Ano naman ngayon kung makipag-date si Peter kay Ms. Annika? Si Peter man o si Nikolai ang tinutukoy niya, pare-pareho naman silang single. Wala namang mali roon. At lalong wala akong pakialam. Wala. “Ms. Ortega, ayos ka lang ba?” “Oo naman!” bulalas ko agad. “Bakit naman ako hindi magiging okay? Wala namang kinalaman ’yon sa ’kin.” “Ah… huh? Anong… kinalaman?” Napahinto ako. Umiling sabay pilit na tawa. “Basta. I’m fine. Tara na.” Napakamot si George ng ulo. “Ah… ano kasi, dito na ’yung opisina ni Sir Cole.” Huminto ako. Pagtingin ko sa direksyong balak kong puntahan, fire exit na pala yon. Napapikit ako ng mariin. Kung hindi pa nagsalita si George, baka nakababa na ako ng emergency exit para lang makatakas sa kung anu-anong iniisip ko. Dahan-dahan akong napalingon kay George n

