Binalot ng katahimikan ang apat na sulok ng apartment. Mag-isa na naman pala ‘ko. Tanghali na at mukhang nasa trabaho na ulit lahat. May kirot akong naramdaman sa dibdib. I have nothing against being alone. It just feels like while everyone else is moving forward, I’m stuck in a hole. At wala akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko. Nahagip ng mga mata ko ang cellphone ko sa lamesa. Kinuha ko ito at awtomatikong nag-check ng text messages, call log, at inbox ng emails ko. Umikot na naman ang tyan ko nang walang nakitang kahit ano galing sa Stellar. Sa totoo lang, wala akong lakas at ganang gumawa ng kahit anong bagay ngayong araw. Mabuti nga at nakaligo pa ‘ko pagkatapos kong sumuka. Nanghihina pa rin ako at sobrang sakit ng ulo ko. Kaya nagdesisyon akong bumalik sa pagtulog.

