Almost 6 months after papa’s death, I found myself relearning how to live—in a city I never imagined calling home, waking up every day pretending I wasn’t still grieving. For him. For what I lost. For the life I almost had. *** Nagising na naman akong umiiyak sa gitna ng gabi. At imbes na bumalik sa pagtulog, maingat akong bumaba mula sa itaas ng double-deck. Agad kong napansing wala na namang tao sa ilalim nito. Mukhang naka-night shift ulit si Belle, isa sa tatlong housemates ko. Apat kaming naghahati-hati sa studio apartment na inuupahan ko ngayon dito sa Maynila. Lahat sila ay may trabaho, ako lang ang unemployed pa rin. Nagpunta ako sa balkonahe—ang pinakadahilan ng pagpili ko sa apartment na ito bukod pa sa murang upa. Maingat kong binuksan at sinarado ang sliding door para hin

