Chapter 36 (Part 2)

1373 Words
Hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi ko habang nilalagyan ng tubig ang couple mugs namin ni Peter. Sino ba namang hindi kikiligin kung ‘yung bagay na hindi mo pa hinihingi ay kusa nang ibinigay sa ‘yo ng taong mahal mo? Akala ko sa aming dalawa ay ako pa ang bibili ng mga cheesy na bagay kaya nasurpresa talaga ako nang makita ang laman ng supot. Lalo akong napangiti nang mapatingin sa kamay ko, sa singsing na kumikinang sa mga mata ko ngayon. Kahit kanina lang nangyari ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na kami ni Peter. Habang pinagmamasdan ang singsing na pinaghirapan niyang hanapin, parang nabura sa isip ko lahat ng naipong pag-aalinlangan. Gusto naman pala niya akong pakasalan, sadyang overthinker at adelantada Iang ako. Everything about Elle is already in the past. Ito ang dapat kong itatak sa isip ko kahit ano pa ang malaman ko tungkol sa kanila ni Peter. Sandaling huminto ang t***k ng puso ko nang sumulpot si Peter sa likuran ko. Paglingon ko’y biglang bumagal ang oras nang abutin niya sa lamesa ang "Mrs." na mug at walang paalam na ininuman. “‘Yan ‘yung sa ‘kin!” sita ko pero hindi siya nagpatinag. Kita ko ang pagsilip ng ngiti sa labi niya. At mukhang hindi pa nakuntento, inihawak ni Peter ang isang kamay sa lamesa at marahan akong sinandalan mula sa likod. Para siyang nakayakap sa ‘kin; ramdam ko ang init ng kanyang katawan. “Akin nga,” bulong niya, may kumpyansa sa boses. Dito pa lang ay tila may nagwawala na sa puso ko. Napapikit ako nang marahang dumampi ang labi niya sa leeg ko. Just like that, he made my heart skip—and race—all over again. Napahagikgik ako nang maiwang mag-isa sa kusina. Kinuha ko ang mug na may nakalagay na “Mr.” at ito ang ininuman ko. Mukhang palit pala kami ng mug kaya mas kinilig ako sa ibig sabihin nito – sa kanya ako, at akin siya. Napagkasunduan namin ni Peter na papasok siya ngayong araw, samantalang maiiwan naman ako rito sa kubo. Pumayag naman ako dahil plano ko siyang sprpresahin. Gusto ko siyang ipaghanda ng masarap na hapunan mamaya dahil espesyal ang araw na ito para sa amin. Dinala ko na ang mga baso namin sa lababo at sinimulang hugasan nang marinig ko ang ringtone ng phone ko. Napatingin ako sa kwarto na pinanggagalingan ng tunog at naisip na nandun si Peter. “Padala naman ng phone,” tawag ko. Natapos na ako sa paghuhugas at lalapitan ko na sana si Peter nang saktong lumabas siya ng kwarto. Nagkaharap kami sandali bago siya nag-iwas ng tingin. May nagbago sa ekspresyon ng mukha niya, parang may gumugulo sa isip. Paglapit ni Peter ay inabot niya ang phone ko. Kinuha ko naman ito pero dahil tapos nang mag-ring, hindi ko inalis ang tingin sa kanya. “Okay ka lang? Pwede naman akong pumasok,” sabi ko dahil baka ayaw lang niya akong iwan. Bigla kasi siyang sumeryoso. Imbes na sumagot ay kinuha niya ang kanyang sapatos sa lagayan. Napatingin na ako sa phone ko, at pagbukas nito, bumungad agad ang text message ni Kyle. Mahal pa rin kita Umikot ang tiyan ko—nakalimutan ko na ang tungkol dito. Dinalaw ako ng kaba dahil baka nabasa ito ni Peter nang matapos ang tawag. Naalala ko ‘yung naging komento niya kagabi tungkol sa emosyon ko. Baka akala niya dahil sa text ni Kyle kaya ako na-trigger makipag-away. Nag-angat ako ng tingin kay Peter, magpapaliwanag sana, pero biglang nag-ring ulit ang phone ko. Numero pa lang, alam ko na kung sino, kaya agad ko itong pinatay. “Sama na kaya ako sa ‘yo,” alok ko, umaasang makakapag-usap kami. “Magpahinga ka—” Nahinto siya nang muling nag-ring ang phone. It was very subtle, but I saw his brows furrow. Pinatay ko ulit ang tawag, pero hindi na niya tinapos ang sasabihin at nagpatuloy na magsuot ng sapatos. Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga kaya dumoble ang kaba ko. Huminga ako nang malalim. Hindi ko maintindihan kung bakit tawag nang tawag si Kyle. Alam naman niyang tapos na kami. Nagkaroon na kami ni Peter ng hindi pagkakaunawaan kagabi at ayaw kong maulit na naman ito dahil sa maliit na bagay. Lalo pa ngayon kung kailan balak namin magpakasal. Tahimik na lumabas ng kubo si Peter kaya mabilis ko siyang sinundan. Ayon lang ay natigilan ako pagtayo sa nakabukas na pinto nang tumunog na naman ang phone ko. Napasapo ako sa noo sa sobrang stress. Gusto ko nang ibato ang phone ko nang harapin ako ni Peter. “Sagutin mo,” mariin niyang saad, halata sa tonong ‘di nagbibiro. Binukas-sara ko ang mga mata ko, naguluhan sa gusto niyang mangyari, “Bakit pa? Hindi na kailangan…” pagtanggi ko, dahil ni hindi ko rin alam kung ano pa ang sasabihin sa ex ko. Pero ramdam ko ang bigat ng titig ni Peter. Halos magkalebel lang kami ng taas dahil nakatayo siya sa labas ng kubo. Siguro, gusto niyang tuldukan ko na ang nakaraan – dito mismo, sa harap niya. Kaya kahit hindi ko gustong makipag-usap kay Kyle, sinagot ko ang tawag at ni-loud speaker ito para sa kanya. “Babe, pasensya na kung nakakaabala ako… but I just had to try—” Nabitawan ko ang phone ko nang bigla akong hinila at sinunggaban ni Peter ng halik. Napapikit ako nang mariin; halos hindi ko mahabol ang bilis at lalim ng halik niya. Sa sobrang pusok nito’y parang sinasabing akin ka lang, dito ka lang. “We’ve been together for many years. At alam kong ayaw mo ring masayang lahat ng ‘yon.” Naririnig pa rin namin si Kyle sa kabilang linya ngunit wala akong naintindihan. Parang naging alon na lang ang boses niya, tila malayong ingay sa paligid. “Peter—” Napasinghap ako sa pagkagat niya sa ibabang labi ko at tuluyang pagsakop sa bibig ko. "Kaya baka pwede pa nating subukan. Magsimula tayo ulit. Kaya kong kalimutan lahat ng mga nangyari basta bumalik ka lang sa 'kin—hello? Nandyan ka ba, babe?" Hindi ko na napansin kung paano kami nakapasok sa loob ng kubo. Ang alam ko lang, hawak na ako ni Peter, at napakapit ako sa kanya nang buhatin niya ako – nakapulupot ang mga braso at binti na parang koala. "Baka maiwan ka," mahinang paalala ko tungkol sa trabaho pero hindi siya sumagot. Hindi na niya ako hinayaan pang magsalita nang sakupin niyang muli ang labi ko, mas malalim, mas mariin. Dinala niya ako papunta sa kwarto, at ilang sandali lang ay inihiga na sa kama. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko; naglakbay ang mga kamay niya sa katawan ko, at para akong inaapoy ng lagnat sa bawat maraanan ng mga ito. Nang humiwalay siya at tumingin sa mga mata ko, pareho kaming hinihingal. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko bago pinagdikit ang mga noo namin. Parang pareho kaming nawalan ng lakas. Alam ko kung bakit siya ganito. May bahagi sa puso kong masaya dahil ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa kanya, pero may halo ring kaba—ayokong isipin niyang mawawala ako sa kanya. “I’m sorry… I was…” Jealous. Hindi niya maituloy ang gustong sabihin pero naunawaan ko ito. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapat sa ibabaw ng dibdib ko, “Peter, you have my heart—always. I am yours, and I’ll always be yours.” Pinakita ko pa ang singsing na bigay niya. “O, kita mo? Hindi na ‘to matanggal. Kaya walang bawian," biro ko, ngiting-ngiti habang nakatingin sa kanya. Napayuko siya, dinig ko ang mahina niyang pagtawa. Pag-angat ng tingin ay dito niya hinalikan nang banayad ang likod ng palad ko. Naging maingat siya sa pagdapo ng kanyang halik sa braso at balikat ko hanggang sa muling nagtagpo ang mga labi namin. Nariyan pa rin ang mabilis na t***k ng puso ko pero mas kalmado na ito at mas sigurado kumpara kanina. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg at muli siyang tinanggap nang buo. Pasensya na, Mang Ambo. Mukhang wala na namang makakapasok sa ‘min sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD