Sa pitong taong relasyon namin ni Kyle, puro pag-aaral at pagtatrabaho lang ang kanyang iniintindi. Matalino, masipag, mapagmahal sa pamilya, at may takot sa Diyos – ilan lang ang mga ito sa mga magagandang katangiang mayroon siya. Kaya nga malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi niya ako kailanman binigyan ng dahilan para pag-isipan siya ng masama.
Kaya paano niya maipapaliwanag ang balot ng condom na nakuha ko galing sa kanyang wallet? Sigurado akong hindi ito galing sa kwarto ko dahil kahit kailan ay hindi ako nagka-interes bumili nito. Ang alam ko naman ay ganuon din siya – but apparently, I was wrong.
Tuloy ay iniisip ko ngayon kung ano pa kaya ang mga bagay na hindi ko alam tungkol sa kanya.
“Babe, mukhang seryoso ka dyan,” nanunuksong tanong ni Kyle pagbalik sa kwarto ko. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa ‘kin kaya parang huminto ang paghinga ko, bumilis din ang kabog ng dibdib ko. Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa naramdaman ko ang pagyakap niya sa ‘kin galing sa likuran.
“Sa ‘yo ‘to?” tanong ko, sinusubukang maging kalmado. Nang lumuwag ang pagkakayakap niya sa ‘kin ay tsaka ako humiwalay sa kanya. Dumistansya ako nang harapin siya.
“Oo, sa ‘kin,” casual na sagot ni Kyle sabay bawi sa balot ng condom na agad niyang binulsa. “Saan mo nakuha?” tanong pa niya na para bang hindi ito malaking bagay. Parang may sumaksak tuloy sa dibdib ko. Nagawa pa niyang tingnan ako ng diretso sa mata, tila gustong patunayang wala siyang tinatago.
“Bakit may condom ka?” diniretso ko na siya kahit halos hindi ko mabigkas ang bawat salita. Alam kong parang tanga ‘yung tanong ko pero gusto kong marinig mismo sa kanya ang sagot. “‘Di ba malinaw naman sa ‘yo na ayaw ko pa?” pahabol ko sakaling sabihin niyang para sa ‘kin sana ito.
Dito naman nagsalubong ang kilay niya. “Oo. Alam ko. Kaya nga tinapon ko na rin agad. Wala kang dapat ipag-alala,” seryosong sagot niya. Tinalikuran niya ‘ko pero naglakad pa ‘ko papalapit sa kanya.
“Pero bakit mo ba biglang naisipang bumili ng condom?” maayos naman ang pagtatanong ko. Pero iritable siya nang muli akong harapin. Dito rin bahagyang lumakas ang boses niya.
“Pati ba naman pagbili ko ng condom, issue na rin? Napagtripan lang ako sa trabaho kaya napabili ako.”
“Bakit ka nila pagtitripan? Anong kinalaman ng condom?”
Umigting ang panga niya. “Basta. Katuwaan lang ‘yon. Wala ka ng kinalaman dun.”
Nanikip ang dibdib ko sa kanyang sinabi. Para bang nasaraduhan ako ng pinto sa mukha. And dating sa ‘kin ng sagot niya, pinag-uusapan nila sa trabaho ang s*x life ng isa’t isa. Otherwise, why would they be talking about condoms?
Napaisip naman ako sa sagot niya. Hindi ko alam kung dapat ba ‘kong maniwala. ‘Yung Kyle kasi na kilala ko, private person lalo na pagdating sa ‘ming dalawa. Hindi rin nagsisinungaling at mas lalong hindi nanloloko.
Pero Wendy, ‘di ba nga nagbago na siya?
Gusto ko namang paniwalaan ang paliwanag ni Kyle para matuldukan na ang issue na ‘to. Kaya lang ay may parte sa ‘king napatanong – paano kung ginamit pala niya ‘yong condom sa ibang babae dahil alam niyang hindi uubra sa ‘kin?
“So, pagbili mo, tinapon mo rin agad ‘yong condom?” paniniguro ko. Naningkit ang mga mata ko.
“Malamang. Para namang may mapaggagamitan ako,” sarkastikong balik niya kaya may kirot akong naramdaman sa dibdib. Alam ko kasing medyo may pahaging ‘yong sinabi niya sa ‘kin. Parang ang dating, nasayang ‘yong binili niyang condom dahil hindi naman niya pwedeng gamitin sa ‘kin.
