“Pakiulit mo nga sinabi mo,” sambit ni Silvestre nang humarap siya sa akin, sabay haplos sa labi ko. Pero, itinikom ko ang bibig ko. “Kakagatin ko ‘yang labi mo kung ayaw mong ulitin,” maawtoridad pa na sambit niya. “Ayaw ko, dahil narinig mo na. May tainga ka, kaya imposible na hindi mo narinig kung anong sinabi ko,” irap ko, dahilan upang panliitan niya ako ng mata niya. “Sa hindi ko narinig dahil nagkatulili ang tainga ko, kaya ulitin mo ‘yong sinabi mo,” pamimilit niya. “Kanina lang, ang lakas ng pandinig mo. Tapos, ngayon nagkatulili na ‘yang tainga mo. Saka, hindi ko na ‘yon uulitin dahil nasabi ko na,” muling irap ko. “So, ayaw mo talagang ulitin? Gusto mo, hubaran kita rito kung ayaw mong ulitin ang sinabi mo,” pagbabanta niya, dahilan upang irapan ko na naman siya. “Ano, u

