Chapter 2

1154 Words
Kinabukasan tinawagan ko agad ang number na binigay sa akin ni Hugh, trabaho 'yon kaya 'di ko palalampasin. Sinabihan naman ako na pumunta raw roon sa kanila binigay naman sa akin ang address, kaya naman inasikaso ko agad ang kambal, iniwan ko muna sila kila Aling Nina at ako naman ay pupuntahan ang address na binigay sa akin. Nang makarating ako roon ay napanganga ako dahil isang mataas na building 'yon. Pumasok naman ako roon at nagtanong, sabi punta raw ako sa thirty-two floor kaya naman sumakay ako ng elevator at pinindot ang thirty-two floor habang nasa elevator ako ay kinakabahan na masaya ako. Sino kaya magiging boss ko? Sana permanente na itong trabaho ko, mahirap kasi ang paraket-raket lang kaya sana ito na talaga. Nang makarating na ako sa thirty-two floor ay bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng elevator nakangiti naman ako habang naglalakad, nagtanong ulit ako sa isang staff. "Kuya? Kuya alam mo po ba kung nasaan si Hugh?" Tanong ko. "Sino pong Hugh?" Tanong sa akin. Patay 'di ko nga pala alam ang apilyedo niya. Magsasalita na sana ako ng may magsalita sa likod ko "Ako hinahanap niya," sabi ng boses lalaking nasa likod ko, pagharap ko naman ay nakangiti ako sa kanya siya nga si Hugh. "Kuya Hugh," sabi ko habang nakatingin sa kanya kinunutan niya lang naman ako ng noo at hinila paalis doon at pinasok niya ako sa isang dressing room. Sosyal may dressing room artista lang ang peg! "Kuya Hugh! Buti na lang nakita kita agad," sabi ko habang masayang nakatingin sa kanya, umupo naman siya sa harap ng salamin at tumingin sa akin mula sa salamin. "'Wag mo akong tawaging kuya." Masungit na sabi nito inirapan ko naman siya. "Bakit naman?" Tanong ko habang nasa likod niya at nakatingin din sa kanya sa salamin. "Tsk! Nagmumukhang matanda ako," sabi niya. "Arte mo, paggalang kaya 'yon!" sabi ko. 'Di niya naman ako sinagot. "Oo ng pala, ano trabaho ko? Sigurado kang legal 'to ha, kapag ako pinagbinta mo nga drugs 'di ako papayag, mamaya ipapatay pa ako kawawa naman ang kambal kong kapatid, ako na lang inaasahan nila, kaya ngayon pa lang kung gagawin mo ang krimi---" "Can you shut up! Mukha ba akong drug lord para maglabas ng druga!" Inis na sabi niya tiningnan ko naman siya. "Oo nga, 'di ka mukhang drug lord, ang gwapo mo, ang kinis ng mukha mo para kang artista, pero 'di ba mayayaman 'yong mga drug lord at kaya nilang bilhin lahat ng gusto nila kaya nila magpakinis ng mukha at magkunwari na marangyang ta--" "Shut up, sabi ng 'di ako drug lord, e!" Inis na inis na sabi niya ang sungit naman nito. "Okay!" sabi ko. "Pero ano nga ba trabaho ko kinakabahan talaga ako baka kasi you know, kung 'di ka drug lord baka naghahakot ka ng babae tapos ibebenta mo," kinakabahan kong sabi. Bigla naman dumilim ang mukha niya at nanlilisik na matang nakatingin sa akin. "Seriously? Hindi mo ba talaga ako kilala at kung anu-ano pinag-iisip mo tungkol sa akin?!" Inis na sigaw niya sa akin, nagulat naman ako sa kanya. "Hindi e, kung kilala ba kita tingin mo ba magduda ako?" Mataray na tanong ko. Aba, anong akala niya, siya lang marunong magsungit, well, well, well kaya ko rin 'no, ako yata si Vannie ang raketera, at may ibubuga din ako sa pag-arte. Bakit 'di ko naisip na mag-artista na lang, 'no? 'Di bale next time mag au-audition ako sa PBB, kaso kawawa 'yong kambal baka walang kainin kaya okay na lang ako sa pagraket! "Hindi ka ba nanonood ng tv?" Inis na tanong niya umiling naman ako. "Nakikinig ng radio?" "TV nga 'di ako makapanood makinig pa kaya ng radio, I'm a very busy person you know!" Sabi ko, wait tama ba ang grammar ko? Ay 'di bale bahala na siyang mag-intindi niyan! Bigla niya naman kong tiningnan ng masama. "Hindi ka nagbabasa ng dyaryo?" Tanong niya. "Manood ng tv at makinig ng radio nga 'di ko magawa, magbasa pa kaya!" sabi ko bigla naman siyang napasabunot sa sarili niyang buhok at inis na tumingin sa akin. "Hindi mo ba nakikita ako sa mga billboard?" Tanong niya na inis na inis sa akin. "Kapag nasa jeep ako 'di ako tumitingin sa labas umiidlip ako kasi pagod ako, in short 'di ko talaga alam," sabi ko. Nakita ko na namumula na siya maputi kasi siya kaya halatang mapula siya. E? Nagbublush? Bakit kaya? 'Di kaya may gusto sa akin 'yan ? Si Kuya Sungit may pagsinta sa akin! "Social media, wala ka ba?" Tanong niya. "Mayroon akong f******k pero pitong taon ko ng 'di nabubuksan 'yon, nakalimutan ko na nga password at email ko, in short talaga 'di kita kilala, bakit pa parang big deal sa'yo 'yon?" Tanong ko. Oo nga, bakit ba big deal sa kanya 'yon? "Hindi mo ba talaga ako kilala, seriously?!" Sigaw niya sa akin na parang galit na galit. "Magtatanong ba ako kung kilala kita!" Sigaw ko rin, aba 'di lang siya ang may karapatang sumigaw kaya ko rin 'yon, 'no! "Sorry nadala lang ikaw kasi sigaw ng sigaw e," sabi ko tinitingan niya naman ako ng masama, 'yong para bang gusto niya na akong patayin, parang galit na galit sa akin. Hala? Wala naman akong ginagawa a, kasalanan ba na 'di ko siya kilala? Bumuntong hininga siya at tumalikod sa akin. "Okay, alam kong wala talaga pag-asa na makilala mo ako kaya naman magpapakilala ako, this is bullshit! Ngayon lang ako nakakita ng isang taong 'di nakakilala sa akin!" Sabi niya pero mahina na 'yong last part, pero dahil lagi akong naglilinis ng tainga na rinig ko sinabi niya. Bakit ba parang big deal talaga sa kanya! "'Di ba sabi mo sa akin kagabi ikaw si Hugh as in H-u-g-h, 'di ba? 'Di ba?" Tanong ko. "Oo, pero 'di ako kilala bilang Hugh sa mundo ng showbiz," sabi niya. Showbiz? Artista ang peg ganoon? "Nathan Hugh Vergara, o mas kilalang Nathan Vergara, sikat, mayaman, gwapo at isang rocker!" sabi niya habang pinagdidiinan ang salitang sikat. Aba, malay ko ba? Pero teka sikat talaga siya? Artista? "Ano trabaho ko?" Tanong ko. "P.A kita simula ngayon dapat tuwing kailangan kita nandiyan ka lagi, fifty thousand per month sweldo mo at tuwing katapusan ang sahod mo," sabi niya. Tuwing kailangan, ano 'to gagawin niya ba akong se-- "Kapag may kailangan, I mean halimbawa may utos o whatever!" Sabi niya, aalis na sana siya at lalabas na ng pintuan ng pigilan ko siya. "Pwede magbale kailangan ko lang kahit twenty-five thousand lang?" Tanong ko, tumingin naman siya sa 'kin. "Hindi! Magtrabaho ka muna, bullshit!" sabi niya sabay sara ng malakas sa pintuan. "Sungit!" Sigaw ko. Ang sungit naman ng boss ko pero 'di bale may fifty thousand ako kada katapusan. Hello, fifty thousand come to Mama Vannie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD