"Shopping"
"Where are you na biatch!? Andito na me, kanina pa kita hinihintay!?" sigaw ni Thea mula sa phone ko.
Papunta palang ako sa mall ngayon, actually kanina pa kasi naman ang traffic. Inip na inip na nga ako dito ehh.
"Bakit ka ba sumisigaw? Just wait for me na traffic lang, malapit na rin naman," mahinahon kong sagot.
Narinig kong bumuntong hininga siya bago sumagot, "fine fine mag ingat kayo, just meet me at the starbucks k?"
"Yeah, yeah, bye," I said before hanging up on her. Alam kong nainis siya sa ginawa ko pero pag diko naman binaba ay hindi niya rin ibababa. Dadaldalin niya lang ako panigurado.
Pagkaparada na pagkaparada ni Manong Herbert ng sasakyan ay dali dali akong bumaba. Pagkasara ko ng pinto ay kinatok ko ang bintana.
"Manong, itetext ko na lang po kayo pag pauwi na ko, maraming salamat po," magalang kong sabi sakanya.
Tumango lang naman ito at sumagot ng "sige iha" kaya naglakad nako papunta sa entrance ng mall.
Pagkapasok ko ay hinanap ko agad ang starbucks. Nang makita ko ito ay agad hinanap ng mata ko si Thea na ngayon ay kumakaway kaway sa dereksyon ko.
Lumapit ako sakanya at bumeso tsaka umupo sa katapat ng upuan niya.
"I ordered something for you na, antagal mo ehh," sabi niya sakin at ibinigay ang inorder niya para sakin.
Tinanggap ko yon at nagpasalamat. "Saan muna tayo?," tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay at sumagot, "syempre sa school supplies, narito tayo para bumili ng gamit para sa darating na pasukan sa lunes hindi ba?," nagtataka kong tanong sakanya.
Natawa naman siya sakin, "you, sabay turo sakin. "You're making me laugh kim, my ghad," natatawa niya pa ring sabi.
"Of course narito tayo para doon, pero yun lang ba talaga gagawin natin?," natatawa niya pa ring sabi ngunit mas mahinahon na kaysa kanina.
Nagtataka ko lang siyang tinignan. Oo nga pumunta lang naman taga kami rito para doon. Wala naman akong natatandaan na iba pang dahilan para pumunta rito.
"I mean, narito na tayo, why not shop some clothes, watch in cinema or let's do salon?," paliwanag niya na sakin ng hindi ko talaga siya makuha.
Napaisip ako sa sinabi niya. Ok lang naman sakin, plano ko rin sana magpagupit ng buhok at magpakulay kaso bawal sa school namin ang may kulay.
Sa susunod na lang siguro ko magpapacolor ng buhok. Magpapagupit na lang ako trim.
"Ok, let's do it, but after that pumunta na tayo sa school supplies ok? Let's not watch movies na rin kasi, darating sila dad mamaya, need ko umuwi ng maaga," pagpayag ko sa sinabi niya.
Tumango lang naman siya at tumayo na sumunod naman ako sakanya. Una namin pinasukan ang salon.
Katulad ng sabi ko kanina nagpatrim lang ako. Si thea naman ay nagpaikli ng buhok. Bagay naman sakanya pero natatawa ko sakanya. Broken hearted ba siya?
Pagkatapos namin magpasalon ay pumunta na kami sa isang brand ng damit. Naghiwalay kaming dalawa at namili ng kanya kanyang gusto namin.
Pumili ako ng damit na magugustuhan ko, nang makuha ng pulang dress ang aking atensyon. Simple lamang ito ngunit napaka elegante. Puff ang sleeves nito at square neck. Ang haba nito ay below the knee.
Kinuha ko ito at sinukat, nang makitang kasiya ko ay kinuha ko na ito at nagpatuloy mamili ng iba pa.
Nang matapos ay dumiretso na ko sa counter. Nadatnan ko pa roon si Thea na may kausap na lalaki.
Napailing na lang ako sakanya. Ang landi talaga ng babaitang ito, takot naman sa commitment. Pag ito talaga tinamaan, ako unang tatawa sakanya.
Ng turn niya na ay ngumiti siya sa lalaki at nagpaalam na. Nang humarap siya sa counter ay nagbayad lang siya na parang wala lang ang presyo sakanya kahit magkano pa yon.
Ang dami niya kasing pinamili!! Magtatayo ba siya ng sarili botique sa kwarto niya? My ghad!
"Hintayin na lang kita sa labas, sis," sabi niya ng matapos siya. Tinanguan ko lang siya at binigyan pansin ng ang cashier sa counter.
"44,999 pesos po ma'am," tumango ako sakanya at binigay ang card ko, swinipe niya lang ito at inencode ko na ang passcode ko.
Pagkakuha ko ng pinamili ko ay lumabas nako. Sumalubong sakin si Thea na naghihintay sa labas ng shop.
"Halika na, bumili na tayo ng school supplies,"
Tumango siya sakin at sumunod. Nang makakita ako ng bilihan ng school supplies ay pumasok ako roon.
"Maghiwalay ulit tayo?," tanong ni Thea sakin.
Tumango ako sakanya at dumiretso sa paint section. I love to paint the scenery. I don't know, I just love to paint them. Everytime na magpepaint ako ay hahanap ako ng tahimik ng lugar at magandang tanawin at iyon ang gagawin kong subject.
Sa tuwing ginagawa ko yon ay narerelax ako, narerelax ang utak ko. Napapahinga sa kabila ng mga problemang kinakaharap ko o ng pamilya namin.
Painting is my way to escape reality. I'm doing it to escape the reality that I don't want to encounter. Gustuhin ko man na magpaint na lang ng paint upang makatakas sa katotohanan ngunit hindi maaari.
Hindi maaari dahil may naghihintay sakin, may nagtitiwala sakin. Hindi ko sisirain ang tiwala na ibinigay nila sakin dahil lang sa problema na nais kong takbuhan.
"What the f**k!?"
Naputol ang pag iisip ko ng may mabangga ako. Nakita kong bumukas ang paint na hawak ko kanina at natapon sa puti niyang damit.
Nanlaki ang mata ko at dali daling kinuha ang pintura. OMG!! Hindi ko muna siya pinansin dahil at inayos ang pinturang natapon isang color lang naman. Baka kasi makaabala sa iba.
Nang maaayos ko ito ay nakatayo pa rin yung lalaki doon. Masamang nakatingin sakin, "I'm sorry," hingi ko ng tawad dahil alam kong mali ako.
Sa lalim ng iniisip ko kanina ay di ko sinasadyang nabangga siya. Natapunan ko pa ang puting damit niya. Luminga ako sa paligid para makita kung maraming tao.
Buti na lang wala!! Napabuntong hininga ako at tumingin ulit sakanya. Nagtaka pako kasi para siyang napako sa kinatatayuan niya habang nakatingin sakin.
"Hey, are you ok? I'm really sorry, diko sinasadya,"
Mukha naman siya natauhan ng magsalita ulit ako. Tinignan niya ko pabalik sa damit niya. Bumuntong hininga siya at binigyan ako ng ngiti.
"It's ok, I'm sorry too nabigla lang ako kanina," his manly voice gave me a weird feeling kaya napakunot ang noo ko.
"Ahh, ba-babayaran ko na lang yung damit mo,"
Napangiwi ako bigla ng biglang kumunot ang noo niya. Ayaw niya ba? Ahh gusto niya ba bilhan ko siya ngayon na? Oh baka akala niya diko afford yung clothes niya? O di kaya may sentimental value ba to sakanya?
"Ah, I m-mean, I can buy you clothes na lang pala sa labas," utal kong sabi at pilit na ngumiti sakanya.
Aalis na sana ko ng bigla niyang hablutin ang kamay ko. Nang magtama ang mga kamay namin ay para akong nakuryente sa hawak niya. Kaya napatahimik ako napatingin roon.
Napansin niya naman yon kaya bigla niyang binitiwan ang kamay ko. Tumingin naman ako sakanya.
"I'm sorry for that," pagtukoy niya sa biglang paghawak niya sakin. "You don't need to buy me cloth na, I have a spare shirt on my car," malumanay niyang sabi sakin habang hinihimas ang batok.
"Btw, I'm Ja-"
"Kimeniah!! Narito kalang pala!!"
Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng biglang may tumawag sakin mula sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakita si Thea na masama ang tingin sakin at nakapamaywang pa.
Lalapit na sana siya sakin ng senyasan ko siyang hintayin na lamang niya ako. Nang huminto siya ay tsaka ko binalik ang tingin sa lalaki.
"I'm really sorry po, kailangan ko na kasi umalis, ahhh," nakayuko kong paumanhin sakanya sabay talikod.
Pinuntahan ko na si Thea ngunit bago kami umalis ay humarap ulit ako doon sa gwapong lalaki, " I'll just treat you if we met again, I'm really sorry," malakas kong sabi sakanya upang marinig niya.
Nakita ko pang ngumiti siya sakin at tumango bago ko siya tinalikuran muli at naglakad na papuntang counter.
Pagkatapos noon ay nagtext na ko kay Mang Hernand na sunduin na ko. Maya maya lang ay narito na ang sundo ni Thea kaya nauna na siya sakin.
Habang naghihintay kay Mang Hernand ay naisipan ko magpatugtog na lang muna. Kinuha ko ang dala kong earphone. Sinaksak ko ito sa tenga ko at pumindot ng tugtog doon.
Lumagpas na maraming minuto ay wala pa rin si Mang Hernand tinignan ko ang phone ko at nagtext ulit rito kung nasaan na siya.
Habang naghihintay ng mensahe mula kay Mang Hernand ay biglang may humintong isang puting buggati.
Nagtataka ko itong tinignan. Mayaman siguro ang may ari nito. Kakaunti lang ang may ganitong kotse sa probinsya namin dahil halos ang mga nakatira dito ang hanap buhay ay pagsasaka, pagpapakain ng mga alagang kabayo, at iba pang pangkaraniwan na ginagawa sa ibag probinsya.
Kaya naman sigurado ako na kung sino man ang nasa loob nito ay galing sa kilalang pamilya o isang dayo na galing manila.
Aalis na sana ako doon ng mapansin na hindi agad ito aalis sa pwesto ko. Natatakpan kasi ako nito baka di ako makita ni Mang Hernand kung sakali, ngunit biglang bumukas yung binatana nito at sumilip doon ang mukha nung gwapong lalaki kanina.
"Hey, wala pa ang sundo mo?,"
Nahihiya akong umiling sakanya. Paanong hindi ehhh tandang tanda ko pa yung katangahang ginawa ko!! My ghad!!
Nagtataka kong napatingin sa kanya ng marinig ko itong humalakhak. Nang makita niya king nakatingin sakanya kinagat niya ang pang ibabang labi para pigilan ang tawa niya.
"I'm sorry, you just....looks cute, you're being guilty with something na hindi mo naman sadya,"
Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ba siya galit sakin? Natapunan ko ng paint yung damit niya? And worst puti pa yon!!
I'm sure that the paint there is di na matatanggal. Is he ok with that? Pero bakit kanina mukha siyang galit ng sinabi kong ibibili ko na lamang siya o kaya'y palitan?
"I told you, it's ok, I'm not mad," nakangiti pa rin nitong sabi na para bang nabasa niya ang iniisip ko.
Napangiti naman ako pabalik sakanya dahil sa kabaitan niya. "I'm really sorry, I'll just treat you, if you want," magaan ang pakiramdam na sabi ko na sakanya.
"Really? Can we do it now? then after I'll just give you ride papunta sa house niyo, deal?" excited niyang sabi.
Tumango ako sakanya habang nakangiti pa rin sakanya. Papayag na sana ako sakanya, ngunit nawala iyon ng biglang tumunog ang phone ko, tinignan ko kung sino iyon.
Mom's calling...........
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tumatawag. Oh God!! I forgot about it na!! Uuwi nga pala sila ni Daddy.
Dali dali ko itong sinagot, buti nakaearphones pa rin ako ngunit napangiwi ako ng bigla siyang sumigaw. Nagsisisi na ko kung bakit ko sinagot ang tawag ni Mom ng nakaearphone.
Dumilat ako, sinalubong ako ng bughaw na mga mata niya. Ngumiti ako sakanya ng pilit. Tsaka ko kinausap si mom.
"Mom," i greeted her.
"Anong mom, mom, ka diyan. Where the hell are you Kimeniah Fox!! Narito na kami wala ka pa rin!! Saan ka bang pumupuntang bata ka!!," sunod sunod niyang salita mula sa phone ko.
Ni hindi ko na masundan ang iba pang sinasabi niya at nakinig na lang sa sermon niya sakin mula sa phone.
Narinig kong bumuntong hininga siya nagpapakalma, "bumalik ka na rito, Kimeniah, bago mag dinner dapata narito kana," mahinahon niya ng pagkausap sakanya.
Tumango ako sa sinabi niya kahit na hindi niya nakikita. "I will mom, I promise, I'll be there before dinner, don't yourself po, I love you" pagkatapos ko sabihin yon ay binabaan ko na siya ng tawag.
Kasabay non ay ang pagtunog ng phone ko mula sa mensaheng ipinadala ni Mang Hernand sakin. Nakasaad doon na nasa tapat na siya ng mall kaya lumibot ako nakita ko nga ang SUV namin roon.
Nasiraan daw kasi siya habang papunta rito kaya natagalan. Kaya pala ang tagal kong naghintay dito. Ang malas ko naman ngagong araw, dapat pala di nako lumabas ng bahay kung alam ko lang.
"I think you can't make it huh?,"
Nawala ako sa iniisip ko ng magsalita ang lalaking nabangga ko kanina. Oo nga pala!! Dapat nga pala itre-treat ko siya.
Ano ba naman kasi yan Kimeniah! Ang tanga mo, bukod sa nakalimutan mo ang dinner sa bahay dahil sa pagdating ng magulang mo ay may balak ka pang mangako and worst di mo tutuparin!!!
Nahihiya akong ngumiti sa lalaking nakatitig sakin ngayon ng malamlam naghihintay ng sagot ko.
"I'm sorry, ahmm my parent's just... Ahh got home kasi, pwede bang next time na lang?"
Napansin kong dumaan ang lungkot sa mata niya ng marinig ang sagot ko ngunit agad rin itong nawala at ngumiti siya sakin.
"It's ok sanay naman nako, I'll just give you a ride para makauwi ka na mukhang galit na ang mommy mo sayo," mahinahon niya pa tin saking sabi.
OMG!! Bat ba ang bait niya? Paano ko siya tatanggihan nito!!
"Ahh ano kasi, my driver is here na kasi," sabay turo sa SUV namin, "but I promise, next that we met again, I'll treat you," dagdag kong sabi habang nakataas ang kanang kamay.
Narinig kong natawa siya ng mahina sakin. Natawa na rin ako, nahawa sakanya kahit wala naman nakakatawa.
Baliw na ata ako, haystt
Ngumiti siya sakin at tumango, " ok, I'll take note of that,"
Ngumiti ako sakanya at nagpaalam na. Tumalikod nako sakanya ng bigla siyang magsalita.
"Until we met again, Kimeniah,"
Hindi ko ito narinig dahil masiyado na kong malayo sakanya at mahina lang ang pagkakasabi niya.
Dumiretso na ko sa SUV at bumati kay Mang Hernand......