“Salamat, kuya! Have a good day!” bulalas ko, nagmamadaling bumaba ng kotse. Hindi ko na nalingon pa ang driver dahil may hinahabol akong oras. Ayon lang, napatingala ako sa langit pagbaba at sandaling natigilan. Tumila na ang ulan kaya matatanaw ang pagsilip ng araw. Pumikit ako at huminga ng malalim—maybe I should give this day a little hope after all. Napabalik ako sa reyalidad pagtingin sa wrist watch ko. Halos sampung minuto na lang kasi bago ang scheduled interview ko sa Stellar! Wala na ‘kong sinayang pang segundo. Nagmadali ako papasok sa building pero mabilis napahinto nang may humawak sa braso ko. Iritable akong lumingon at natigilan nang makita si Kyle. Hinigit ko ang hininga ko. Nag-flash sa isip ko ang huling pagkikita namin sa libing ng tatay ko. “Ikaw nga! Kumusta

