SILVESTRE'S POV “Dahan–dahan ka sa pananalita mo, Silvestre dahil hindi porke nandito ako sa building mo’y puwede mo na ‘kong pagsalitahan ng gan’yan! At ilugar mo ‘yang ugali mo!” gagad ni Romina sa akin. “Ba’t ko naman ilulugar? Saka, tayo lang namang dalawa nakaririnig sa mga pinagsasabi natin. Why? Nahihiya ka bang marinig ng mga empleyado ko kung sino ka?” I said sarcastically. “Ba’t naman ako mahihiya, Silvestre? Wala naman akong pakialam kung ipangalandakan mo na kabit ako sa mga empleyado mo. At saka, kung gagawin mo man ‘yon, sinong nakahihiya sa atin? Baka, sabihin nila, kalalaki mong tao ay nakikipag–away ka sa babae at sa mismong step mom mo pa,” segunda niya sa akin. Umiling ako. “You’re unbelievable, Romina. Kapal talaga ng apog mo.” “Ngayon mo lang ba alam? Tsaka, l

