Chapter 8

3024 Words
Lagot. Napapikit ako ng mariin sabay hinga ng malalim. Ang sabi ni Peter, sa kubo lang ako. Pero naabutan niya ‘ko sa labas. May kaharap pa akong ibang tao at muntik nang makatawag sa magulang ko. Tuloy ay malakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako ng sobra sa maaari niyang sabihin at gawin. Napalunok ako bago dahan-dahang idinilat ang isang mata para sumilip. Matalim pa rin ang tingin ni Peter sa ‘kin! Hinigit ko ang hininga ko sabay patong ng isang kamay sa dibdib, mistulang sinapo ang puso. Tuluyan ko namang binuksan ang dalawang mata ko at nag-aalangang ngumiti kay Peter. Nagawa ko pang itaas ang isang kamay ko sa ere at kumaway. Nag-iisip pa ‘ko ng paraan para malusutan ang pagkakamali kaya gusto kong pagaanin ang sitwasyon. “Pete!” masayang tawag ng matandang kaharap namin. Napatingin naman sa kanya si Peter kaya naputol ang matalim nitong tingin sa ‘kin. Dito lang din ako nakahinga ng maayos kahit papaano. Malay ko bang uuwi siya ng may liwanag pa. Ang sabi niya kasi, gabi pa ang balik niya. Siguro sinadya niya ito para mahuli ako. Pansin ko ang paglambot ng ekspresyon ng mukha ni Peter pagharap sa matanda. Agad naman nagliwanag ang mukha nito. Pakiramdam ko malalim ang relasyon nila. Pero hindi naman sila magkamukha para maging magkamag-anak. Ibinalik ni Peter ang cellphone nung matanda. “Ah Aling Dolores, ito po,” sabi pa niya. At dito naman ako nakaisip ng magandang ideya dahil na rin sa engkwentrong ito. “Pasensya na sa—” “Tart!” tawag ko kay Peter na pumutol sa kanya. Dahan-dahan siyang napalingon sa ‘kin, hindi sigurado kung siya ang tinawag ko. “Na-miss mo naman ako kaagad! Akala ko ba mamayang gabi pa ang uwi mo?” malambing kong tanong sabay kapit sa braso niya. Naramdaman ko ang pagdepina ng muscles niya rito pero hindi ko hinayaang makaapekto ito sa ‘kin. Nanlaki ang mga mata ni Peter nang magkatinginan kami, halatang nagulat sa mga sinabi at ginawa ko. At nang mapansin ko ang mapag-obserbang mga mata ni Aling Dolores sa gilid ng mata ko, hinampas ko sa braso si Peter sabay tawa ng mahina. “Okay lang, Tart! Na-miss din naman kita.” Kumindat ako sa kanya para sakyan niya ang pag-arte ko. Pero mukhang mas mabagal pa siya sa pagong makaramdam. “Ay naku, Pete! Bakit naman iniiwan mong mag-isa si Bra? Bagong kasal pa naman kayo,” komento tuloy ni Aling Dolores na nagpaubo kay Peter. Tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon. Ngumuso pa ako sa kanilang dalawa, ibinaba ang magkabilang dulo ng labi, para magpaawa. At nakita kong akmang magsasalita pa sana si Peter kaya inihilig ko ang ulo ko sa kanyang balikat. Nilingkis ko siyang parang ahas at nanigas naman siya sa kinatatayuan niya. “Kaya nga po, Aling Dolores. Pero ayos lang, nangako naman siya kanina sa ‘kin,” tumikhim ako bago nagpatuloy. “Hindi raw niya ‘ko papalakarin pag-uwi niya,” nanunuksong bulong ko sabay taas-baba ng kilay. Tumikhim naman si Aling Dolores, mas mabilis pang nakuha ang ibig kong sabihin kaysa kay Peter. Napatakip siya ng bibig at nakita kong namula ang pisngi. “Nakakaabala na yata ako sa honeymoon niyo. Ala e, sige na. Babalik na ‘ko. Sasabihan ko ang iba na ‘wag kayong istorbohin ditong mag-asawa,” nahihiyang saad ni Aling Dolores bago kami talikuran. Sa sinabi niya’y napagtanto kong may ibang tao pa talaga sa islang ito. Sadyang nakahiwalay lang kami sa kanila. Kaya naamn kng gugustuhin kong humingi ng saklolo ay posible. Nanatili kami sa posisyon namin habang pinapanuod ang paglayo ni Aling Dolores. At nang masigurado naming malayo na siya, rito ako awtomatikong inihiwalay ni Peter sa kanya. Nagkaharap kaming dalawa at nakita ko ang muling pagdilim ng awra niya. “Anong sinabi mo kay Aling Dolores?” tanong niya. Parang kulog at kidlat na lang ang dating nito. Inamin ko naman sa kanya ang totoo. Kahit halata na ito. “Tinanong niya ‘ko kung kinasal daw ba tayo dahil nakita niya tayong dalawa noong nakasuot ako ng gown. At ang sabi ko, tama siya. We’re a married couple having our honeymoon in this island!” Lalong nanlaki ang mga mata niya. Halatang ‘di makapaniwala sa sinabi ko kay Aling Dolores. Nang umawang pa ang labi niya, napilitan akong idikit ang hintuturo ko sa ibabaw nito. “Hep! Quits na tayo! Tinulungan na kita kay Aling Dolores. Hindi niya nalaman na kinidnap mo ‘ko, thanks to me. Kaya bawal kang magalit sa ‘kin,” pinangunahan ko siya. Hinawi naman niya ang daliri ko. Pero bago pa siya makapagsalita ay tumakbo na ‘ko pabalik sa kubo. Kabadong-kabado ako nang mabilis niya rin akong nasundan sa loob. Hanggang sa makarating kami sa kwarto. Sinarado niya ang pinto sa likod niya at ngayon ay pakiramdam ko na-trap na naman ako. “Hindi ba sabi ko ‘wag kang lalabas?” nakakunot-noong tanong niya, malamig at malalim ang boses. Ngunit imbes na magpakita ng takot ay taas-noo akong sumagot pabalik. “Oo nga. Pero hindi ba kayo naturuan na hindi laging nakikinig ang nakidnap sa kidnapper?” Nagtaas ako ng isang kilay. “Pasalamat ka nga hindi ako tumakas. Ikaw itong hindi marunong mag-lock ng pinto. Tapos ngayon magagalit ka?” humalukipkip ako sabay irap sa kanya. Kunwari’y ako pa itong mas bwisit kaysa sa kanya. “Are you f*cking kidding me?” malutong na mura niya. Kinilabutan ako pero hindi ko pinansin. “Bakit ba ang aga mong umuwi? Sabi mo gabi pa ang balik mo,” reklamo ko. “Bakit? Nanghinayang ka kasi hindi ka nakatawag?” may pait niyang tanong. Naalala kong naabutan niyang nakatapat sa tainga ko ang cellphone ni Aling Dolores. “Medyo?” Lalong nagsalubong ang kilay niya kaya nilinaw ko ito agad. “Syempre sayang! Gusto ko lang naman sabihin sa parents ko na wala silang dapat ipag-alala dahil nasa bakasyon ako. Para naman hindi na nila ‘ko subukan pang hanapin.” Ayaw ko naman kasing bigyan pa ng problema ang mga magulang ko oras na malaman nilang nawawala ako. “Sa tingin mo maloloko mo ‘ko?” “Hello? Common sense naman. Parang makakapagsumbong ako sa kanila. Eh ‘ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Baka nga wala pang signal dito,” depensa ko pa. Para kasing ‘di siya nag-iisip. “Tsaka smart nga pala si papa. Baka walang load pantawag si Aling Dolores sa ibang network.” Inihilamos ni Peter ang dalawang kamay sa mukha. Halatang nauubos na naman ang pasensya sa ‘kin. Medyo kinukutuban na ‘ko ng masama dahil dito. Pinag-iisipan ko tuloy kung dapat na ba ‘kong bumalik sa totoong Wendy at manahimik na lang. “Sa tingin mo ba nasa bakasyon ka?” mariing tanong ni Peter. Ayon lang ay parang kahit anong maging sagot ko rito ay may hindi magandang resulta. “Well… fifty-fifty?” nag-aalangang sagot ko. “Hindi ka ba natatakot sa ‘kin?” “Minsan oo. Minsan hindi. Pero alam kong mabuti kang tao kaya hindi mo ko sasaktan.” Gusto ko sanang mag play safe. Kaya lang ay mali pa rin yata ang ginawa ko. Paano’y bigla niya ‘kong hinawakan sa braso at itinulak pahiga sa kama. Mabilis kumilos si Peter— may kinuha siyang tali sa ilalim ng kama at pagkatapos ay pinantali niya ito sa dalawang kamay ko. “Jusko. Ito na naman tayo,” hindi ko napigilang magkomento, lalo na nang itali niya ang mga kamay kong nakagapos sa headboard ng kamang gawa sa kahoy. Sinubukan kong magpumiglas pero masyadong matibay ang pagkakatali niya sa ‘kin. “So, paano ako iihi at kakain?” Umigting ang panga niya. Imbes na sagutin ako ay inilabas niya ang kanyang cellphone. “Anong gagawin mo?” kabadong tanong ko. Paano’y itinapat niya sa ‘kin ang back camera ng cellphone niya at nasilaw ako sa bigla nitong pag-flash! “Oy! Nakapikit ako!” reklamo ko kahit na may kutob na ‘ko kung para saan niya ito gagamitin. Baka ipadala niya ito sa mga mahal ko sa buhay para lalo pa silang takutin sa sitwasyon ko. Gusto kong gawing biro ang nangyayari pero alam kong kapag nadamay na ang mga mahal ko sa buhay ay ibang usapan na ito. “Para saan ba ‘to? Ano bang mapapala mo sa ‘kin kung hindi naman talaga ako ang kailangan mo?” hindi ko na napigilan pang magtanong. Halos pumiyok ako. Walang imik si Peter pero mukhang hindi siya kuntento sa picture ko. Kaya naman inusod niya ‘yong bedside table, pinosisyon ito sa tapat ng isang bahagi ng kama sa tamang distansya. Pagkatapos ay pinatong niya rito ang kanyang cellphone at inayos hanggang sa masigurado niyang kita at malinaw ako rito. Nakakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang mga ginagawa niya. Dito ko naman napansing imbes na litrato, pinindot niya ‘yong pag-record ng video. Tuloy ay bumilis ang paghinga ko. Dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko. “Jusko. Hindi ako bagay sa p*rn,” naiiyak kong saad nang lumapit na si Peter sa paanan ng kama. Walang kahirap-hirap niyang hinubad ang kanyang t-shirt, at tumambad sa ‘kin ang kanyang abs sa ikatlong pagkakataon. Napalunok ako dahil dito at lalong nagwala ang buong sistema ko nang tumaas siya sa kama at pumaibabaw sa ‘kin. Kaunting distansya na lang ang nasa pagitan ng mukha at katawan namin. Napalunok ako at kinilabutan nang ma-imagine ko ang sarili sa p*rn site. Mukhang pinaparusahan na ‘ko ng pagkakataon dahil sa palihim kong panunuod dito! “Natatakot ka na ba sa ‘kin ngayon?” namamaos na tanong ni Peter, para bang tumatagos ang tingin niya sa mga mata ko. Ramdam ko ang pag-ikot ng tyan ko dahil dito. “Pwede bang blurred na lang ‘yung mukha ko kung ipo-post mo ‘to online? O kung gusto mo ibahin mo na lang ‘yung angle ng camera para hindi ako makilala. Nakakahiya eh,” pakiusap ko pero lalong nadepina ang lukot sa noo niya. “I’m taking this video for Elle,” paglilinaw niya na nagpabilog ng bibig ko. “Gusto kong makita niyang ikaw ang nahihirapan ngayon dahil sa kanya,” may galit ang pagbitaw niya sa bawat salita. Ngunit may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya. Tuloy ay imbes na matakot, iba ang nararamdaman ko para sa kanya. Nanlamig nga lang ang buong katawan ko nang itaas niya ang suot kong t-shirt. Hindi ko inasahan nang maging exposed ang suot kong boxer shorts at bra sa camera. Para akong nakuryente nang maramdaman ko ang paghawak niya sa beywang ko, dumikit pa ang abs niya sa bandang tyan ko at may kung anong nagwala sa loob ko. Nang isiksik niya ang mukha niya sa leeg ko’y kinilabutan ako. Ngunit sa kabila ng halu-halong emosyon, nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ko. “Naaawa ako sa ‘yo,” sagot ko sa tanong ni Peter kanina nang maramdaman ko ang mabigat niyang paghinga sa leeg ko. Tuloy ay nahinto siya sa balak gawin. “Kasi alam kong nasasaktan ka lang kaya mo ‘to ginagawa,” dagdag ko. “Tumahimik ka.” “Bakit? Kasi ayaw mong ma-real talk?” Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagsapo niya sa isang dibdib ko. Sinimulan na rin niyang halikan ang leeg ko kaya napapikit ako ng mariin. “Nasasaktan ka kaya mo ‘to ginagawa. Nasasaktan ka kasi mahal mo ang best friend ko. At hindi mo matanggap na kasal na siya sa iba.” Kahit natatakot talaga ako kay Peter, ayaw ko itong ipaalam sa kanya. Mas gusto kong maramdaman niya ang simpatya ko. Baka makonsensya siya at kusang tumigil. “Kaya sige. Gawin mo kung anong gusto mo. Kung makakatulong ‘yan para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo,” naiiyak kong saad. May luha na namang tumakas sa gilid ng isang mata ko kahit sinusubukan kong pigilan. “Sige lang. Hindi kita lalabanan. Kasi naaawa ako sa ‘yo.” Hindi ako lumaban nang halikan ni Peter ang leeg ko. Pumikit ako ng mariin at pinagdikit ko ang labi ko para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Paano’y ramdam ko ang lambot at init na dala ng kanyang basang labi. Hindi tulad kagabi ay marahan siyang nagsimula hanggang sa naging mapusok. May kung ano itong sensasyong hatid sa ‘kin na alam kong ‘di ko dapat maramdaman. Kaya kinuyom ko ang dalawang palad ko na nakapirmi sa magkabilang gilid ko. Bumaon ang mga kuko ko sa palad nang tumama ang mainit niyang hininga sa leeg ko at pagkatapos ay dinilaan niya ang sensitibong bahagi ng leeg ko. Narinig ko na lang ang impit kong daing kahit anong pigil ko. Kinagat ko na ang ibabang labi ko nang bumaba ang isang kamay ni Peter sa pang-upo ko. At dahil manipis lang ang tela ng boxers niya ay ramdam na ramdam ko ang mahigpit niyang hawak dito. Hindi malaman ng isip ko kung anong iisipin – ang labi niyang umaangkin sa leeg ko o ang kamay niyang kung saan-saan dumadapo. “Ano na lang ang iisipin ng boyfriend mo kapag nakita niya ang video na ‘to?” tanong ni Peter sa ‘kin, sinusubukan pa rin akong takutin. Huminto siya sa paghalik sa leeg ko at ngayon ay naririnig ko ang malalim niyang paghinga. “Sa tingin mo matatanggap ka pa niya pagkatapos ng lahat ng balak kong gawin sa ‘yo? I can f*ck you however I please, whenever I please. Day or night, it's up to me.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napadilat ako. Dito ako bumalik sa reyalidad. Hindi dahil sa pananakot ni Peter sa ‘kin kung hindi dahil naisip ko si Kyle. At ang pitong taong relasyon namin. Akala ko’y wala na akong sakit na mararamdaman tulad ng dati. Pero rito bumuhos ang luha ko dahil parang binibiyak ang puso ko. Narinig ko na lang ang paghikbi ko. At dito napilitan si Peter tingnan ako. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin. Ngunit agad akong nag-iwas ng tingin habang panay pa rin ang pag-agos ng luha ko. Nasa ibabaw ko pa rin si Peter nang subukan kong magsalita. “Tingin ko…h-hinihintay lang niya ‘kong magkamali… para magkaroon siya ng matinding dahilan… para m-makipaghiwalay sa ‘kin,” halos hindi ko mabigkas ang bawat salita dahil sa paghikbi ko. “Kaya may gawin ka o wala sa ‘kin. Hindi na kami maaayos pa.” Hindi ko pa talaga nagagawang iyakan ang pagtatapos ng relasyon namin ni Kyle. Kaya siguro ganito na lang ang epekto sa ‘kin nang mabanggit siya ni Peter. Panay lang ang pag-iyak ko, marahil tumagal din ng ilang minuto. Nagulat na lang ako nang lumuwag ang pagkakatali sa ‘kin. Pagdilat ko, wala na sa harapan ko si Peter. Nakatayo na siya sa paanan ng kama. Seryoso habang hawak ang kanyang cellphone. “Punasan mo ‘yung sipon mo,” sabi niya bigla sabay bato ng t-shirt niya sa mukha ko. Kinuha ko ito at nakita ko na lang ang likod niya habang palabas siya ng kwarto. Sa unang pagkakataon ay iniwan niyang bukas ang pinto. Binukas-sara ko naman ang mga mata ko at dito pinampunas ang t-shirt niya sa mukha ko. Suminga na rin ako dahil sa pagtulo ng sipon ko. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko habang sinusubukang isipin kung anong nangyari ngayon lang. *** Nakatitig lang ako sa bukas na pinto ng kwarto. Nag-aalangang lumabas kahit parang pwede naman na. Nagawa ko nang kalmahin ang sarili pagkatapos kong umiyak. At ngayon ay kumukulo ang tyan ko. Tanaw ko mula sa pwesto ko ang pinto ng kubo. Mukhang umalis na naman si Peter. Siya lang ‘yung kidnapper na mahilig mang-iwan. Ganuon na ba talaga kalaki ang tiwala niya sa ‘kin? Hindi niya naisip na pwedeng-pwede kong sunugin ang kubo niya. Napabuntong-hininga ako. Pagkatapos kong iyakan si Kyle, pakiramdam ko mas naging matatag ako. Alam kong kailangan pa naming makapag-usap kapag nakaalis na ‘ko rito. Pero sana kapag nagkaharap kami, masabi ko sa kanya lahat ng gusto kong sabihin – lahat ng mga bagay na kinimkim ko sa maraming taon. Nang bumukas ang pinto ng kubo, hindi ko napigilan ang pag-angat ng magkabilang dulo ng labi ko. Kahit pa pumasok si Peter ng nakasibangot pa rin. Paano’y bumaba ang tingin ko sa supot na dala niya. May mga barbecue sticks kasi rito. Mukhang may dala siyang inihaw! Napalunok ako nang makita kong nagpunta siya sa kusina. Naramdaman ko ang pagkulo ng tyan ko. “Hindi ka ba kakain?” malamig na tanong ni Peter. Kaya nakuha ko itong sign para tumayo at magpunta sa kusina! Tinulungan ko si Peter maghain. Naglagay ako ng mga plato sa lamesa pati kutsara’t tinidor para sa ‘min. “Ikaw lang ang kakain. Tapos na ‘ko,” walang emosyong saad ni Peter. Bumagsak tuloy ang balikat ko. Akala ko pa naman ay sabay na kaming kakain ngayon. Iniwan na niya ‘ko sa kusina. Kumuha lang pala siya ng canned beer sa ref at nagpunta sa sala. Dito’y naupo siya at nagsimulang uminom. Gusto ko man siyang intindihin, inuna ko na muna ang gutom ko. Kaya naman kinain ko ‘yong dala niyang pork barbecue. Nangiti ako dahil may kasama na agad itong kalamansi. Kaya nakagawa pa ‘ko ng sawsawan. Natuon ang buong atensyon ko sa sarap ng kinakain ko kaya nawala sa isip ko lahat ng mga nangyari kahit sandali. Nang matapos akong kumain ay napadighay ako. Tinakpan ko agad ang bibig ko sabay tingin kay Peter. Nakita kong nakahiga na siya sa sofa. Nakapatong ang braso sa ibabaw ng mga mata. Nasa lamesita ‘yong nakayuping lata ng beer. Mukhang nakatulog na siya sa kalasingan— “Pupuntahan ko dapat si Elle kanina. Pero nasa honeymoon pala sila ni Axel kaya hindi na ‘ko tumuloy,” bigla kong narinig ang boses ni Peter. Parang pinipiga ang puso ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD