Chapter 1

2029 Words
Doubt "The student president?" I repeated what he said and grinned. "Oh! So that makes you the boyfriend of Darlene." "Yes, I am," he said like a proud boyfriend. Humalukipkip ako at mas lalong lumawak ang ngisi ko. "Akalain mo nga naman no? Parehas kayong paharang-harang sa daan ng girlfriend mo. Bagay nga kayo." I saw how his confidence and pride crashed in front of me because of what I said. "Why did you do that to Darlene?" pag-iiba niya ng topic gamit ang kanyang malalim at baritonong boses. "Why did I do that?" I asked myself innocently. "Hindi ba puwedeng ang tanong eh, what did she do to make me do that?" His forehead creased even more. "What are you trying to say?" he asked. "That Darlene did something bad to you that's why you did that to her?" "Not to me... but maybe to someone else and it just happened that I saw everything." "And then you played Wonder Woman or something kaya mo binuhusan si Darlene ng frappe?" "Yes," walang pag-aalangang sagot ko. "I just let her pay for what she did. Wala pa nga 'yon eh." "Bakit mo naman 'yon ginawa para doon sa sinasabi mong ginawan niya ng masama?" I really hate being interrogated by someone who doesn't deserve my explanation in the first place. Alam kong magiging biased lang siya kahit na anong gawin kong pag-eexplain ng side ko. "Kasi... mabait ako." Sabay ngiti ko. "Are you playing around with me?" he now asked with an authoritative tone. I knew that it was supposed to scare me but I was not even thrilled by his voice. "No, I'm not." He deeply exhaled. "We have some serious matter here, lady," he said. "Napahiya si Darlene ng dahil sa 'yo." "Alam kong napahiya siya dahil nandoon ako. Ako pa nga ang dahilan kung bakit siya napahiya, eh," sabi ko. "Ang gusto ko lang na sabihin sa 'yo ay sana huwag kang maging biased. You're the student president, you should be neutral and not biased. Well, I just hope that my fellow schoolmates didn't vote you just because of your looks. But even if that's the case, you should be an example. You should be fair and just. Dapat tinatanong mo muna both parties kung ano ang talagang nangyari. Well, maybe hindi alam ng girlfriend mo ang ginawa niya pero pagharapin mo kami at sasabihin ko sa kanya na mukhang hindi niya alam ang kasamaang ginawa niya. Hindi porket girlfriend mo siya at nagsumbong siya sa 'yo that I intentionally did that to her kahit na wala naman siyang ginagawang masama ay totoo na." I took a step to be closer to Mr. President para tagos na tagos ang titig ko sa kanya. "Hindi ko sasayangin ang paborito kong dark mocha frappe na tinapon ko sa kaniya at mas lalong hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras ng dahil sa wala at trip ko lang," dire-diretso kong sabi. "Try to annalyze the situation first, Mr. President. That's all." Mabilis ko siyang tinalikuran pagkatapos ng mahabang speech ko na sana naman ay naintindihan niya kundi ay muli na naman akong nag-aksaya ng laway kakasalita at ng oras na dapat ngayon ay kumakain na ako dahil kanina pa ako gutom na gutom. "Oh? Bakit ang tagal mo?" bungad na tanong sa akin ni Ida. "Nauna pa ako sa'yo samantalang unang natapos ang klase mo." "May humarang kasi sa dinadaanan ko," simple kong sabi at tiningnan ang mga binili ni Ida na pagkain para sa aming dalawa. Napakunoot naman ang noo ni Ida nang dahil sa sinabi ko. "Humarang sa dinadaanan mo?" kuryosong tanong niya. "Wag mong sabihing may ginawa ka na naman?" "Wala akong ginawa," tipid kong sagot at nagsimula ng kumain. Napangiti ako nang sinimulan ko na ang pagkain ngunit agad ding nawala nang makita ko kung sino ang kakapasok pa lang dito sa cafeteria. I saw him looking problematic beside his girlfriend na mukhang may away yata sila. Is it because hindi nagawa ni Mr. President ang kung ano mang ipinag-uutos sa kanya ng girlfriend niyang gawin sa akin? "What are you looking at?" Nilingon ni Ida ang tinitingnan ko't naniningkit ang kanyang mga matang humarap sa akin. "Why are you looking at them?" she asked at ilang sandali pa'y nanlaki ang kanyang mga mata saka bahagyang hinampas ang mesa. "Baka hinahanap ka na nila! Magtago tayo! Sabi sa'yo, hu-huntingin ka niyan at ng boyfriend niya." Walang gana kong ipinagpatuloy ang pagkain ko. "Tapos na," sabi ko. "Na-hunting na ako kanina." "You mean, siya yung tinutukoy mong paharang-harang sa dinadaanan mo?" tanong niya. "Yes." "So, what happened? Ano'ng ginawa sa'yo ni Gael?" she curiously asked. "Nothing." I just shrugged my shoulders. "He just asked me a few things that I answered even though I know that he'll never understand. In short, I wasted my time and my saliva talking to him." She sighed. "How can you be so calm, Blair? You really are something." "Because I know that I'm not the only one who's wrong here. May kasalanan din ang girlfriend niya. We should both be interrogated. Not just me!" After eating our meal, I scanned the table and realized that there's something missing. Nag-angat naman ako ng tingin muli kay Ida. "Nabilan mo rin ba ng pagkain si Lingling?" "Nope, pero nagdala ako. Ang dami kasing pagkain kaninang breakfast kaya nagpack ako para kay Lingling," sabi niya't binuksan ang kaniyang bag. She brought out a ziplock plastic bag na may lamang fried chicken at sumunod pa ang naka-boteng gatas kaya naman nagliwanag ang aking mga mata. "You're the best, Ida! Lingling's going to love this!" Masaya kong sabi't kinuha sa kanya ang mga dala niyang pagkain. "I know I'm the best," she proudly said. "Tara na't bigay na natin kay Lingling bago pa matapos ang break natin." "Okay!" sabi ko't uminom muna for the last time ng juice bago tumayo sa aking kinauupuan. Napatigil ako sa paglalakad nang makita kung sino ang makakasalubong namin ni Ida. Mr. President's holding the tray with their food. Darlene immediately hid behind his boyfriend like she was so scared and terrified of me. Huminto silang dalawa sa paglalakad kaya naman huminto rin ako nang matapat ako sa kanilang dalawa. "Blair..." Ida called for my attention and gently shook my arm, pero hindi ko siya pinansin at itinuon ang atensyon ko sa dalawang nasa harapan ko. Mr. President's just looking at me, straight into my eyes like he was trying to guess kung ano ang gagawin ko. I stared at him, but immediately looked away para ilipat ang tingin kay Darlene. "Ang OA mo naman," sabi ko at agad lumabas ang mas katotohanang expression niya—the bitchy one. "What did you say?" mariin niyang tanong sa akin. "Ang sabi ko, ang OA mo," pag-uulit ko sa aking sinabi. "Huh! At talagang inulit mo pa!" naiinis niyang sabi. I rolled eyes. "Malamang," sabi ko. "Tinanong mo ako eh, kaya sinabi ko ulit." "How dare—" "How dare me?" I laughed and immediately straightened my face. "'Yan din ang sinabi mo sa akin kahapon. Gasgas na 'yan eh. Wala ka na bang ibang linya?" Her jaw dropped at saka tinignan ang boyfriend niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Gael! See! I told you! She's so rude," halos pasigaw nang sabi niya kay Mr. President habang itinuturo ako. "And then, you'll doubt me na baka may ginawa ako sa kanya kaya niya ako tinapunan ng drink. That's so unfair! Girlfriend mo ako!" "I'm not just your boyfriend, Darlene. I'm also the student president and I can't be biased when it comes to these things. I have to be neutral." I slightly smiled. So, nakinig pala talaga siya sa akin kanina. Sino ba namang makakapagsabing mabilis pala siyang makaintindi? "So, what does that mean?" kunot-noong tanong ni Darlene. "Sa tingin mo ba, kaya kong gumawa ng masama sa ibang tao? You think I can do that?" "No..." nahihirapang sagot ni Mr. President. "Kung ganoon, bakit mo ako pinagdududahan?!" she shouted and her face was completely turning red due to anger and frustration. "Hindi ko kayang manakit ng ibang tao!" "Ay talaga bang hindi ka makaintindi?" pagsingit ko sa away nilang dalawa. Hinahabol ni Darlene ang kanyang hininga sa sobrang galit at saka ako nilingon. "Hay nako, Blair..." Ida sighed. "It's not that he's doubting you. Gusto niya lang malaman kung may ginawa ka kaya ko ginawa 'yon sa 'yo. It's his job. Sana maintindihan mo rin ang boyfriend mo," paliwanag ko sa kanya. "And who are you to interfere sa problema namin ng boyfriend ko?" naiinis na niyang tanong sa akin. "I'm Blair Nicole Alcoberes at ako lang naman ang pinag-aawayan ninyo ng boyfriend mo dahil sa tingin mo kinakampihan niya ako," pagpapakilala ko sa sarili ko. "Ang hirap kasi sa 'yo ay makitid ang utak mo at hindi ka marunong makaintindi kaya kayo nag-aaway ngayon." "How dare—" Sasampalin niya sana ako nang mabilis kong napigilan ang kanyang kamay at saka ngumisi. "You," pagpapatuloy ko sa linya ng buhay niya. "'Di basabi ko sa 'yo, mag-isip ka na ng bagong linya mo?" Inilipat ko naman kay Mr. President ang tingin ko. Nakita kong hindi na niya hawak ang tray na hawak niya kanina at ngayo'y nakatingin lang siya sa aking kamay na pumipigil sa girlfriend niya. "Mr. President," I called his attention. Mabilis niya namang inilipat ang kanyang tingin sa akin. "I'm sorry to tell you but your girlfriend just lied to you." I pretended to be sad. "Hindi niya raw kayang manakit ng ibang tao pero tignan mo oh..." muli kong binalik ang tingin ko sa kamay kong hawak-hawak ang pulsuhan ni Darlene. "Kung hindi ko siya napigilan, nasaktan na niya ako." Hindi makapaniwala si Darlene sa sinabi ko't mabilis niyang nilingon si Mr. President. "Gael! Are you just going to stand there?" sigaw niya. Napailing nalang ako. Binitiwan ko na ang pulsuhan ni Darlene at saka pinagpag ang aking kamay sa palda ng aking uniform. "Ang dami kong naaksayang oras ngayong araw..." sabi ko na lang at saka nilingon si Ida na dahilan kung bakit ko napansing marami palang nanonood sa amin. "Tara na kay Lingling," aya ko sa kanya at nauna nang maglakad palabas ng cafeteria. Hindi ko pinansin ang mga mapapanutyang tingin ng iba sa akin at dire-diretso lang ako sa paglabas. "What a scene, Blair!" Ida commented nang tuluyan na kaming makalayo. "Hindi mo na sana pinatulan pa." "Hayaan mo na," sabi ko. "Para matauhan naman siya." Nang makalabas kami ng campus ay nanlaki ang aking mga mata nang makitang nagkakalkal ng basura si Lingling. "Lingling!" tawag ko at mabilis itong napatigil sa ginagawa't natuon ang atensyon sa akin. Patakbo akong tumawid ng daan upang mabilis kong marating ang kinaroroonan niya at masaya naman siyang tumahol nang makalapit ako. Patuloy lang sa pagkawag ang kanyang buntot habang tinitignan ang dala-dala kong pagkain para sa kanya. "Look, Lingling oh. May chicken at milk ako ngayon para sa 'yo galing kay Ate Ida mo," masaya kong sabi bago inilapag ang manok at saka nilabas ang lagi kong dala na tupperware upang doon ilagay ang iinumin niya. Mabilis niyang nilantakan ang tatlong pirasong manok at nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya. "Hindi ko pa rin talaga magets kung bakit Lingling ang ipinangalan mo sa kaniya eh parang pampusa ang pangalan na 'yon," nagtatakang sabi ni Ida. "Para unique," katwiran ko. "'Di ba, Lingling?" Nag-angat naman ito sandali ng tingin, ngunit mabilis ding ibinalik ang tingin sa pagkain. "Kung iuwi mo na kaya si Lingling sa inyo?" suwestyon ni Ida. "Hindi puwede." Iling ko. "Allergy si mommy sa aso, 'di ba?" "Eh, hindi naman umuuwi sina Tita't Tito—" Hindi na niya itinuloy pa ang kanyang sasabihin nang maisip na hindi na niya dapat pa sinabi 'yon. Ngitian ko na lang ang kaibigan. "'Yon na nga eh. Minsan na nga lang sila umuuwi tapos baka ma-allergy pa si mommy. Baka mas lalo pa silang hindi umuwi," sabi ko. "'Di bale! Maghahanap ako ng puwedeng kumupkop sa kanya." "Goodluck nalang sa plano mong 'yan," sabi niya na lang at hindi na ako sumagot pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD