“…as someone who cares about you,” tuloy ni Peter. “Gusto kong malaman mo na nakikita ko—ni Annika, pati ni Nikolai—kung gaano mo talaga binibigay ang best mo sa trabaho.” “Talagang dinamay mo pa sila,” medyo pabiro kong saad. Kahit ang totoo’y dito lang ako nakahinga. Hindi pa rin ako sanay makatanggap ng compliment. Hindi ako sanay na may naniniwala sa ‘kin kasi ako nga mismo… puno ng pagdududa sa sarili ko. “Malaking tulong ‘yung idea mo last Friday,” dagdag niya. “Thank you,” sagot ko, bahagyang ngumiti. “Na-appreciate ko lahat ng sinabi mo.” “Dapat mas maging proud ka sa sarili mo,” dagdag pa niya. “You’re a fighter. Kahit noon sa isla.” Bumigat ang pakiramdam ko. May kung anong umikot sa sikmura ko sa narinig ko. Lalo na nang magpatuloy siya— “Naalala mo nung sinamahan mo ‘ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


