“How’s your first day so far?” tanong ni Peter sabay sandal sa swivel chair. Diretso ang tingin niya sa ‘kin—walang bakas ng kaba. Katulad ng dati, mahirap basahin ang mukha niya. He’s unaffected by me. Good. Exactly what I wanted. So why does it feel like I want to throw something at him? Dahil sa tanong niya, nag-flashback ang buong araw ko sa Stellar. Bumalik bigla ang pagod at stress ko—‘yong pakiramdam na gusto ko nang umuwi. Gusto kong magreklamo, pero mabuti at napigilan ko ang sarili. Tipid akong ngumiti sa boss ko bago sumagot, “Okay naman po.” “Good.” Tumango siya ng isa, parang halos tumagos ang tingin sa ‘kin. “Were you expecting this?” Expecting what? Na makikita ko siya ulit after all these months? Na dito pa talaga sa Stellar, of all places? Na… boss ko pa siya ngay

