Hindi mapakali si Bella. Isang taon ang hinintay niya para rito. At hindi kailangang umatras pa. Nang malaman niya ang mga kababalaghang nangyayari sa mga kaklase, nag-research siya ukol dito. At nalaman niya nga ang tungkol sa mahiwagang dayo na nagtutupad nang hiling. Nakakuha siya nang impormasyon kay Shelley. Dinala niya ito sa psychiatrist at kunwari ay magpapatingin siya. Pero, ipinahipnotismo niya ito at dito niya nalaman ang lahat. At ngayon, ang araw na tutuparin naman nang mahiwagang dayo ang kaniyang nais. Pagkalipas ng isang taon, makakahiling na rin siya sa wakas gaya ng mga kaklase. Nang ganap na masilayan ang falls na kinaroroonan ni Shanaya, mabilis siyang nag-indian sit sa harap nito. Inilapag niya sa tabi ang flashlight na nanatiling nakabukas para magbigay sa kaniya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


