CHAPTER 2

1626 Words
“Natahimik ka? Naalala mo siya ano? Ayan at may proof na sa mga luhang tumutulo ngayon sayo.” Anito nito na pinahiram ako ng panyo ng iabot niya sa akin at kunin ko naman. Napahigit ako ng malalalim na hininga habang nakatanaw sa bintana. “Sa totoo lang mahirap talagang kalimutan Lara. Masyadong masasakit lahat para sa akin. Para makalimutan ko nalang ng ganon kadali. Hindi madali at sobrang nahihirapan pa rin ako na makalimutan siya. Alam mo kung gaano ko siya minahal nuon at magpahanggang ngayon masakit at mabigat ng dahil sa mahal na mahal ko pa rin siya at hindi ko magawang hindi asamin ang muli niyang pagbabalik.” Sinabi mo kay Lara habang tinatanaw ang malaasul na ulap sa labas. Kahit anong pagsisinungaling ko pala! Hindi mabubura ang lahat ng mga hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko na magagawa niya pa rin akong balikan. Tulad ng kanyang ipinangako bago pa man siya umalis nuon. Lahat yon nakatatak at pinagkatandaan ko na isang araw mababalikan pa rin niya ako sa kabila ng pagkawala ng sanggol na dinadala ko. Mahal na mahal ko si Marco at kahit kelan hindi siya nawala rito. Sa puso ko na hanggang ngayon siya pa rin ang laman at sinisigaw. Na hanggang ngayon kumakapit sa mga pangako na hindi ko alam kung may katotohanan pa ba? Mga pangako na siyang sinabi niya na maaari kong panghawakan sa oras na umalis siya hanggang makabalik at maayos niya ang problema sa kanyang pamilya. Mga pangako na hanggang ngayon wala pa akong nakikita na may resulta o may mangyayari pa ba gayon na hindi pa rin siya nakababalik mula ng magawa niya akong iwan at umalis. Subalit isang kasinungalingan lang ang madalas kong sabihin na galit ako sa kanya at siya ang sinisisi ko sa pagkawala ng anak naming dalawa. May kapabayaan rin ako kung bakit nangyari yon. Isang bagay na narealize ko habang lumipas ang nagdaang panahon na malayo kami ni Marco sa isa’t-isa. “So, mali pala yung sinasabi mo madalas na galit ka sa kanya?” Tumango ako. “Mahal mo talaga siya?” Tumango ako. “Kung babalikan ka niya matatanggap mo ba?” duon napansin niyang napaisip ako. “Bakit? Bakit tila napapaisip ka na? Akala ko ba na mahal na mahal mo pa rin siya? Ang sabi mo umaasa ka pa rin sa pagbabalik niya?” aniya ulit ni Lara. “Pero kasi di ba ang balita nagpakasal na siya sa ibang bansa at may sarili ng pamilya?” Sabi ko sa kanya na naitanong ko rin ng dahil sa siya rin ang nagbalita nuon sa akin ng malaman niya sa kapatid na kaibigan ng kapatid sa ama ni Marco. “Papaano kung gawa gawa lang pala lahat ng yon para sirain lang si Marco? Minsan naisip ko na may higit na dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakabalik ng dahil ba sa utos pa rin ng ama niya o baka may higit na pinaghahandaan lang ito para sa pagbabalik niya rito may maayos na siyang buhay na maipagmamalaki sa pamilya niya na kahit kelan naman di siya itinuring na pamilya. Alam mo naman yan di ba?” Napaisip rin ako na baka tama rin si Lara ng dahil isa iyon sa mga binitiwan na salita ni Marco ng huli kaming magkausap at magkita. Pero minsan ang alalahanin yon kung bakit may bahagyang kirot at ang galit rito di ko rin maalis sa puso ko. Nagagalit pa rin ako kay Marco. Pero siya ang tinitibok pa rin ng puso ko at mahal na mahal ko pa rin siya tulad ng dati. Minsan naiisip ko na paghigantihan siya pero minsan naiisip ko na bakit di ko siya patawarin nalang. Subalit ang malaman na ipinagpalit na niya ako at bumuo na siya ng sarili niyang pamilya habang ako nag-aantay rito sa pagbabalik niya, sa mga pangako niya na babalik siya. Galit at panibugho ang nararamdaman ko sa kanya. Sa tuwing naiisip ko ang lahat ang balita na may iba na siya at ang sinabi nila na nagawa na ako ipagpalit ni Marco sa kabila ng pangako nito. Masakit! Sobrang nasasaktan ako sa bagay na yon sa tuwing iisipin ko. “Papaano kung nagbalik na siya at magkita kayo?” Tanong muli ni Lara. “Hindi ko alam!” Seryoso na sagot ko at naiiyak na naman ako. “Alam mo ang labo mo friend! Kasing labo ka pa ng maputik na tubig na maraming kalawang ng dahil sa tingin ko makalawang na yang utak mo ng naguguluhan ka pa sa sinasabi ng puso mo. Bakit di mo linisin ng sa gayon malaman mo ang sagot. O baka malalaman lang natin ang sagot oras na magkita na ulit kayo ni Marco.” Hindi na ako nakasagot pa ng hindi ko na rin alam. Napupuno ako ng galit sa tuwing maaalala ko ang mga nakaraan. Subalit sa tuwing naiisip ko ang mga pangarap at pangako ni Marco bago siya umalis at nang mag-umpisa kami. Lahat yon sumasakop sa galit na nararamdaman ko na siyang bumabago rito. Pero ewan ko nga! Papaano nga kaya kung magkita na kami ni Marco. Papaano nga kaya kung isang araw muli na maglandas ang mga sarili naming dalawa. Ano kaya ang mararamdaman ko sa oras na yon? Magagawa ko bang magalit o mas mananaig ang pagmamahal ko sa kanya? “Hindi ba minsan nabanggit mo na nais mong makaganti sa pang-iiwan niya sayo? Pero ang sabi mo ngayon na umasa ka rin sa pagbabalik nito na tulad ng ipinangako niya sayo. Naguguluhan rin ako. Pero papaano kaya kung subukin mo ang sarili mo oras na magkita kayong dalawa? Bakit di mo subukan kung talaga bang pagmamahal o galit yang nararamdaman ng puso mo? Hindi ba parang maganda? Total yon rin naman talaga ang unang plano na nasabi mo nuon. Para malaman natin kung ano bang mangingibabaw ang pagmamahal o ang pagganti na matagal mo ng nais sa kanya?” Binigyan pa ako ni Lara ng isang idea at pagsubok sa tunay na nararamdaman ko para sa kung sakali na pagdating ni Marco mabigyan ko ng kasagutan ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Naguguluhan na rin nga ako lalo at nalilito ng lalo ng narinig ko na may sarili na itong pamilya. Muling nabuhay ang galit sa puso ko at muli rin na nasasaktan ang damdamin ko sa mga nalaman ko tungkol sa kanya. “Ganito nalang!” Sabi ni Lara. “Subukan nalang natin ang sarili mo pagmagkita na kayo ni Marco.” Sinabi pang muli ni Lara na hindi ko rin maintindihan. Anong pagmagkita muli? Nakakingiti si Lara habang binabasa ang naiisip ko. “Ma’am excuse me po!” Sabi ng isang staff na bigla nalang kumatok at binuksan ang pinto. “Why?” tanong ko. “Ma’am naririto na po yung bagong hired natin na architect. Magrereport na po.” Sagot nito na napatingin ako kay Lara. “I’m sorry Amanda. Nalimutan kong sabihin sayo na ako na ang siyang humarap sa kanya ng dahil ang sabi mo nung nakaraan na nagkaroon ng emergency sa bahay niyo about sa babaeng sumugod natatandaan mo? Hindi ba at may approved mo naman? Saka ininform kita di mo ba natatandaan?” aniya ni Lara. Natatandaan ko yon ng may biglang lumusob na babae sa bahay ng dahil kay Kuya Edward. “Yeah! Naalala ko. Okay naman ba yung applicant? How about his background? Do you check?” Aniya ko at tinanong. “Yes! Actually over qualified pa nga po. Pero dahil kailangan siya ng kumpanya at kailangan mo siya. Tinanggap ko na ng para naman maging happy ka na rin.” Nginitian pa ako ng nakakaloko ni Lara. “I can’t understand Lara kung anong ibig mong ipabatid. But make sure na di ito papalpak ng gaya ng mga nauna nating architect. At make sure na di pasasakitin ang ulo ko niyan. Dahil kung hindi…” “Alam ko na huwag mo ng ulit ulitin pa ang pagsasabi na ako ang siyang may kasalanan kung sakali na papalpak yang bagong architect na nahired. But don’t worry paiibigin ka lang naman at hindi pasasakitin ang ulo mo ng dahil sa sobrang gwapo niya maliban sa sobrang talino at over qualified nga gaya ng sinabi ko sayo sa dami ng kanyang experience working abroad at tiyak na malaking advantage pa nga sakali na hayaan mo na siyang magstay here at your company. I make sure na magiging masaya at kahanga-hanga ang pagbabalik niya.” Lara smirked. “Bahala ka! Basta ikaw ang sasagot niyan oras na magkamali ang sinasabi mong over qualified.” Inirapan ko siya habang tawa-tawa. “Okay!” Sagot niya. “Papasukin mo na yung applicant.” Utos na sinabi ni Lara sa staff. “Okay Ma’am.” Sagot nito at isinasarado na muli ang pinto at umalis. Sino kaya ang lalakeng bagong hired na architect at mukhang sobrang saya pa ni Lara habang iniintay namin na makabalik yung staff para tawagin ang sinasabi ni Lara. Over qualified raw ang sabi pa ni Lara! Talagang proud siya sa kanyang hinired na new architect ng dahil sa di maalis ang ngiti sa mukha niya. Tingnan nga natin. Maya-maya may kumatok na ulit. “Pasok” si Lara ang sumigaw habang ako nakayuko at sa pag-angat ng mukha ko at makita ang lalakeng pumasok na nasa likod ng staff. Natigilan ako na parang maging mundo ko tumigil ng mapagsino ang lalakeng ngayon ay nasa harapan ko na. “Hi! Kamusta Amanda?” Si Marco! Naibulalas ng isip ko habang di makapagsalita at makasagot. Tila ba umurong ang dila ko at inis ang unang bumalandra sa akin ng masulyapan ko si Lara na nakangiti at papalit palit ang tingin sa aming dalawa ni Marco.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD