"What did you do, Adrian?" ika ni Allen nang makita siya. Pasugod na kinuwelyuhan siya nito. Natumba pa ang inuupuan dahil sa pagmamadaling makalapit sa kanya. Nasa rooftop sila ngayon at doon siya agad nagtungo pagkatapos makapagmuni-muni. Tambayan nilang mga lalaki kapag gustong mag-chill sa kani-kanilang mga problema. "Hey, Hey! Tumigil nga kayo. Ngayon lang ulit tayo nagkita-kita eh..." pigil sa kanila ni Arnel ngunit hindi nagpatinag si Allen na mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa damit niya. "Wala akong ginawang masama!" madilim ang mukhang ika niya at tinapik ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kuwelyo. "Bullshit! Huwag mo akong pinagloloko!" Padarag siyang binitiwan ni Allen saka ito tumalikod. Akala niya ay lalayo na ito sa kanya ngunit muling bumalik ito sabay ng pagdapo n

