"Let's go," yaya sa kanya ni Allen at muling iginiya papunta sa loob ng gusali. Lalo pa siyang nitong niyakap at ginawang pananggalang ang sariling katawan para maprotekahan siyang mabuti. Ipinapakita nito ang pagpapahalaga sa kanya. Yumuko si Lalaine para hindi makasalubong ang nanghuhusgang tingin ng mga naroon. Kinain siya bigla ng takot dahil sa nakikita sa mga mata ng mga ito. Hanggang ngayon ay minamaliit pa rin siya ng mga matang nakatitig sa kanya. Kailanman ay hindi siya ituturing na gaya ng kanyang ama. O ng lalaking kasama ngayon ni Attorney. "Heads up, Lalaine..." bulong ni Allen sa kanya nang mapansin siyang tuliro. Ang mainit na buga ng hininga nito ay dumapo sa kanyang kaliwang pisngi. Nang lumingon siya rito ay gahibla na lamang ang lapit ng kanilang mga mukha. Mabilis

