Hinatid ako ni Boss Sungit hanggang sa labas ng bahay ni Lolo Miguel. Hindi na siyang nag-abalang pumasok pa dahil alam namin na kahit hindi sabihin ni Lolo ay may galit pa rin siya kay Boss Sungit. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko agad si Lolo at si Juan na naka-upo sa sofa, sabay silang napatingin sa akin, agad naman na tumayo si Lolo at lumapit sa akin, si Juan naman ay nasa likod lang ni Lolo. "Saan ka ba galing na bata ka?" Tanong ni Lolo sa akin, saglit akong sumulyap kay Juan. "Kay Bo-- kay Hugh po," sabi ko. Napakunot noo naman si Lolo. "Sa Vergara na iyon?" Tanong ni Lolo tumango naman ako ng dahan-dahan. "Hindi ka pa ba nadadala, Vanessa? Iyang pamilya niya ang dahilan sa nangyayaring naganap noon at ngayon. Paano kung may plano pala ang Vergara na iyon na magh

