaya naman sandaling nawala si Shaunn sa opisina. Ginamit ko naman iyong tsansa para saglit na intindihin ang mga kuko ko tutal hindi pa naman gano'n katambak ang mga gawain. Simula nang bumaliktad ang mundo ko, natuto akong maging praktikal sa ilang bagay katulad na lamang ng pagpapa-manicure lalo na at mahal iyon sa Canada. Afford ko pa namang gumastos para doon, hindi pa naman ako gipit na gipit, kaso lang ay hindi ko maiwasang manghinayang dahil pwede namang ako na ang mag-intindi ng sarili kong kapritso. Tipid akong napangiti nang matapos ko ang pagkukulay sa huli kong kuko. Sandali ko iyong tinitigan bago iwinagayway ang mga kamay ko sa ere para mas mapadali ang pagpapatuyo sa nail poilish. Nasa gano'n akong sitwasyon nang bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina kasabay ang tila impit na tawa ng isang babae. Mabilis kong naibaba ang mga kamay ko nang magtama ang paningin namin ni Shaunn. Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin bago iyon marahan na bumaba sa ibabaw ng lamesa ko kung saan naroon pa ang nail polish na ginamit ko. Hindi ko alam kung tama ba ang napansin ko pero tila sandaling umigting ang panga niya. "What are you doing here?" Doon lang napatuon ang paningin ko sa babaeng nasa gilid niya. Halos magtagpo ang mga kilay niya at bakas ang pagkairita sa kaniyang mga mata. Kilala ko siya, bakit ang hindi? Siya lang naman ang kababata ni Shaunn, anak din siya ng kasalukuyang gobernador. "She's my secretary, Rhian," sagot ni Shaunn sa tanong na para sa akin bago naglakad patungo sa desk niya. Awtomatiko namang sumunod si Rhian kahit pa hindi naalis ang masamang tingin niya sa akin. Problema niya? Sa pagkakaalala ko ay wala akong ginawang masama sa kaniya. "What?! Are you crazy, Shaunn? Ngayon hindi na ako nagtataka kung paano pumutok ang balita noong nakaraan," lintanya niya. "My team decided to use her as an advantage for the upcoming election and to settle the issue circling around," paliwanag ni Shaunn at pagod na isinandal ang kaniyang sarili sa swivel chair. Nagpakawala ng hindi makapaniwalang tawa si Rhian. "Ghad, Shaunn! Alam nating dalawa na walang magandang maidudulot ang babaeng 'yan, guguluhin niya lang lalo ang kampanya mo. Kung kailangan mo ng tulong para sa darating na eleksyon, pwedeng-pwede kang hatakin ni Daddy. Sapat na 'yon para manalo ka," mahabang saad niya at pinukulan na naman ako ng matalim na tingin. Matinding pagpipigil ang ginawa ko huwag lang siyang irapan at ismiran. Itinuon ko na lang ang atensyon sa paglilinis ng ibabaw ng lamesa ko, desididong huwag silang pansinin. Maingat kong isinara ang nail polish na ginamit ko at saka iyon inihulog sa nakabukas kong bag. "And can't you see? She's trying to seduce you! Oh, ghad! Dito pa talaga nag-ayos ng mga kuko niya para magpa-impress sa 'yo," tila nandidiri niyang ani. Doon ay hindi ko na napigilan na pag-angatan siya ng kilay. "What?" Wala naman sana akong plano na patulan siya pero hindi talaga pumasok sa sikmura ko ang mga narinig ko mula sa bibig niya. "Oh, bakit? Gusto mo bang diretsuhin ko pa na nilalandi mo si Shaunn? Ang kapal naman ng mukha mo, Shayna," inis niyang sambit. "Rhian—" Natigil ang pagtawag ni Shaunn sa kababata nang magpakawala ako ng halakhak at saka tumayo mula sa aking p'westo. Mabagal kong nilakad ang distansya namin, mula sa paninitig kay Rhian ay inilipat ko kay Shaunn ang aking paningin at umismid. "I'm impressing this man?" pag-uulit ko habang nakaturo pa sa respetadong mayor ng Mabini. Marahan akong yumukod, ipinatong ang magkabila kong siko sa ibabaw ng lamesa, at dinala sa magkabila kong pisngi ang aking mga palad. "Ysabel," Shaunn called with a warning when I closed all my fingers except for my middle fingers. Umiigting ang kaniyang panga, ang kaniyang mga mata ay nandidilim na nakatitig sa akin. I smiled mischievously. "How many colors do you see, Mayor?" "Ysabel, put down your fingers," he said coldly instead of giving me an answer. "How many colors do you see, Yuan?" pag-uulit ko, hindi inaalis ang paninitig sa kaniya. Mariin siyang pumikit. Kitang-kita ko ang paggalaw ng lalamunan niya pati na rin ang malalim na pagpapakawala niya ng hininga bago muling dumilat. Kung kanina ay mababakas ang iritasyon sa kaniyang mga mata, ngayon ay tila napapaso iyon sa hindi maipaliwanag na emosyon. Sandali niyang tinitigan ang mga kuko ko at saka ibinalik sa akin ang atensyon. "One . . ." he answered hoarsely. Mabilis na umangat ang gilid ng labi ko at umalis sa pagkakayuko. Hinarap ko si Rhian na halos mangamatis na ang mukha sa galit. Kung wala lang siguro kami sa harapan ni Shaunn ngayon ay baka kanina niya pa akong nakaladkad palabas. "Tell me, Rhian . . ." I said slowly with a mocking tone. "Why would I waste my precious time impressing a man who can't even tell the difference between ruby woo and Russian red?"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD