Nang maging mahiwagang dayo si Shanaya ay hindi niya ito ginusto simula pa lang ng isalin sa kaniya ng kaniyang ina. Hindi man sila tumatanda at namamatay, pagkarating nila ng isandaang taon ay kailangan nang isalin sa anak na babae ang pagiging mahiwagang dayo. Kaya kahit hindi niya gusto, kailangan niya pa ring tanggapin. Lalong nainis si Shanaya sa kapalaran nang umibig siya sa taga-lupa. May mga lalaking dayo rin naman subalit wala siyang napupusuan. Tanging si Roberto lang ang kaniyang nais. Nang masilayan niya ito ay ninais niyang maging tao. Subalit, natakot ito nang magpakilala siya. Hindi rin naman puwedeng hilingin niya iyon sa sariling maging tao, dahil bawal iyon sa batas nila. Kamatayan ang sinumang gagamit nang mahika sa pansariling kasiyahan. Puwedeng hilingin ng taga-lup