Dito niya ‘ko hinawakan sa magkabilang braso. Mas lumalim ang tingin niya sa mga mata ko nang magsalita. “Look, babe. Nakalimutan ko lang itong itapon kasabay ng condom. Mag-focus ka lang. Marami ka pang ibang bagay na dapat intindihin ngayon.”
Alam kong sinusubukan niyang ipakita ang kanyang pang-unawa sa ‘kin pero hindi ito nakakatulong sa kanya sa sitwasyong ‘to.
“Saan mo tinapon? Bakit natira pa ‘yung balot?” magkasunod kong tanong imbes na intindihin ang kanyang sinabi. Kaya mukhang dito na siya napikon. Binitawan niya ‘ko nang muling nagsalita.
“Wendy, pinag-iisipan mo ba ‘ko ng masama dahil lang sa condom? Come on! Palagi mo na lang akong itinutulad sa ibang lalaki. Kung mahal mo ‘ko, dapat may tiwala ka sa ‘kin,” singhal ni Kyle. Inihilamos pa niya ang dalawang kamay sa mukha na para bang labis ang pagkadismaya.
“Dapat talaga kanina pa ‘ko umalis. Mukhang iyon din naman ang gusto mo. Sige na, uuwi na ‘ko. baka kung ano pang ibintang mo sa ‘kin. Saan pa ‘to umabot,” dagdag pa niya.
Lumabas na si Kyle sa kwarto bago pa ‘ko makapagsalita. Naiwan tuloy akong tulala habang nakatitig sa pinto. Ako dapat ang mainis kay Kyle kaya hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ngayon ako pa ang nagkamali.
Sana pala hindi na ‘ko nagtanong. Sana itinapon ko na lang para sa kanya ‘yong balot ng condom.
***
“Bakit pala hindi naghapunan dito si Kyle bago umalis?” tanong ni mama, halata ang pagkadismaya. Nasa hapagkainan na kami kasama si papa. “Nagluto pa naman ako ng paborito niyang chicken curry. Dinamihan ko ng gatas dahil iyon ang gusto niya,” dagdag pa niya.
Mabilis akong ngumiti nang tingnan ako ng mga magulang ko. “Oo nga po eh. Gusto sana niyang kumain dito kaya lang may emergency sa kanila,” sagot ko sabay iwas ng tingin. Pinagsandok ko na sila ng kanin.
“Ay naku! Anong emergency, ‘nak? May matutulong ba tayo?” magkasunod na tanong ni mama. Naibaba niya bigla ang hawak na kutsara’t tinidor sa plato.
“Ah emergency lang po sa trabaho. May report pala siyang kailangang ipasa, muntik na niyang makalimutan,” sabi ko na para bang hindi naman ito ganuon kalaking bagay. Agad naibsan ang pangamba sa mukha ng mga magulang ko kaya nakahinga na rin ako ng maluwag.
“Ah ganuon ba. Mabuti na lang pala at naalala niya. Hindi ba’t mapo-promote na raw siya sa trabaho?” tanong pa ni mama. Tumango ako bilang sagot sabay subo ng kanin. “Dapat talaga magsumikap siya. Lalo na para sa future niyo dahil siya ang lalaki. Nagtatanggalan pa naman ng trabaho ngayon. Mahirap na.”
Paglunok ko’y parang may bumara sa lalamunan ko. Nasamid tuloy ako at agad inabutan ng tubig ni papa. Uminom ako habang binubukas-sara ang mga mata.
“Tart, kumain na nga muna tayo,” sabi tuloy ni papa.
“Hindi pa po pala ‘ko nakakapaghugas ng kamay,” pagdadahilan ko sabay tayo. Dumiretso ako sa banyo at dito agad ni-lock ang pinto.
Humarap ako sa salamin, pinagmasdan ang repleksyon ko. Namumula ang mga mata ko, mabigat din ang paghinga ko. Sinubukan kong kalmahin ang sarili. Pero sa huli’y tumakas din ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko gustong makita ito ng mga magulang ko dahil ayaw na ayaw kong pinag-aalala sila. Paniguradong hindi nila mapapalampas kapag nalaman nilang si Kyle ang dahilan ng pag-iyak ko.
Ako na ang unang nag-chat kay Kyle dahil alam kong masyadong mataas ang pride niya para gawin ito. Tinanong ko kung nakauwi ba siya ng maayos. Humingi ako ng tawad kung nainsulto ko siya kanina. Sinabi ko ring gusto kong makapag-usap kami ng maayos tungkol sa nangyari. Pero kahit online siya, mukhang hindi pa rin niya nakikita ang message ko hanggang ngayon.
Lalabas na sana ako ng banyo nang mag-vibrate ang phone ko. Akala ko si Kyle na ito pero nakita kong si Elle pala. Nag-chat siya sa ‘kin na napadala na niya sa email ang mga impormasyong hinihingi ko sa kanya.
Dumiretso naman ako sa inbox ng email ko at dito nakita ang tinutukoy niya. Bukod sa wedding invitation, nakatanggap ako ng listahan ng mga trabahong available sa kumpanya nila ngayon.
Una kong binuksan ‘yong invitation. Nangiti ako nang makita ang litrato ni Elle kasama ang mapapangasawa niya. Axel ang pangalan nito – moreno, maganda ang ngiti, mukhang mabait at pinoy na pinoy. Hindi makwento si Elle pagdating sa love life niya kaya nagulat nga akong ikakasal na siya.
Sunod kong tiningnan ang listahan ng job opening sa kanilang kumpanya. May mga posisyon namang tingin ko’y pwede sa ‘kin. Pero napaisip lang ako dahil sa payo ni Kyle. Baka tama kasi siya, baka hindi ko kayanin sa Maynila. Baka hindi ako makasabay sa iba…
“Anak! Ano nang nangyari sa ‘yo? Nakatulog ka na ba dyan?” Muntik na ‘kong mapatalon sa boses ni mama galing sa labas. Mukhang matagal na pala ‘ko sa banyo.
Isasarado ko na sana ‘yong phone ko nang makitang may email pa pala akong hindi nabubuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang pindutin ko ito.
I received an interview invitation from Stellar Communications! It’s a communications company that offers a range of communication-related products and services like smartphones. Hindi ko inasahang magre-reply sila sa ‘kin dahil suntok sa buwan lang ang application ko sa kanila. Related pa sa digital marketing ang posisyong inapplyan ko kahit management graduate ako at walang sapat na karanasan.
Sa Taguig matatagpuan ang kumpanyang ito – katapat lang ng kumpanyang pinapasukan ni Kyle!
***
Pagkatapos maghapunan ay nagkulong na ‘ko sa kwarto. Pinag-iisipan ko pa kung tutuloy ako sa interview ko bukas sa Stellar. Ilang oras kong inaral ang sagot ko sa mga pwedeng itanong sa ‘kin pero kahit sa simpleng ‘Tell Me About Yourself’ ay hirap na ‘ko. Parang hindi ko ganuon kakilala ang sarili.
Nawawala pa ‘ko sa focus sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi ni Kyle sa ‘kin. Isa kasi ang Stellar sa dream company niya pero hindi siya pinalad noon. Kaya paniguradong pagtatawanan niya ‘ko kapag nalaman niyang maglalakas-loob akong magpunta sa isang interview dito.
Kaya naman habang hindi pa makapagdesisyon, naghanap na lang muna ako ng trabaho sa iba’t ibang recruitment sites. Ilang oras ko rin itong ginawa pero kaunti lang ang kumpanyang napasahan ko ng resume katulad ng madalas na nangyayari.
Paano’y umiwas ako sa mga posisyong pakiramdam ko hindi ako qualified. Umiwas din ako sa mga kumpanyang nanghihingi ng kung anu-ano. Kahit kasi gusto ko ng trabaho, wala ako sa mood mag-imbento ng dahilan kung bakit gusto kong magtrabaho para sa kanila. Hindi ba halatang kailangan ko ng pera?
Mahigit isang buwan na rin mula noong mawalan ako ng trabaho. May mga kumpanya namang sumasagot sa application ko. Pero kapag iniimbitahan na nila ‘ko for an interview, hindi naman ako nagpupunta. Kung minsan phone call pa lang, hindi ko na sinasagot. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho.
Kung tutuloy ako sa interview bukas, ito ang unang interview na mapupuntahan ko. Sobrang kinakabahan ako maisip ko pa lang ito.
Ewan ko ba kung anong nangyari sa ‘kin at bumagsak ang kumpyansa ko sa sarili. Tumindi pa ito noong ma-lay off ako. Para akong ina-anxiety maisip ko pa lang na kakausap at haharap ako sa ibang tao. Alam kong dapat nga mas confident ako ngayon kasi graduate na ‘ko at may sapat na experience pero kabaliktaran ang nangyari. The old Wendy would be ashamed of me for sure.
Dahil kailangan kong malibang para hindi mag-overthink, nahiga ako sa kama at nanuod ng mga maiigsing videos online. Panay lang ang swipe ko hanggang sa umabot ng ilang oras ang panunuod ko.
Nang tingnan ko ang oras ay nagulat ako dahil inabot na naman ako ng alas tres ng umaga!
Sinilip ko ang chatbox namin ni Kyle at nakita kong na-seen na niya ang huling message ko sa kanya. Nag goodnight ako sa kanya pero hindi naman siya nag-reply. I suddenly felt empty inside, like there was a big hole in my chest and all my energy had been drained away.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at muntik nang sumigaw sa sobrang frustration. Mabuti at naalala kong hindi pala pwede dahil magigising ko sina mama’t papa. Tuloy ay nagpapadyak na lang ako na parang bata.
Naghahabol ako ng hininga nang mahiga ng maayos. Gusto ko nang matulog pero mukhang twenty-four seven bukas ang utak ko. Isang bagay ang pumasok sa isip ko na pwede kong gawin pampatulog.
Kung may sikreto si Kyle ay may sikreto rin ako.
Tumayo ako, siniguradong naka-lock ang pinto. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagkakahiga sa kama, kinuha ang cellphone at sinalpakan ito, maging ang tainga ko, ng earphones.
Nagbukas ako ng incognito tab at nagpunta sa isang sikat na p*rn site. Nadiskubre ko ito noong isang beses na nagbakasyon kami ni Kyle. Una siyang nakatulog pagkatapos ko siyang mapasaya. Pero ako naman ang naiwang hindi kuntento.
At dahil hindi ako kumportableng magsabi kay Kyle ng mga ganitong bagay at hindi ko rin naman alam kung ano ang gagawin, naghanap ako ng makakatulong sa ‘kin online. At dito nga ako napadpad sa site na ‘to.
Napangiwi ako sa mga videos na unang tumambad sa ‘kin, karamihan kasi sa mga ito’y kung hindi dalawang lalaking nakikipag-s*x sa isang babae, ‘yung babae ay mukhang nasasaktan sa ginagawa sa kanya. Hindi ko gustong nakakakita ng ganitong klase ng videos.
Kaya naman dumiretso ako kaagad sa search bar at nag-type ng “real couple beach s*x”. Alam kong malaki ang chance na hindi totoong magkarelasyon ang mapapanuod ko, pero ayaw ko lang ng babaeng nahihirapan o napipilitan.
Nang makakita ako ng video kung saan nasa private island ‘yong couple, agad ko itong pinindot. Pinanuod ko nang magsimula silang maghalikan habang nakalubog ang mga katawan sa dagat, kapwa walang suot na kahit ano. Maya-maya’y kinuha ng lalaki ‘yong camera at tinutok sa babae. Nakangiti at natatawa lang ito habang may sinasabi siya. Walang ibang taong makikita sa paligid bukod sa kanila.
Ayon lang ay tulad ng ibang videos sa site na ito, nagsimulang maging wild ang pinapanuod ko. The camera caught the delicate moment as he entered her underwater. Pinakita ng lalaki ‘yong reaksyon ng babae na mukhang sarap na sarap sa kanyang ginagawa. At mula rito’y naging mabilis na ang mga pangyayari.
I felt myself becoming increasingly aroused as the video played, and my hands began to wander. I explored my own body and touched my intimate parts.
Mula sa dagat ay napunta sila sa tago at medyo mabatong bahagi ng isla. Humiga sa buhangin ‘yong lalaki, pumaibabaw naman sa kanya ‘yong babae. Makikita ng malinaw ang mga katawan nila habang paulit-ulit at pabilis ng pabilis ang pagtatagpo ng mga ito. The woman took charge, and the man willingly followed her lead.
At bago pa man natapos ang video, alam kong natapos na ‘ko. I achieved climax on my own again.
Pumikit na ‘ko. Binalot ko ng kumot ang katawan ko habang naghahabol ng hininga.
I watch this kind of videos occasionally to fulfill my desires in a way that feels safe and comfortable for me. Oo’t nahawakan na ‘ko ni Kyle pero kahit kailan ay hindi sa paraang gusto ko.
***
Pupunta ako sa interview para sa sarili ko. Kahit hindi ako matanggap, gusto kong masabi sa sarili kong sinubukan ko.
Galing sa bahay, kinailangan kong sumakay ng tricycle, jeep, at dalawang bus papuntang Makati. Hanggang dito pa lang ay halos tatlong oras na ang naging byahe ko. Hindi ko nasukat ng maayos ang oras kaya ngayon ay kailangan ko nang sumakay ng taxi. Pero dahil may hindi ako magandang karanasan sa regular taxi, mas gusto kong gumamit ng car-booking app na SwiftRide.
Ang maganda sa app na ‘to, mabilis ang pagdating ng sasakyang na-book mo. Kaya naman nang may humintong itim na kotse sa harapan ko ay agad akong sumakay. Sinabi ko pa kung saan ako papunta kahit nasa app naman na ‘to para makasigurado.
“Pabilis na lang po, Kuya. Late na kasi ako sa interview ko sa Stellar,” nagpaawa na ‘ko para bilisan talaga ng driver ang pagmamaneho. Napatingin ako sandali sa driver pero nakasuot kasi siya ng itim na baseball cap, shades, at mask kaya hindi makita ang mukha niya.
Nagkibit-balikat na lang ako nang paandarin na niya ‘yong kotse. Itinuon ko ang atensyon sa phone ko. Nagpunta ako sa social media pages ng Stellar Communications dahil baka may itanong sa interview tungkol dito.
“Bakit kaya puro produkto ang pino-post nila?” natanong ko ng malakas. Nakita ko tuloy na medyo inihilig ng driver ang tainga niya sa direksyon ko. “Ah tinitingnan ko lang po ‘yung social media page ng Stellar. Ang dami naman nilang pwedeng i-post pero puro product posts ang makikita. Kung ako ang follower nila, matagal na ‘kong nag unfollow. Pwede ko naman kasing makita lahat ng ‘to sa website—ay sorry ang daldal ko yata.” Natawa ako ng mahina. Pagkatapos ay bahagyang tinapik ang bibig ko.
Wala naman akong narinig na kahit anong reaksyon galing sa driver. Masyado itong tahimik. Pinalipas ko ang ilang minuto bago ako muling nagsalita. “Malayo pa po ba tayo?”
Nanatiling tikom ang bibig nung driver. Hindi kaya… bingi siya?
Baka hindi lang nalagyan ng deaf driver sticker ‘yong sasakyan niya! Nakakita na ako ng ganito noon sa isang SwiftRide na nasakyan ko.
Dahil dito’y pumilas ako ng papel galing sa notebook ko at nagsulat ng “DRIVER IS DEAF,” sinamahan ko pa ito ng drawing para mas makita ng susunod niyang pasahero.
Mabuti na lang at nakapagdala ‘ko ng pencil case kaya may nabitbit akong scotch tape na ginamit ko para idikit ‘yong papel sa likod ng driver’s seat.
At babalik na sana ako sa pagtingin sa phone ko nang mag-ring ito. Tumatawag ‘yong driver na na-book ko sa SwiftRide.
Pero pagtingin ko sa driver na kasama ko, nakahawak lang siya sa manibela at hindi naman tumatawag sa ‘kin.
Sinagot ko naman ‘yong tawag. “Ma’am, pasensya na ho at na-traffic ako. Nasaan po ba kayo banda?” Biglang nanlamig ang buong katawan ko. Dahan-dahan akong napatingin sa driver ng kotseng nasakyan ko. Masyado pang maaga pero… nagbago na ba ang schedule ng pagkidnap at mayroon na silang shift sa umaga?
“Uhm. Question lang, Kuya. Hindi po ba kayo SwiftRide driver?” pagkumpirma ko at dito niya mabilis na itinabi sa gasoline station ang sasakyan.
"Ask before you get in a stranger's car next time,” malamig at malalim ang boses niya. Napalunok naman ako bago nagmadaling bumaba ng kotse.