“Kumportable ka ba diyan?” Napadilat ako. Kita ko ang isang kamay kong nakalapat sa dibdib ni Peter—pati ang tainga kong nakadikit doon. Hindi ako sigurado kung kanya ba o sa ‘kin ang naririnig kong malakas na t***k ng puso. At hindi na ito mahalaga pa. Mabilis ko siyang itinulak palayo. Isang malaking distansya agad ang namagitan sa ‘min. “Sabi ko naman sa ‘yo,” may bahid ng biro sa boses niya. “Wala akong problema kung i-take advantage mo ‘ko.” Yumuko agad ako. Nahawa na yata siya ng kapatid niya sa mga corny na linya. “Sorry! Nadapa lang ako,” palusot ko sabay talikod. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Napapikit ako nang mariin at nailing sa sarili—lalo na’t nahuli ko pa ang pagpipigil niya ng ngiti. Great job, Wendy. Every few minutes, talagang napapahiya mo ang sarili

