DAYO 17

1160 Words

"Totoo nga. Hi! Napakaganda mo," nakangiting sabi ni Karl kay Shanaya. Ikiniling ni Shanaya sa kaliwa ang ulo. Tinitigan ang nababatubalaning si Karl. "Hindi kayo mag-aaksaya ng panahong pumunta rito para lang bolahin ako. Gusto ninyo na bang mag-umpisa o mag-uutuan na lang tayo?" Naniningkit ang mga matang nagpalipat-lipat siya nang tingin sa dalawa. "Ha? Naku hindi, ano... ‘yan ang alay ko… namin pala." Itinuro nito ang nakalutang na dalawang cellpone. "Ano? ‘Yan na naman? Hindi ako tumatanggap ng ganiyan." At ibabagsak na sana niya ang mga ito sa bato nang pigilan iyon ni Shelley. "Huwag! Naka-picture diyan kung sino 'yong alay namin. Tingnan mo," natatarantang sabi ni Shelley. Ikinumpas naman ni Shanaya ang kamay at sa isang iglap lang, nasa harapan na niya ang dalawang cellphone

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD