Mabilis na itinakbo sa hospital si Boss Sungit habang nasa ambulansya kami ay umiiyak ako habang hawak-hawak ko ang kamay ni Boss Sungit na biglang nawalan ng malay kanina lang. Ang nanay naman ni Boss Sungit ay nahuli na may tama rin ito ng baril pero hindi naman malala. Nang makarating na sa hospital ay agad na tinakbo si Boss Sungit sa emergency room, si Juan naman ay inasikaso na rin ang tama niya sa may balikat niya. Habang nasa emergency room si Boss Sungit ay pinuntahan ko muna si Juan kung saan kasalukuyan siyang ginagamot. Nang makita niya ako ay agad naman siyang ngumiti sa akin, nginitian ko rin naman siya. "Kamusta si Nathan?" Tanong niya sa akin ng makalapit ako sa kanya, umalis na rin ang nurse na naggagamot sa tama niya dahil tapos na rin gamutin 'yon. "Nasa E.R pa," s

